WHEN YOU SAID I'M NOT A NOBODY

7 0 0
                                    

"AAAAAHHHHHHH THEY'RE HERE!!!"

"AERON HONEY, I LOVE YOU"

"MARRY ME, JOLO AAAAAAAHHHHH"

"I LOVE YOU, SCOTT"

"YOU'RE SO GWAPO, AERON AAAAAAAHHHHH"

Hindi magkamayaw sa katitili ang mga babae dito sa campus. Paano kasi, nag si datingan na ang kanilang mga asawa kuno.

Sila Areon Chin, Jolo Chin at Scott Chin, magpipinsan sila at sikat na sikat at kinababaliwan ng halos lahat ng mga babae sa campus, kahit nga sa labas ng campus maraming babae ang baliw sa kanila. Nag eexcell sila sa halos lahat ng bagay, sobrang yaman, at higit sa lahat nagmamalaki ang kagwapohan nila.

At sino ako? I am Denesse Garcia, I am completely a nobody, I don't exist in this school, no one knows me, well, at least they call me nerd. I don't have friends, no diaries, but I have my books.

"Excuse me, excuse me, excuse me" pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa kumpulan ng nga babae na nagkakandarapa sa mag pipinsang Chin hindi para makiisa sa kanila, kundi para makadaan. Tsk! Paano kasi, nasa gitna sila ng daan nag kukumpulan at nagtitilian.

Lunch na at gutom na gutom na ako kaya kailangan kong maka daan, pero napakadami nila. "Excuse, excuse me, makikidaan po-AH!" para akong isang piraso ng kahoy na kusang pinatayo at natumba dahil sa tulakan ng mga babae. Masakit ang tuhod ko dahil ito ang unang tumama, at kamay dahil naitukod ko. Ngunit wala ni isa ang nakapansin sa pagka dapa ko, walang tumulong, ni ang tapunan ako ng tingin ay walang nakagawa, masyado silang tutok sa magpipinsan para pag aksayahan ako ng oras, isa pa, hindi naman ako nag eexist sa paaralang ito.

Tumayo ako at pinagpag ang sarili ko, pinulot ko ang mga libro kong nahulog, inayos ang salamin ko at saka nag lakad papunta sa canteen.

At least naka lusot ako

Pag pasok ko sa canteen, ingay agad ng mga estudyante ang sumalubong sa akin, naryan 'yong nagtatawanan, nag chichisimisan, nag aasaran. Napakahaba pa ng pila, at nasisiguro kong matatagalan talaga ako, gutom na gutom na ako kasi naman hindi ako nakapag breakfast dahil sa pagmamadali, nag pakawala muna ako ng malalim na buntong hininga.

"Sa labas na lang ako kakain" sambit ko sa sarili, may karenderya sa labas ng school, mura doon at masarap ang mga pagkain.

*HULK*

Iksaktong pagtalikod ko ay may nabanga ako, hindi pader kundi tao ang nabangga ko, at sa suot pa lang niyang slocks at panlalaking sapatos, alam kong lalaki siya.

"I'm sorry" hinging paumanhin ko habang naka yuko ang ulo. Hindi ko ugaling tumingin sa mata ng tao kapag nag sosorry.

"Who are you?" Nakakatakot ang boses niya, malamig na seryoso.

Hindi agad ako nag taas ng tingin, baka hindi ako ang kausap niya, nakakahiya ang mapahiya.

"I said who are you? Face me" aniya, pero nakatungo pa din ako. Imposible naman kasing ako ang kausap niya, himala 'yon na maituturing ko dahil may kumausap sa akin, after 4 years ng pag aaral ko dito may kumausap sa akin sa unang pag kakataon? ASA!

Pero napaigtad ako nang biglang may humawak sa chin ko at dahan dahang iniangat ang mukha ko. Unti unti ay umaakyat ang kaba ko, nanginginig ang kalamnan ko, hindi ko maintindihan. Nag dadalawang isip pa ako kung titignan ko ba siya pero sa huli nag taas ako ng tingin para makilala ang lalaking kumausap sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko magawang kumilos, gusto kong mag sorry ulit pero parang naging yelo ang dila ko, parang may bara ang lalamunan ko. Blanko ang mukha niyang naka tingin ng diritso sa akin habang hawak pa din ang chin ko.

One-Shot Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon