Chapter: 28

38 1 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 28

Halos anim na buwan din ang lumipas, mula ang mga krimen at paghihiganti ko.  Naging maayos na muli ang pagsasama naming pamilya, nakulong din ang si Judge Tomas at ang ama ni Aim dahil nasangkot sila sa mga nagbibigya proteksyon sa droga, tuluyan nang nabura ang kaso na ginawa ko sa tulong din ni Azeneth. Madaming ebidensya ang nakuha ko sa hideout nila na magdidiin sa mga ito at tanging ang nagawa kong pagpatay kay Eli sa rancho ay gawa ng self-defense medyo nga brutal pero dapat lang talaga sa kanya yun.

Nakatunghay ako ngayon sa puntod ni Mika, maaliwalas ang panahon. Naupo ako at nilapag ang mga bulaklak na madalas ko dalhin sa kanya kapag gusto ko siyang sopresahin sa opisina.

"Natapos din ang paghihirap ng loob ko." Bulong ko at hinaplos ang lapida niya.

"Alam ko na lagi ka naririto at hindi mo kami pinababayaan, masaya ako na nasilayan kita kahit isang beses." Dagdag ko at bumuntong-hininga.

"Noong una, hindi ko alam ang gagawin ko. Lalu at si Jove at tulala pero nagka-lakas ako ng loob para ipagtanggol ang mga anak natin." Pumatak ang luha ko at kagat labing tumitig sa pangakalang nakasulat doon.

"Mikaela, ang pangalan na yan ay isang anghel. At ikaw ang nagsilbing guardian ko bawat araw ng paghihiganti ko." Pumikit ako

"Mahal na mahal kita, hindi ko makakalimutan ang mga aalala na binuo natin. Mananatili kang may bahagi sa puso ko.

Naramdaman ko ang pagdampi nang hangin tila may humaplos sa akin mukha, alam ko na nasa tabi ko siya ngayon.

"Muli mong buksan ang puso, hangad ko na lumigaya ka mahal ko."

Bigla ako napadilat at luminga, talagang may bumulong sa akin pero wala naman  tao. Napailing ako.

"Hayyss, hindi ako takot sa mga ginawa ko pero mukhang sa multo matatakot pa yata ako." Bulong ko.


~

Back to normal ang lahat, bumalik na akonsa trabaho ko pero syempre hinahati ko na talaga ang oras ko. 

Si Jove ay lagi kong kasama, si Sam hindi ko pinapayagan sa field kahit alam ko naman na kaya na niya ngayon na lumaban, andun pa din ang takot ko. Pero mula nabalitaan siguro ang mga nangyari sa grupo ng Lunatic wala na ako masyadong nababalitan na krimen about sa mga kababaihan.

"Dahil pag nagkaroon , hahanapin ko sila."

"Daddy?" 

"Biro lang Sam." Sabay tawa, tahimik na ang buhay namin kaya ayoko na magulo pa

Bumili din ako nang bagong bahay, ayoko na bumalik sa dati namin tahanan dahil masasaklap na memories ang mga maalala ko lang dun. Syempre iniiwas ko din ang mga anak ko na maalala pa nila ang lahat 

"Daddy penge pa ice cream." Hingi ni Jove.

"Ooppss, anung gagawin pagtapos kumaij ng sweets?"

"Mag tootbrush po, hindi ko naman yun nakakalimutan daddy."

"Oo nga daddy hayaan mo na si Jove!" Sabat ni Sam

"Okay Fine!" Sagot ko at muling nilagyan ang baso ni Jove ng ice cream..

"Daddy, kamusta na kaya si Inspector Azeneth?" Biglang tanong ni Sam.

Lumingon ako at matipid na ngumiti, mula nang gabi na yun hindi na kami nagkita. Pero inaasikaso niya ang lahat, gusto ko magpa-salamat ng personal pero hindi ko na siya nakita sa opisina.

"Umiwas siya sakin." Bulong ko, 

"Anu dad?" 

"Ahmmm wala, may naalala lang  ako anak." Sagot ko, naalala ko lang ang mga nasabi niya noon.

Oo magulo pa ang isipan ko dahil sa paghihiganti ko, pero lahata naman ay malinaw sa isipan at damdamin ko.

"Ito ba ang sinasabi ni Mika." Sa isip ko.


~

Hindi pa dalawin ng ankto si Azeneth, madalas siyang nakatutok sa loptop at pinagmamasdan ang mga bagong litrato na post ni PJ

"Masaya na ako basta makita kitang masaya." Bulong ko.

Naiinis din siya sa sarili niya dahil nagawa niyang mainlove sa single father pa, alam naman niya na mahal na mahal nito ang asawang namatay.

"Kaso hindi naman siya mawala sa isipan ko at puso ko." Naalala niya nang unang gabi na makita itong umiiyak habang nakayakap sa bangkay ni Mika, bigla na lamang siya nasaktan sa eksenang iyon lalu ang makitang paghihirap ni PJ.

"Hayss, Azeneth tanggalin mo na siya sa isipan mo." Bulong niya


~

"Balak ko na buksan ang Restobar." 

Lumingon si Sam sa ama, bigla siyang napangiti sa nadinig.

"Talaga daddy?" 

"Gusto ko na unti-unting bumalik sa normal ang buhay natin. Kaya gusto ko na tumugtog tayong dalawa." Nakangiti kong sabi sa kanya 

Agad naman na yumakap si Sam, tila excited na talaga siya sa pagduet nila muling mag ama.

"I love you daddy" bulong niya

"I love you iha." Sagot ko.

"Pero maiba tayo, pwede ba ako mag-request?" 

"Sure dad, anu yun?" 

~

"Wait lang!" Sigaw ni Azeneth at nagmadaling lumabas para makapunta sa gate, pagka-bukas ay nagulat pa siya nang makita si Sam

"Good morning Inspector!"

"Sam! What a surprised!" Sagot niya

"Oo nga po, ang tagal din nang huling tayong magkita."

"Come in." 

Pumasok naman si Sam, hanggang makarating sila sa sala.

Malaki din pala ang bahay ni Inspector at maayos.

"Anu gusto mong maiinom?" 

"Wag na inspector, ahmm gusto ka lang sana namin imbitahan. Kasi magbubukas na ulit resto bar namin"

"Ako?" Ulit niya at  turo pa niya sa sarili

"Yes po kayo po, nabanggit ni Daddy na mahilig kayo sa music. Kaya inimbitahan ka po niya."

Tila na shock siya sa sinabi ni Sam lalu at si PJ pa ang nag utos para lang makapunta siya sa Restobar ng mga ito.

"Ahmm sige kelan ba?" 

"Tomorrow nigth po, aasahan ka po namin. And i'm sure lalu si Daddy." Sabay ngiti ni Sam.

Ngumiti na din si Azeneth,

"Sige darating ako promise." Sagot niya.

"Okay po mauna na po ako." Paalam nito

Agad naman hinatid ito ni Azeneth hanggang sa gate, kumaway pa si Sam bago tuluyang pumasok sa kotse.

"Oh my, after six months magkikita ulit kami?" Bulong niya na biglang may namuo na excitement sa dibdib.

#AuthorCombsmania


Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon