Chapter: 23

32 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 23

Kauuwi lang ni Rain mula sa trabaho, sa bagong apartment na siya ngayon tumutuloy.

Pagka-pasok ay agad na pinalo siya ni Aim nang baseball bat sa binti.

Napaluhod siya,

Lumapit naman si Ely at hinawakan siya sa kwelyo,

"Alam ko na kilala mo ang nasa likod ng mga patayang nagaganap."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ely, alam mo naman na hindi ako mahilig makihalo sainyo."

Muli siyang pinukpok ni Aim sa ulo kaya pumutok yun at umagos agad ng dugo.

"Nakita ka nang tauhan ko na nagpunta sa bahay ni PJ, akala mo siguro hindi ko malalaman." 

Ngumisi lang si Rain.

"Alam mo kung nasaan sila Sam?" 

"Wala akong alam."

Muling binanatan ito ni Aim.

"Handang-handa ka na mamatay tama?" 

"Patayin mo na ako, dahil hindi ko masisikmura ang mga pinaggagawa ninyo!" Sigaw ni Rain, 

Tinutok ni Ely ang baril sa ulo nito sabay putok.

"Wooh!" Sigaw ni Aim na natawa pa

Halos tumalsik ang dugo kay Ely, hanggang bumagsak ang katawan ni Rain.

"Dapat noon ko pa ginawa yan. Para hindi ako naunahan ni PJ." Bulong niya

"Diba mag isa lang siya sa bahay niya, bakit hindi natin ipa-ambush?" 

"Huwag kang atat, darating tayo diyan asikasuhin mo kung paano mahahanap si Sam, para makuha ko pa siya at mapalasap muli kay PJ ang sakit kapag natuluyan ko ang anak niya."

~

Nanlumo ako sa nakita kong balita sa diyaryo, mabuti na lamang at naibigay saakin ni Rain ang mga detalye. Nasa safe na lugar na din ang kapatid niya.

"Hayup ka talaga Ely, wala kang kasing-sama bulong ko." At nilapag ang diyaryo, inaayos ko ang mga baril na nasa kama, sigurado akong gagawa na ito nang hakbang kaya maghahanda na ako.

Kinuha ko ang bulletproof at sinuot yun bilang proteksyon ko, ni load ko lahat nang baril at pinag aayos sa mga lugar ma pwede kong matakbuhan at malapitan.

"Maghahanda lang ako, sigurado ko anumang oras darating mga kalaban."


~

"Ate, tumawag na po ba si daddy?" Tanong ni Jove.

"Hindi pa nga baby." Sagot ni Sam, nakakaramdam din siya nang pag aalala, sigurado naman siya na okay ang ama pero may takot sa dibdib niya na baka tinuloy nito ang paghihiganti, lalu at dalawa sa mga suspek ngayon ang patay na.

"Ate, gusto ko na umuwi kela lolo miss ko na si Lolo."

Ngumiti ako kay Jove.

"Uuwi din tayo duon promise, pero hindi pa sa ngayon baby."

"Kelan ate?" 

"Sabi ni Daddy kapag naayos na ng lahat."

"Kelan siya matatapos?" Muli nitong tanong.

Wala din siyang makuhang sagot, pero isa lang nasa isip niya kapag si Ely na ang namatay.

~

"Iba ang case ni Rain sa mga naunang kaso, ibig sabihin iba ang pumatay dito." 

"Pero Inspector, sino naman ang pwedeng gumawa nun kay Rain?" Tanong ni Paul kay Azeneth.

Tila naglalaro na sa isip niya ng mga pangyayari.

"Hindi ko pa alam pero sigurado ako, hindi siya kasama sa pinaghihigantihan."

"Ang lalim mo inspector ahh, pero anu balita kay PJ?" 

Umiling siya, 

"Tahimik naman ang buhay niya, wag na lang natin siya idamay sa kasong ito." Sagot niya at dinampot na ang jacket.

"Teka saan ka pupunta?" 

"Mag-iimbestiga." Sagot nito at lumabas na nang opisina.

"Hayss.." Naiiling si Paul na naiwan.


~

"Buo na ang plan A natin Ely!" Excited na naman si Aim

Nagpa hired sila nang mga tao na papasok sa bahay ni PJ, sisiguraduhin nilang patay ito para maasikaso niya ang paghahanap kay Sam.

"Sigurado akong tepok na nito si PJ!"

"Siguraduhin mo lang, mukhang may pagka tuso din ang taong yun." Sagot ni Ely.

"Hindi mangyayari yun magagaling na killer ang kinuha ko, sigurado baka pagbukas lang ng pintuan tadtad na siya nang bala." Sinamahan pa nito ng tawa.

"Siya nga pala, anung sabi ni Judge?" 

"Wala." Sagot lang niya at pinagmamasdan ang litrato ni Sam.

"Inlove na inlove ka talaga kay Sam noh?!" Tukso ni Aim

"Naangkin ko na sana siya, kung hindi lang sumingit si Mika, ayun napatay ko tuloy." At muling pinagmasdan ang litrato ni Sam.

"Mapupunta ka din sa akin, malapit na." Bulong niya.

~


"Dad! Buti naman tumawag ka!" 

Ngumiti ako nang makita ko ang dalawang Prinsesa ko,

"Sobra ko lang busy kaya now lang ako nakatawag." 

"Baka naman magkasakit ka ahh? Kamusta ka na diyan daddy?" 

"Hello daddy!" Singit ni Jove

"Hello baby, kaunting araw na lang at uuwi na ako diyan para sunduin kayo."

"Talaga!" Magkasabay na sagot ng mga ito.

"Yes, pero sa ngayon may aasikasuhin ulit ako. I hope na kayong dalawang ay kumakain sa tamang oras."

"Opo daddy, matakaw na nga itong si Jove"

"Daddy yung cake ko po ahh!"

"Hindi ko nakakalimutan ang cake mo, promise." Sabay ngiti sa dalawa.

"Girls i love you." 

"I love you too daddy." Sagot ni Sam

"I love you din Daddy, uwi ka na ahh." Si Jove

Tumango ako at nagflying kiss sa dalawa 

"Mahal na mahal ko kayong dalawa." 

Napansin ni Sam ang kakaibang lungkot sa mukha nang kanyang ama.

"Okay ka lang ba daddy?" 

"Yes, basta ingatan mo palagi si bunso. At ikaw din." Bilin ko

"Opo daddy."

"O sige, may gagawin na ako. Bye girls." 

"Babye daddy , i love you!" Muling sabay ang dalawa.

Pinatay ko na ang video call at tinabi ang loptop, tumingin ako sa relo. Halos alas-syete pa lang ng gabi.

"Diyos ko patnubayan niyo ako." Bulong ko at nag sign of cross, bago hinawakan ang cal.45 na ginagamit ko kapag nagpa-practice.


#AuthorCombsmania




Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon