KABANATA 21

15 1 0
                                    

“Ano ang nangyayari ina?” ang mga bilugang matang iyon ang tuluyang nagpaluha sa takot na si Doña Felitang batid niyang nanganganib ang kanilang pamilya. Nagbalik na ang walang malay na si Corazon matapos ang pagkakatulog nang walong taon.

Batid niyang may nagbabantang gulong mangyayari sa San Antonio Labrador. Hindi niya maalis ang tingin sa inang namumutla. Tila yata nagbago ang balat nito at kumukulubot na. Ang buhok nito’y may puti na rin.

“Ikaw ay nagbalik na Corazon.” patuloy sa pag-iyak si Doña Felita na nayapos ang anak. Ang boses nito na tila yata nanghihina ay nakakapanibago sa tenga ni Corazon.

“Ipagpaumanhin niyo pong mahaba ang aking pagtulog, ina. Ano na po bang araw ngayon?” napalulon si Doña Felita. Inaakala ba ni Corazon ay labimpitong taon pa lamang siya?

Agad itinago ni Marites si Juancho at Juana sa kwarto nina Don Hernan. Kabilin bilinan nina Rasilita at Constantina na sa tuwing magigising ang kanilang dalawang kapatid ay hindi nila ipapakilala ang mga bata.

“Walong taon na ang nakalilipas matapos mamatay ang iyong kaibigang si Laura, anak. Walong taon na ang nakalilipas matapos kang mawala.” nanghina ang mga tuhod ni Corazon sa mga narinig.

Walong taon? Walong taon siyang nawala sa katawan? Walong taon niyang iniwan si Rasilita?  Si Zonya?

“Si Rasilita ba? Si Rasilita ba ang nananatili sa aking katawan ina?” ngayong si Corazon ay umiiyak na rin. Hindi niya malaman kung anong hirap ang tiniis ni Rasilita sa walong taon na iyon. Tumango si Doña Felita bago tuluyang nag-iyakan ang mag ina. Ngayo’y napag-iwanan na ng panahon si Corazon. Ano ang kanyang gagawin kung malaman niyang siya ay nawala at nagahasa sa katauhan ni Rasilita? Paano niya matatanggap ang demonyitang si Constantina? Paano ang kanyang dalawang anak na si Juancho at Juana?



Sa kabilang banda, masayang nagtitipon ang dalawang makapangyarihang Gobernadorcillo ng bayan ng San Martin at San Antonio Labrador. Ang magkasintahang sina Valentin at Gaspar ay masaya ding sumusulyap sulyap sa isa’t isa.

Ang pamamanhikan ay hindi lamang dahil sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng dalawang pamilya kundi dahil mahal  ni Gaspar si Valentin at ganoon naman si Valentin kay Gaspar. Sila ay nagkakilala sa teatro. Mula nang mawala si Laura ay paulit ulit tinutungo ni Valentin ang teatro bagama’t siya’y nakokonsensiya noong hindi man lang nakapanood si Laura at Jaoquin ng dula dahil napasara ito ilang taon na ang nakakaraan.

Nawala ang pagkakaibigan nina Valentin, Anita at Corazon. Pilit na ninais ni Anita na lumapit sa mga kaibigan subalit wala siyang pagkakataong gawin iyon. Ang kanyang mga nakita noong araw bago mawala si Laura ay hindi man lang niya nasabi sa kung sino at nailibing na ng panahon. 

“Ang kanilang pag-iisang dibdib ay magaganap ngayong huling linggo ng buwan.” narinig ni Valentin na sabi ng kanyang Tiyo kaya natigil siya sa kangingiti sa kanyang nobyo na nagpapakatipuno sa kanyang harapan.

“Kung gayun ay isang linggo na rin lang din ang aming paghahanda Don Lucio.” napabiro si Don Felipe maging mga kasamahan niya. Iyon naman ay sinagot ng halakhak ng kanyang kinakausap.

Mukhang minamadali ng Gobernadorcillo ng San Antonio Labrador ang pagpapalakas ng kaniyang kapangyarihan at may kung anong pinagpaplanuhan.

“Ama, ako nga ay nakapaghintay at naghahanda nang tatlong taon upang mapaoo itong si Valentin sa aming pag-iisang dibdib, ang isang linggo ay parang isang oras lamang sa akin.” tuwang tuwa si Valentin sa sinabi ni Gaspar. Batid nitong matagal tagal din pala silang naging magkasintahan at ngayo’y magkakaroroon na sila ng sariling pamilya. Si Gaspar ang susunod na magiging gobernadorcillo ng bayang San Martin.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon