Chapter: 24

34 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 24

Alas-onse nang gabi, nagsimula nang gumawa ng hakbang ang mga tauhan ni Ely. Nakapalibotang mga ito sa bahay ni PJ, agad na may sumenyas kung pa'no papasukin ang bahay.

"Kayong dalawa." Bulong nito at senyas, lumingon naman ito sa kabila

"Kayo doon." 

Tumango ang mga ito, at ang iba ay sa main door pumasok.

Pagkapasok ay pansin ang madilim na paligid, sinadya ni PJ na patayin ang breaker. Kabisado niya ang sariling bahay kaya sigurado na walang kawala ang mga ito.

Bahagya akong sumilip, nakita ko na nag iisa ang isang lalaki. Mahaba ang dala niyang riffle, at sigurado ako na makakatawag pansin kapag nagpaputok siya. Tinutok ko ang baril na hawak ko, may silencer yun kaya walang magiging ingay.

Natamaan naman ang lalaki at mabilis itong bumagsak.

"One." Bulong ko at lumipat nang pwesto.

Ang dalawang lalaki naman ay paakyat sa kwarto, gumamit sila nang flashligth dahil sa sobrang dilim nang paligid, tila may nasanggi ang isa lalaki kay may nalaglag.

"Anu yun?" Tanong ng isa.

Pero agad na itong umusok.

"Tear gas!" Sigaw nito.

Tila naalerto ang lahat kaya mag nagpagulong ako ng tear gas kasabay ay ang paglalagay ko ng gas mask.

"Pagkakataon na." Bulong ko, at lumabas. 

Tinutok ko ang hawak ko na riffle FAL, kabibili ko lang halos lahat nang mga bago kong gamit.

Dalawa na kaagad ang natamaan, umiwas ako dahil may nagpa-putok.

"Sakit sa mata!" 

Nadinig ko na reklamo nang isa, kaya mabilis akong lumabas at binaril ito agad natamaan at bumagsak, pero may nagpaputok sa likuran ko kaya mabilis akong tumakbo. Tinapon ko ang hawak kong sandata at nagslide patungo sa likod nang sofa, kinuha ko ng armalite at mabilis na nagpa-putok. Dalawa muli ang tinamaan ko.

"Mukhang lumalaban siya ah?!" Tanong ni Aim habang nasa labas sila at pinapakinggan lang ang mga putok nang baril na nagmumula sa loob nang bahay ni PJ

"Naghanda din talaga siya." Bulong ni Ely at ngumingiti-ngiti.

Tatlong lalaki pa ang sumalubong sakin kaya mabilis ko pinaputukan ang mga ito, lumingon ako nang may mga pumasok pa. Agad akong tumalon dahil nagpaulan sila nang bala.

Sumiksik ako sa ilalim ng dining table, kinuha ko ang sniper riffle ko.

Agad kong sinentro sa kalaban, nakita ko ang binti nila dahil may silencer hindi malalaman kung saan nagsimula.

Nakita kong bumagsak kaya umalis na ako sa ilalim, 

Hinahanap naman ng isa ang bumaril.

Muli akong sumilip at tinutok ang telescope, sa ulo ang target ko. And yes nagpa-putok muli akom

Tinarget ko na din ang kaninang tinamaan ko sa binti, at sapol ito sa dibdib.

May tatlo pa akong nakita kaya ako na ang sumugod, mabilis akong nagpaputok na tila hindi na mga nakabwelo kaya agad na natamaan.

Hinubad ko na ang gas mask at napahinga ako nang malalim, hindi ko alam kung ilan sila pero mabuti na lang talaga at naging handa ako ngayon.

Nadinig ko ang dalawang putok nang baril, hindi ko alam kung saan nagmula pero naramdaman ko na sa tiyan ko yun tumama at tagiliran. Napahawak ako at nakilala ko kung sino ang bumaril,

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon