Chapter: 25

34 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 25

Tinawagan na lamang ni Azeneth ang pinsan niyang  doktor at agad na nagamot si PJ.

"Mabuti na lang hindi masyadong malalalim ang mga tama niya." 

"Sa tingin mo kelan siya magkakamalay?" Tanong niya

"Huwag ka mag alala, magkakamalay din siya. Nakakapagtaka nga na kinaya pa nito ang maglakad kung iba patay na sa dami ng dugo na nawala." Sabay tingin kay Azeneth.

"Hindi mo ba talaga siya dadalhin sa Hospital?" 

"Delikado kapag nalaman ng mga kalaban niya na nasa hospital siya. Baka dun na siya tuluyan." Sagot niya.

Tumango na lamang ang pinsan niya.

"Sige mauna na ako, andiyan na yung mga reseta na dapat mong ipainom sa kanya " 

"Salamat." 

"Wala yun, sige." Paalam nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Napalapit siya kay PJ at naupo sa tabi nito, kanina habang nagmamaneho ay bigla na lamang may babae na humarang sa kanya para sumakay, hindi naman siya natakot dahil alagad siya nang batas.

Bigla din niya naalala yun kanina.

~

"Saan ka ba bababa miss?" Tanong ni Azeneth, halos ala-una na nang madaling araw na may bigla na lang pumara para makisakay.

"Sa sementeryo, andun ang asawa ko." 

"Ah, hindi ka na pala miss sorry." Sagot niya at tinuloy ang pagmamaneho, pero panay din ang lingon-lingon niya at baka sakaling makita si PJ. Sigurado siya na may tama ito.

"May hinahanap ka?" 

Ngumiti siya.

"Oo, isang-isang matapang na lalaki." 

"Matapang din ang asawa ko, lahat gagawin niya para sa pamilya namin."

Lumingon siya sa katabi at nakita niyang malungkot ito, ngayon lang niya napansin na naka-all white itong damit, nakalugay ang buhok. 

"Mahal na mahal mo asawa mo, patay na ba siya? Kasi sementeryo ang sabi mo?" 

"Hindi, doon lang siya nagpunta para puntahan ako."

Napatango na lamang muli si Azeneth, madami naman meeting place bakit sementeryo pa.

"Yung taong hinahanap mo, gusto mo ba?" 

Natawa siya at lumingon

"Hindi ko alam, pero magaan loob ko sa kanya pati sa mga anak niya. Pero impossible na magustuhan ako nun, kasi mahal na mahal niya ang asawa niyang namatay." Naging masaya naman ako at nag enjoy nang magkausap kami ni PJ sa bar, medyo nawala masyado ang mga iniisip ko na problema. 

"May kakaiba sa taong yun, pero ayoko na malaman niya ang damdamin ko para sa kanya, baka masaktan lang ako." 

Hininto ko na ang kotse, dahil nakilala ang ko ang kotse ni PJ.

"Teka." Sagot ko at lumabas nang kotse, napatingin ako sa paligid sakto na sementeryo iyon.

Lumingon ako sa kotse ko pero laking pagtataka ko na wala na yung babae na sumakay sa akin kanina.

Muli ako lumingon at napansin ko na malayo na siya,

"Paanong?" Bigla pang bumuhos ang ulan kaya nagmadali na akong tumakbo.

Hanggang sa makita ko si PJ na nakahiga malapit sa puntod ng asawa niya.

Napailing si Azeneth, hindi siya naniniwala sa multo pero hindi din niya alam kung ang nagpakita ba sa kanya ay multo.

"Multo ba ni Mika yun?" Tanong niya sa sarili at muling pinagmasdan si PJ 

"Kung si Mika yun, nagpapa-salamat ako dahil natagpuan kita." Bulong niya.

~

"Hindi, hindi totoo yan lolo!" Halos mapaiyak si Sam. Dumalaw si Conrad para ibalita ang nangyaring insidente sa bahay nila.

"Sam, ayoko din paniwalaan ang sinasabi ng mga pulis." 

Napailing lang si Sam.

"Buhay ang daddy ko, nararamdaman ko yun."

"Iha, babalik na muna ulit ako nang manila. Sa ngayon, mag iingat kayo dito. Sigurado ako na hindi titigil si Ely."

"Lolo, baka pati kayo mapahamak."

Ngumiti lang si Conrad at niyakap ang apo.

"Huwag kang mag alala sa akin, matanda na ako at duon na ang punta. Pero kayo ni Jove, kayo ang priority namin ng daddy mo."

"Opo lolo." 

"Nasaan nga pala si Jove?" 

"Nasa kwarto, ayoko na sabihin ang mga sinabi ninyo baka bumalik na naman siya sa pagkatulala. "

Tumango naman si Conrad at hinaplos ang buhok nang kanyang apo.

"Manalangin lang tayo na maayos ang ama mo, sigurado akong buhay siya dahil nangako siya sa akin at sa inyo na babalik." 

"Alam ko lolo, buhay si Daddy. Babalik siya." 

~

"Ely!" Sigaw ni Aim

"Yes!" 

"Eto, nakuha ko na ang address kung saan sila Sam. Pumunta ang lolo niya dun kahapon, and... Diyan sila nagtago sa loob nang one year." 

Ngumiti si Ely sa binalita ni Aim.

"Ngayong wala na si PJ, walang ng magtatanggol kay Sam." Sagot niya

"Kelan mo balak lumakad?" 

Nagtaka naman si Ely at tumingin sa kanya.

"Hindi ka sasama?" 

"Hindi eh, pingalitan ako ni erpat kaya di ako pinapalayo. Tsaka may gimik ako bukas nang gabi." Excited nitong sabi.

"Ikaw ang bahala, sabagay mas maganda na solo ko."

"Oo kayang-kaya mo na yan si Sam. Videohan mo para makita ko ah!" Tila nagniningning ang mga mata ni Aim.

"Oo, kukunan ko para may mapanuod ka." At muling pinagmasdan ang address kung saan naroroon si Sam.

"May rancho pala sila." Bulong niya.

#AuthorCombsmania

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon