THIRD PERSON
"Huling ulit, miss. Asan kayo ng maganap ang krimen?" halata ang inis at kawalan ng pasensya sa boses ng pulis na nagpakilala bilang Benjamin. Katulad kasi kanina ay hindi parin siya sinasagot ni Namichiko at nakatulala lamang.
Simula kanina ay ganito na ang inakto ng dalaga. Tila ba'y meron siyang iniisip.
"She's not feeling very well, sir. Let's ask her in some other time." singit ng isang pulis dahilan para mapasinghap ng hangin si Benjamin at tumango bilang pagsasangayon.
May kinuha itong kung anuman sa bulsa at inabot kay Namichiko. It was a number card. "Call us whenever you're ready to talk."
Tiningnan lang iyon ni Namichiko at binaling ang tingin sa pulis. Sinenyasan naman siya nito na kunin iyong card, nagaalinlangan man ay tinanggap niya na ito. Nilingon ni Benjamin iyong kasama niyang pulis at tsaka umalis.
NICOLE
Nagmamatyag lang ako mula sa malayo dito sa mental hospital. Isa nanamang tao ang namatay.
Napabuntong hininga na lang ako at napailing iling. Guess ill be dealing with all of these alone.
Aalis na sana ako sa lugar nayon ng may humarang sa daan ko, kilala ko kung sino to, si Luca. Bigla itong ngumisi sakin dahilan para mapakunot ang noo ko. What are you planning to do this time, Athena? "She told me to fetch you."
NAMICHIKO
Matapos umalis noong mga pulis ay naiwan ako ditong nakatayo at nakatulala sa kawalan. Masyado ng maraming namamatay, masyado ng marami ang nadadamay. Hindi na ata kaya ng sistema kong tanggapin ang lahat ng ito.
Isa lang ang pwedeng dahilan kung bakit ito ginagawa ni Athena at iyon ay si Sabina...
Si Sabina na kambal ni Athena...
Si Sabina na nagpakamatay dahil sa katarantaduhan ng klase namin...
Si Sabina na kaibigan ko, pero kahit kailan... hindi ko magawang iligtas o ipaglaban man lang.
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Mystery / ThrillerMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"