Fearless #1

22 1 0
                                    

Chapter 1: Book

Elliana or Iya's POV

"I received 1000 pesos." Ani babaeng nasa counter. "Here's your change, Ma'am." Sabay abot niya sa akin ng sukli. Kinuha ko iyon at umalis na sa pila. Pero bago pa ako makalayo ay narinig ko ang sinabi niya. "Come again Ma'am! Thankyou!" Hindi ko siya na pinansin at lumabas na sa National bookstore.

Habang naglalakad ay naghahanap ako ng makakainan. Syempre hindi sa restaurant, loko ipon ko nga lang tong pambili ng libro eh tss. Maya maya pa'y nahanap ko na ang gusto kong kainan. KFC. Eto lang afford e, kung gusto mo padalhan moko't makapag restaurant ako. Biro lang.

"What's your order ma'am?" Tanong sa akin ng nasa counter. Sinabi ko na yung order ko at umupo na.

Habang nag aantay ako ng order ko ay kinuha ko ang binili kong libro. "EMPERY OF THE VAMPIRES." Pagbasa ko sa title. Sa wakas! Nabili na din kita. Hilig kong magbasa ng Vampires story. Etong binili ko ay sikat. Madaming readers, sobrang sikat din kase nung author nito. Akala ko nga mauubusan na naman ako ng libro e, last kong punta wala na daw stocks kaya kapag sinuswerte ka nga naman oh.

"Here's your order Ma'am." Agad akong bumaling sa kaniya saka niya nilapag ang mga pagkain. "Enjoy." Huli niyang sinabi bago tumalikod.

Binalik ko muna sa plastic yung book na binili ko para magsimula nang kumain.

IPINARADA ko na ang motor ko sa labas at umakyat na papunta sa unit ko. Oo, tama kayo, sa unit. Diyan ako nakatira. Ako lang mag isa. Eh sa lumayas ako eh! Ikaw ba namang ampon ka na nga inalila kapa. Kaya pala ganon ang trato nila, 'di naman pala nila ako kapamilya. Isa lang ang trumato sakin na tao doon, si Niles anak nung tinuring kong ina.

"Oh! Thank god you're finally here! OMG bessy! I miss youuuu!!" Pagkabukas ko ay nadinig ko agad ang sigaw ng kaibigan kong si Faith at maya maya pa'y naramdaman ko ang yakap niya.

"Ginagawa mo dito?" Takang tanong ko. Humiwalay naman siya ng yakap at kunot-noo akong tinignan.

"Wow! Gandang bungad niyan ah! Ikaw na ngang binibisita dito eh! Magpasalamat ka nalang pwede? Hay nakuuuu!" Sigaw niya pa kaya tinakpan ko ang tenga ko. Grabe! Ang daldal, napakatinis pamo ng boses taliwas sa boses kong kasing tigas ng bato. Well, buti nalang din yon, it suits me naman daw sabi nila tss.

"Ingay mo. Tabi." Sabi ko dahil nakaharang siya. Oh! Don't get me wrong. Ganyan lang talaga trato ko, eh ganito ugali ko eh.

"Bessy naman eh! Ang bad bad mo! I am your best friend ba talaga?" Pag dadrama niya pa. Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na ako sa kwarto para makapagbihis.

Paglabas ko ay ayun nanunuod sya sa sala. At nakabusangot pa. Minsan iniisip kong disi-otso ba talaga tong kaibigan ko? Mukhang pang diyes ang ugali eh. Sabagay, spoiled kase eh. Mayaman siya mahirap lang ako. Kaya nga nag iisa lang ako diba?

"Kumain kana ba?" Tanong ko. Wala akong nakuhang sagot dito. "Hoy." Tawag ko. Lumingon siya nakabusangot pa rin. "Kumain kana?"

"Yeah..." Matamlay niyang sagot. Bumuntong hininga naman ako at lumapit sa kaniya. Konting lambing lang 'to.

"Galit ka? Sorry na." Sabi ko at tumabi sa kaniya. Hindi niya ako nilingon pero tumango lang siya. Aissssh. "Oy... Oy...." Tawag ko ulit. This time lumingon na siya. "I said sorry na." Ngumiti siya na halatang pilit naman. At ibinaling ulit sa TV ang paningin. Waepek Tss! Napaka sensitive niya talaga. Okay, suko na ako bahala siya diyan.

Tumayo na ako saka pumuntang kusina. " Btw, nabili ko na yung libro na sinasabi ko." Pahabol kong sabi.

"Really!? Omyyyy! May I seeee!" Nagulat ako ng bigla nalang siya agad nasa tabi ko. Bumuntong hininga akong umiiling. Kakaiba talaga siya, mood swings ang kingina.

