Albay 6

76 11 1
                                    

Party

"Joaquin?" Nagtataka kong sabi nang nasa hamba na ako ng pintuan.

"Uhm, andyan ba si Kate?" Tanong niya at dumungaw sa loob ng bahay.

"O-oo nasa kusina, bakit?" Ani ko at humawak sa pintuan.

"Hanggang anong oras ang shift niya?" Tanong ni Joaquin at hinubad ang kanyang sumbrero pang magsasaka.

Nilingon ko ang orasan sa aming salas at nakitang nakatutok ang mga kamay nito sa numerong uno.

"Mamaya pang alas-seis" Sagot ko at napakamot siya ng batok.

"Bakit? May sasabihin ka ba? Pwede ko naman siyang tawagin" Ani ko.

"Oo sana, may lakad kasi kami, sasabihin ko sana na ngayon nalang dahil may anihan kami mamaya" Aniya at napatango ako.

"Sige, sasabihin ko na lang" Saad ko at tumalikod, sakto namang papalapit sa amin si Crisha.

"Ilabas daw natin 'yong mga mamahaling lumang kubyertos ni Lola" Sabi ni Crisha nang makalapit sa akin at nilingon pa kung sino ang nasa pinto at mukhang hindi niya naman nakilala kaya hindi niya pinansin at tinalikuran na ako.

"Ahh—MC! Huwag na pala, itetext ko nalang siya, sige una na ako" Ani Joaquin kaya napatingin ako sa kanya na hindi manlang hinintay ang sagot ko at umalis na.

"Nasa Vajillero" Sabi ko at wala sa sariling tumungo doon sa display cabinet ng mga porcelain plates at glass wear habang nakasunod si Crisha sa akin.

Bakit kaya hindi na pinatawag ni Joaquin si Kate? At bakit nga pala niya pinuntahan si Kate dito sa Mansion? May something ba sa kanila or like sila? I have no idea basta ang alam ko base sa truth or dare ng mga kaklase ko isa sa mga Figueroa ang gusto niya, Kate isn't part of Figueroa clan so?

"Tulungan mo ako, ilabas natin" Natauhan ako nang magsalita si Crisha at buksan ang salamin ng vajillero.

Isa-isa naming binaba ang mga mamahalin at magagandang pinggan, baso, kubyertos at mga tasa na binili pa ng aming mga ninuno sa ibang bansa.

"Ingatan mo" Sabi ko kay Crisha dahil muntik na niyang mabitawan ang isang pinggan.

"Buti pa ang pinggan iniingatan" Aniya at bumuntong hininga, tinaasan ko siya ng kilay.

"Humuhugot ka, may boyfriend ka ba?" Sarkastiko kong tanong at kumuha ng plato.

"Wala! Kaya nga ako humuhugot kasi wala!" Umirap siya sa akin kaya nagulat ako, may menstruation ba 'to ngayon?

"O anong pinaglalaban mo?" Tanong ko sa kanya at umalis na para pumunta sa comedor.

Nakita ako ni Crystal kaya agad niya akong tinakbo para yakapin.

"Happy birthday baby girl!" Bati ko sa kanya habang hawak ang mga plato.

"Thank you Ate, MC!" Cute siyang ngumiti sa akin, kulot ang kanyang buhok, maputi ang balat at matangos ang ilong.

"O bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong ko sa kanya.

"Mayamaya na po Ate, ang init kasi sa katawan ng susuotin ko eh!" Aniya at kinamot ang kanyang ulo.

"Nako lagot ka kay Mommy Tatiana mo!" Tumawa ako.

"Sige, bihis ka na anong oras na oh" Ani ko at tinignan ang orasan.

"Okay po!" Ngiti sa akin ni Crystal at tumakbo na papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

Nilapag ko ang mga plato sa lamesa at tinignan ang lahat na aligaga sa kusina para sa engrandeng handaan mamaya.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon