Chapter: 26

32 1 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 26

Pagkapasok ni Azeneth ay agad na napansin si PJ na nakaupo sa kama at inaayos ang benda.

"Gising ka na pala?"

Lumingon ako at nakita si Azeneth, may dala siyang pagkain.

"Kailangan ko na makaalis." Sagot konat mas hinigpitan pa ang ginawa kong pagbenda, tumayo ako at kinuha ang damit ko.

"Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo." 

"Mas kailangan ako ng mga anak ko." Sagot ko, pero agad na humarang si Azeneth sa pintuan.

"Inspector?"

"Alam ko, alam ko na ang lahat. Hindi mo na kailangan ilihim sa'kin. Muntik ka mamatay dahil nilagay mo ang batas sa kamay mo!"

"Batas? Andidito na naman tayo sa walang kwentang batas inspector!" Tumaas ang tono ko at tumalikod, muli akong humarap sa kanya 

"Kung hindi ako gumawa ng mga ganitonh hakbang, sa tingin mo? Titigil sila, titigilan nila kami? "

"May paraan PJ."

"Paraan? Kung kelan na madami na sila mabibiktima? Kung kelan sila madaming mapapatay?" Napatitig ako sa kanya.

"Nilagay ko ang batas sa kamay ko para magtanda silang lahat. Maliban kay Rain, dahil si Ely ang pumatay sa kanya." May mga katibayan ako na binigay ni Rain nasa kapatid niya.

"Hindi mo ba naiisip ang buhay mo? Pano kung mahuli ka? O sila Ely, tulad nang ginawa nila sayo nung isang gabi?" 

Hindi ko alam kung bakit ganun ang emosyon ni Azeneth, pero nakikita ko sa mga mata niya pag aalala.

"Ayoko mapahamak ka, kaya kitang tulungan. Tutulungan kita basta huwag mo ilagay ang batas sa mga kamay mo!"

"Bigyan mo ako ng magandang dahilan inspector, para sundin kita?" 

"Dahil mahalaga ka sakin PJ, dahil gusto kita!" Sigaw niya 

Napatitig ako sa kanya,

"Mahal kita, kaya kita lagi kita sinusundan. Kaya hindi ako umaalis sa tabi mo! Naging mahalaga kayo sa akin, ang mga anak mo. Nadama ko ang sakit na nadarama mo at pinagdadaanan mo." Nangilid na ang luha sa mga mata niya habang nakatitig kay PJ

"Hindi ko pa kayang buksana ng puso ko dahil sa paghihiganti ko." Wala akong ibang masagot, hindi ko sinabi na hindi siya attracted kahit na pulis siya. Maganda si Azeneth, may matapang na awra, pero hindi pa handa ang puso ko lalu at may dalawa pa akong kailangan patayin.

"I'm sorry." Muli akong lumapit sa pintuan at hinawakan ang mga balikat niya

"Mag-stay ka na lang dito. Kapag natapos na ako, susuko ako mismo." Itinuloy ko na ang pagbubukas nang pintuan ngunit hinawakan muli ni Azeneth ang kamay ko.

"Sasama ako, tutulungan kita. Ayoko mapahamak ka pang muli."

Lumingon ako at ngumiti

"Please, mag stay ka na lamang dito. Ayoko din na mapahamak ka, ayokong mabawasan ang mahalagang tao sa buhay ko."

Saglit na napahinto si Azeneth sa sinabi ni PJ, pakiramdam niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso.

At hindi niya napigilan na ikawit ang braso sa batok nito at hagkan ang labi.

Hindi na ako nagulat sa ginawa ni Azeneth, tumugon ako sa halik niya ngunit saglit lamang ang pinagsaluhan namin.

"Mag iingat ka." Bulong niya kay PJ.

Tumango ako at ngumiti sabay tuluyan nang binuksan ang pintuan para makalabas.