"Andon sa kwarto." Ikli kong sabi. Agad naman siyang pumasok doon. Kita niyo na? Kanina ang tamlay tamlay, ngayong binanggit ko ang tungkol sa libro, at ayun sigla sigla.

"Halaaa ang gandaa! Pahiram namaaan!" Kumunot ang noo ko at inagaw bigla sa kaniya ang libro.

"Mayaman ka, bumili ka ng sayo." Saka inilapag ko sa table ang libro. Kumuha ako ng baso at uminom.

"Damot damot mo Elliana Mae Bargas! " Sigaw niya. Hinayaan ko nalang siya at umupo sa upuan. Kinuha ko ang libro at tinignan yung cover. Yung style niya is, sa taas ay may buwan at sa baba nito ay emperyo. Sa gilid ay picture ng isang lalaking gwapo ngunit nakalabas ang pangil. Sa kabilang gilid naman ay yung babaeng maganda, ngunit walang pangil. Hmmm interesting...

"Siya nga pala bessy? Saan ka mag aaral sa pasukan?" Tanong niya. This time ramdam ko nang seryoso siya.

"Hindi ko pa alam." Baling ko ulit sa libro. Bakasyon kase ngayon.

"Doon nalang kung saan ako bes."

"Ewan ko lang..."

"Anong ewan mo!? Isang buwan nalang oh! Wag mo sabihing hindi kana mag aaral?" Nanliliit na mata ang tingin niya sa akin. Nagkibit balikat nalang ako. "What the! Hey ano kaba! Mag aral ka! Mag te- third year college na tayo oh! Sayang naman yun!" Pagmamaktol niya.

"Faith, hindi pa ako sigurado. Kaunti palang ang ipon ko." Pagpapa intindi ko sa kaniya.

"Ih! Sabi ko naman sayo na handang tumulong sila mommy para sa tuition mo tapos, tinatanggi-tanggihan mo." Pangangaral niya pa.

"Ayoko magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino Faith." Sinabi ko na naman ang favorite line ko.

"Psh ayan ka na naman. Hays, sige sabi mo eh." Nakasimangot niyang sabi. "Pero Iya-"

"Faith.." Tumitig ako sa kaniya.

"Fine.. Argh!" Disappointed niyang dabi.

"Anong oras na, may dinner pa kayo hindi ba?" Pag iiba ko ng topic.

"Oo nga pala, siya sige sige. Una na ako Iya, ingat ka ah, lock mo pinto saka mga bintana."

"Okay ho ma'am." Bored kong sagot. Saka sumunod sa kaniya sa labas.

"Aish! Pinag iingat lang naku bahala ka nga diyan, pasukin ka sana." Pananakot niya pa. Natawa nalang ako.

"Sorry ka, wala akong mamahaling gamit dito." nakangisi kong tugon.

"Oh edi, ma-rape ka sana tapos mabuntis ka tapos–" 

"Oh sige na, tsupi na. Ayan na sundo mo. Bye ingat!" Saka sinarado ang pinto. Naiiling na natatawa nalang akong pumunta ng kusina saka kinuha ang libro at dumeretso sa kwarto.

HABANG nakahiga sa kama ay binuklat ko ang libro ngunit may nahulog dito.
Umupo ako at kinuha ko ang ano man ang nahulog. Teka...

"Dahon?" Wala sa sarili kong sambit. Isang tuyong dahon? Paanong? Bakit? Nagulat ako nang bigla nalang umilaw ang librong hinahawakan ko. What the hell? Anong nangyayari? Dahil sa gulat ay nabitawan ko ito. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa liwanag na idinudulot nito. Hanggang sa naramdaman kong may pwersahang humihila saakin mula sa pagkakaupo ko. Unti unti kong tinanggal ang aking kamay sa aking mukha dahil mukhang wala na akong ibang pinapatungan. Hanggang sa nakita kong nakalutang na pala ako.

"Ahhhhhh!!!!..." Malakas kong sigaw dahil sa gulat at kaba. Balak kong abutin ang head ng kama hanggang sa nagawa ko. Sinubukan kong ilapat ang aking mga paa sa sahig. Hanggang sa naramdaman ko na nga ang sahig. Akmang tatakbo na ako nang maramdaman kong hinihigop ako nang kung ano. Pagtingin ko sa likod ko ay yung libro mismo ang humihigop sa katawan ko. Shit! "Tuloooonggg!! Ahhhhhh!!" Malakas kong sigaw nang parang nababali ang mga buto ko sa katawan. Parang pilit na pinagkakasya yung katawan ko.

Naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa kung saan hindi ko nakita kung nasaan mang lugar ako, basta wala na ako sa loob ng kwarto at maya maya pa'y biglang nagdilim ang aking paningin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EMPERY OF THE VAMPIRESWhere stories live. Discover now