Jan Kemuel Point of View
"Halika na. Mukhang lalakas pa ulan oh"
Wala nanaman akong nagawa at hinila nanaman niya ang kamay ko. Sumakay kami ng kapatid ko sa likuran. Nilingon ko ang nakaupo sa unahan. Hindi si Aedan yun. Medyo nabawasan ang kaba ko.
"Ang cute mo naman.. Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ni Shem sa kapatid ko na halos magningning ang mata sa dahil sa nakikitang sa loob ng sasakyan ni Shem.
"Ako po si Jary Kean. Kapatid po ako ni Kuya Kemuel na walang jowa"
"Kean!" suway ko sa kanya. Umaandar nanaman kasi ang kadaldalan netong kapatid ko. Tinawanan lang iyon ni Shem at tinanong niya sa kapatid ko kung saan siya napasok.
"Kuya Ron sa elem school muna po tayo"
"Opo"
Hindi ako kinakausap ni Shem. Kapatid ko lang. Kung ano ano nga ang kinukwento ni Kean kay Shem eh. Pati yung bugong niya na adobong kangkong ang ulam ay kinuwento niya. Sinasaway ko nga pero hindi naman nagpapapigil. Nakakahiya naman kung aawayin ko pa ang kapatid ko dito kaya hinayaan ko nalang muna sila. Mamaya ko papagalitan tong batang to.
"Pero sabi ni Kuya kanina may nagugustuhan na daw siya kaya malapit na daw siya magkajowa"
Nanlaki talaga mata ko nung narinig ko iyon sa kapatid ko.
"Talaga? Sino daw?"
Potek ka Kean! Huwag na huwag ka mag-iimbento ng pangalan. Baka isipin pa ni Shem na may jowa na ako. Baka isipin niya babaero ako. Kung pwede ko nga lang tagpian ang bunganga ng batang ito eh.
"Wala naman siya sinabing pangalan pero kagabi pangiti ngiti si Kuya habang nagcecellphone" dagdag pa ng magaling kong kapatid. Humanda ka talaga sakin mamaya Jary Kean! Mamayang gabi tayo magtutuos! Bumusina ang driver ni Shem sa gate at pinagbuksan ito ng guard. Sinabi ko ngang huwag na ihatid sa loob dahil humina na ang ulan pero pinilit pa rin niya na ihatid sa loob ang kapatid ko.
"Kean oh... sigurado ako maguustuhan mo yan"
Tinanggap ng kapatid ko ang inabot ni Shem na parang maliit na lunch box. Inabot din ni Shem ang isang payong sa kapatid ko. Nagpasalamat naman ang kapatid ko at naglakad na papasok sa loob ng room niya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Wala kasi akong maisip sabihin. Nakakaramdam kasi ako ng hiya dahil sa mga sinabi ng kapatid ko kanina. Hanggang sa makarating kami sa loob ng eskwelahan ay hindi ako nagsasalita.
"Huwag ka na mahiya sakin. Magkaibigan na tayo ha"
Takte! Yung ngiting binigay niya sakin hindi kayang tumbasan ng kahit na anong halaga. Hindi ko nga alam na nginitian ko na rin siya eh. Iba. Iba yung pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag pero nakakaramdam ako ng saya.
"Salamat Kuya Ron"
Halos sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa bleachers. Nararamdaman ko nga ang mga tingin ng nakapaligid samin eh. Bago pa kami salubungin ng kaibigan niya ay lumiko na ako at mabilis na akong umakyat sa room namin. Nakakahiya nga eh. Hindi ko man lang nagawang magpasalamat sa kanya. Hindi ko rin nadala yung jacket niya kasi basa pa dahil sa hindi maganda ang panahon. Hindi maganda ang panahon pero maganda ang dinulot nito sakin. Ang gulo. Naguguluhan na talaga ako.
"Oy! Mico! Arat na sa loob!"
"Mamaya na. Inaantay ko pa si Shem. Maggugoodmorning pa ako sa kanya"
Hindi muna rin ako pumasok sa room. Nakitambay na rin muna ako dito sa malapit sa pintuan. Mayat maya nga ako napapatingin sa hagdanan eh. Ganito pala ang pakiramdam na may inaatay. Yung parang sabik na sabik. Dumaan na sa harapan namin sila Shem. Nginitian niya ako. Potek! Bakit ganito, bakit pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko kasi na namumula ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
My No Ordinary Love
RomanceTunghayan natin ang simple at nakakakilig na love story ni Shem Keziah Santos (Habang inaantay ang "Ang Manliligaw Kong Bully Book 6). Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa mga inilalathala kong istorya. :)