Chapter: 29

46 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 29

"Jove?" 

"Yes ate?" 

"Okay lang ba sayo na, magkaroon si daddy nang lovelife?" 

Lumingon si Jove at napatitig sa kanyang ate.

"Lovelife?" 

Natawa si Sam, hindi nga naman siya maiintindihan ng kapatid niya.

"Ibig ko sabihin, kung okay sa'yo na magkaroon tayo ng panibagong mommy?"

"Sino po ba ate, yung magandang babae? Yung si inspector po ba yun?" 

"Natatandaan mo pa pala siya?"

"Nung inuwi ako ni lolo, pumasyal po siya then may mga pasalubong po sa akin." 

"Mabait siya diba?" 

"Opo, bakit ate?" 

Ngumiti lang siya kay Jove, sa totoo lang ito ang sinabi nang daddy niya sa kanya na request.

~

"Nahihiya kasi ako." 

"Kay inspector?" Tila tanong ko kay Daddy

Napatango lamang si PJ at naupo,

"Hindi ko alam kaso, naiisip ko siya palagi mula hindi na kami magkita. Sinabi ko na to sa puntod ni mommy ninyo then parang may bumulong sakin, ewan ko kung imagination ko lang yun ah."

Natawa ako bigla sa sinabi ni Daddy, kilala ko si Dad kapag may lihim na gusto sa babae. Ganito siya kay tita Jasmine noong hindi pa niya nakikilala si Mommy, pero mas love niya si mommy dahil highschool love one niya ito.

"Daddy inlove ka noh?" Tanong ko

"Hindi ko alam, pero parang natatako na ako."

"Bakit naman?" 

"Noong una, si Tta Jasmine mo. Hindi pa nga naging kami nawala na siya, tapos si Mommy mo. Paano kung kay Azeneth? "

"Wala na sigurong ganun daddy, lalu sa ngayon nagawa mo nga kami ipagtanggol." Sagot ko at lumapit, naupo akonsa tabi niya

"Dad, masaya kami kapag masaya ka. So magiging supportive kami kung sakaling bubuksan mo ulit ang puso mo. I'm sure ganun din si mommy."

"Sam, ang hirap pala. Kasi noong una, magulo isipan ko. Ang iniisip ko makaganti sa mga gumawa sa inyon nun, pero ngayon na maliwanag na at wala ng takot. Pumasok na din siya sa puso ko, pero syempre hindi mawawala ang bahagi nang kay mommy mo."

"I know dad, and happy kami para sayo. Atlis, may makakasama ka ulit lalu kapag lumaki na si Jove at nagkaroon na din ako ng sariling pamilya."

Ngumiti si PJ at niyakap si Sam

"Thank you at naiintindihan mo ako anak."

"Bakit hindi dad, ito na lang yung maisusukli namin sa lahat ng sakripisyo mo"

"Salamat talaga."

"Hayss, si Daddy talaga. Basta kung saan ka masaya andun din kami ni Jove para suportahan ka."

Sagot ko at muling ngumiti.

~

"Hayss, ako kaya kelan darating Prince charming ko. Yung hindi naman gagawa ng masama sa akin?". Bulong ni Sam sabay tawa.


~

"Excited na din ako manuod sa tugtog ninyong mag ama mamaya." Wika ni Conrad

Lumingon ako kay Papa at ngumiti,

"About nga pala kay Azeneth, nakausap mo na ba ang mga anak mo doon?"  Tanong nito

"Si Sam yes, si Jove si sam na daw mag open." Actually nabanggit ko na yun kay Papa wala kasi ako masabihan nang nararamdaman ko, isa pa natatakot din kasi ako na baka hindi ko maintindihan ng mga anak ko, pero atlis naintidihan nila ako.

"Iho, supportive naman sila isa pa. Humingi ka na ng sign mula kay Mika."

"Akala ko hindi na magbubukas yung damdamin ko sa iba, pero nagkamali ako. Tao lang pala talaga tayo at matuto pa din magmahal." Seryoso kong tugon, hindi na kasi ako mapalagay mula nang hindi na kami magkita isa pa, yung araw na hinalikan niya ako tila yung ang nagbigay lakas loob sa akin.

"Sa tingin ninyo Papa?" 

"Wala akong nakikitang masama PJ, mabait kang tao deserve mo lang ang lumigaya. Kung alam mo na si Azeneth na lang din ang kulang sa buhay mo, ipaglaban mo."

Ngumiti ako at yumakap kay Papa ang swerte ko lang dahil andiyan talaga siya pala. At medyo excited din ako dahil magkikita na ulit kami mamaya.

#AuthorCombsmania

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon