"Ricci!"alog niya pa sa balikat ko.
'Tangina ang aga aga naman!'
"Oy gumising kana?!" At inalog alog pako lalo.
"Mmm.. wait lang"
"Sus maryosep Ricci Faye Casshia!!! 9am na!!!" Napabangon ako ng bigla at muntik pang mahulog sa kama ko dahil sa narinig ko.
"Bakit ngayon mo lang ako ginising?!"
Inis kong sigaw sakanya."Ah.. ehh... Ngayon lang din ako nagising noh! Pake mo?! Pasalamat ka nga at ginising pa kita!" Pagpapalusot niya.
"Tch!"
'Malelate nako!'
Nagmadali akong kumilos at dumiretso sa cr para makaligo na. Pagkatapos ko ay naabutan ko na sina Serrell at Klare na kumakain sa baba.
"Kain na Faye" aya nilang dalawa saken.
Pinagmasdan ko muna si Serrell para tignan kung hindi na namamaga yung pisngi niya.
'Mabuti naman hindi na.'
Kahit pa ngayon ko lang siya nakilala ay parang napaka komportable ko sa kanya at naawa ako sakanya, dahil hindi niya deserve makaranas ng mga ganon.
'Kung hindi niya naranasan magkaroon ng pamilya ipararamdam ko sakanya.'
Umupo nalang ako sa harap nila at nagsimulang kumain, binilisan ko ang kain pati na rin si Klare dahil talagang malelate kame pare pareho dahil 9:30am ang pasok namin at 9:25 na tss.
'Hindi ko alam kung anong oras pasok nentong si Serrell.'
"Serrell anong oras pasok mo?"tanong ko sakanya.
"Mmm.. 9:30 hehe"
"Section?" Dadgdag ko.
"A-2"
Napatango tango naman ako dahil katabi lang rin namin siya ng room.
"Sumabay ka samin kumain sa Canteen ha?" Tanong ni Klare.
"Mmm hehe"
"Klare isabay mo nalang sayo si Serrell magmomotor nalang ako."
"Ha? Eh magmomotor din ako!"protesta niya.
"Edi iangkas mo problema ba yun?"
"Tss oo na!"
"Hindi okay lang mag co-commute nalang ako."nahihiyang tutol samin ni Serrell.
'Nako baka kung mapano pa siya tsk!'
"Hindi sumabay ka kay Klare!" Pagtanggi ko.
"Oo nga maliit ka lang naman dun kana umangkas saken." Pagsang ayon saken ni Klare.
"Mmm.. sige salamat talaga ah?"
"Wala yon malakas ka ata dito kay Ricci"
Napangit naman si Serrell dahil don.