~

Agad kong tinungo ang hideout nila, ngunit wala ang talagang demonyo. Napansin ko ang kwarto na puno ng mga litrato ng babaeng biniktima nila, iba't-ibang gamot at drugs na nasa mesa, may mga video cam din. Marahil na ginagamit nila sa mga biktima nila.

"Hey, Ely. Hindi ako natuloy! Andidito ako sa bar kumuha na lang ako ng girl! Ngayon ka ba lalakad, bilisan mo ah! Gusto ko makita ung video talaga ni Sam! Goodluck!" 

"Sam?" Bulong ko, muli ako luminga napansin ko ang isang papel.

Nakasulat doon ang address namin, pero nakalagay na alas-dose nang gabi.

Tumingin ako sa relo ko alas-otso pa lang.

Mabilis akong lumabas para puntahan muna si Aim.

~

Naghahanda naman si Ely ng mga gamit na gagamitin niya para sa pagpunta kay Sam. Ngayon wala nang hahadlang sa kanya malaya niyang magagawa ang matagal ng balak dito.

"Sam, darating na ako. Sinisiguro ko sayo, akin ka lang lIttle Princess." Nakangisi niyang bulong.

~

"Bilis giling pa!" Enjoy na enjoy si Aim sa pinapasayaw na babae sa VIP room, nagsindi muna siya nang sigarilyo  bago lumapit sa lamesa na drugs.

Tinutok niya ang mukha doon.

Sumenyas si PJ sa babae na sumasayaw habang busy si Aim sa ginagawa.

Agad naman naintindihan ng babae.

May inabot akong pera dito, kaya hindi na ito nagtanong at mabilis na lumabas.

Nakayuko pa din si Aim at patuloy sa pag gamit nang pinagbabawal na gamot.

Kaya mabilis kong hinawakan ang ulo niya at iniuntog sa lamesa.

Malakas yun kaya halos mahilo si Aim.

Inangat ko ang ulo niya hanggang.

"P-ppp-PJ!" 

"Parang nakakita ka nang multo!" Sabay unday pa nang isang suntok.

Halos manlambot si Aim at hindi agad nakakilos.

Muli ko siyang tinayo at tinadyakan sa harapan niya at ibinalandra ko sa pader.

"Tama na!" Sigaw nito.

Lumapit ako, halos nangangatal ang mga kalamnan ko.

"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na to!" Sigaw ko at muli siyang hinawakan, pansin ko na halos pipikit ang mga mata niya sa sobrang hilo.

"Pakiusap huwag, huwag mo ako patayin."

Nilabas ko ang army knife ko at tinutok sa kanyang leeg.

"Ilang beses nakiusap sayo ang asawa ko hayup kay!" Nanggigil kong sabi, at binaba ko ang kutsilyo sa pantalon niya.

"Para to sa ginawa mo sa asawa ko!" Diniin ko dun ang saksak sa harapan niya at halos pinaikot-ikot ko.

"Aaaghhh!!!" Sigaw nito.

Agad ko siyang na i- head butt kaya napaupo siya sa sahig

Halos hindi malaman ni Aim ang kirot na nararamdaman

"Kulang ito sa sakit na binigay mo sa asawa ko." Nilabas ko ang baril na may silencer, binaril ko ang mga kamay niya.

"Agggghhh!!! Tama na !"

"Ang mga kamay na yan ang dumampi sa katawan niya" at muli kong tinutok sa harapan niya ang baril ko sabay paputok muli

Halos hindi na makahinga si Aim sa sakit 

Tumulo ang luha ko, at tumayo sabay tutok sa ulo niya. Sinunod-sunod ko ang paputok na yun sa mukha niya, hindi ko tinigilan hangga't hindi naubos ang bala ko.

Nang maubos na ay halos huminga ako nang maluwag,

"Naipaghiganti na kita Mika, si Ely na lang." Bulong ko at mabilis na lumabas nang VIP room, sobra pa din ang ingay kaya walang nakadinig sa mga sigaw ni Aim.

#AuthorCombsmania



Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon