“Marahil magbabalik si Jaoquin at hihilinging mapangasawa ka Coreng. At hindi ako pumapayag na ikaw ay magpauto sa mga gustong mangyari ni Don Lucio. Batid kong may masama siyang balak sa ating pamilya!” nabitawan ni Corazon ang hawak na kwaderno ng biglang malakas na binuksan ng hinihingal na si Marites ang pintuan ng kanyang silid.
“Binibini may dapat po kayong malaman.” hindi pa man handa si Corazon sa kung anong sasabihin ni Marites ay tumango na lamang siya.
“Magbabalik si Señior Joaquin sa ating bayan bukas na bukas!” napalulon si Corazon. Ngayong nababatid niyang maaaring mangyari ang mga sinulat ni Rasilita.
“Kung gayun bakit gulat na gulat ka Marites?” napatigil ito at napayuko.
“Ang pagbabalik ni Señior Jaoquin ay tila yata may ipinapahiwatig sa atin. Parating sinasabi sa akin ni Señiorita Rasilita na mag-iingat sa mga balak ng de Labrador.” napahinto siya ng titig na titig si Corazon sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang isipan.
“Kung may balak man si Don Lucio ay marahil hindi tayo masasaktan kundi tayo pa ay matutulungan. Ang pagkakaibigan ng mga dela Concepcion at de Labrador ay hindi masisirang basta basta.” mukhang nakakasisigurado si Corazon.
Napaisip siya. Kung ganoon nga ay bakit nagmamadaling lumuwas ng Maynila ang kanyang ama upang kausapin ang Gobernador-heneral? Bakit nga ba?
“Sabihin mo sa akin ang lahat ng iyong nalalaman ukol sa pangyayaring ito Marites. Batid kong ang impormasiyong dala mo ay dala rin ng lihim ninyong samahan.” nanlaki ang mga mata ni Marites sa narinig. Napahawak ito sa kanyang mga sariling kamay at pinipigilan ang panginginig.
“Kung ayaw mong maputulan nang dila ay magsasalita ka.” ang mga salitang iyon ay galing sa nanlilisik na bilugang mata ni Corazon. Agad napaluhod si Marites.
“Kahit ang samahan namin Binibini ay walang kaalam-alam sa kung anong balak ni Don Lucio. Ang tanging alam lamang namin ngayon ay magbabalik ang dalawang anak ng mga de San Antonio mga ilang araw mula ngayon dala ang kanilang mga kabiyak sa buhay na siyang galing sa malalakas na pamilyang kaugnay sa mga de Labrador.” napatayo si Corazon sa narinig.
Agad niyang naalala ang mukha ng panganay na anak ng mga de San Antonio. Mukha pa lamang nito ay gahaman na at masama. Ganun din ba ang pangalawang kapatid nito? Napalulon si Corazon.
“Huwag po kayong mag-alala Binibini, ang lihim na sa samahan namin ay hindi hahayaang ang mga dela Concepcion na mapahamak.”
“Ano ang iyong sinasabi?” kumunot ang noo ni Corazon sa narinig.
Bakit hindi pababayaan ng samahan ni Marites na mapahamak ang kanilang pamilya?
“Dahil ang lihim na samahan namin ay itinayo ni Don Hernan na siyang naglalayong protektahan ang inyong pamilya Binibini.” hindi makapaniwala si Corazon sa mga binigkas ni Marites.
“Subalit bakit kasapi ninyo ang bunsong anak ng mga de San Antonio? Hindi ba’t kaaway ang turing ni ama sa kanila?” hindi na pinasagot ni Corazon si Marites sa kanyang tanong. Alam na niya ang kasagutan. Naroon iyon sa talaarawan ni Rasilita. Hindi kailanman nagpapakilala ang Ginoong iyon, tanging kay Rasilita lamang.
“Dahil hindi alam ng mga kasapi na ang Ginoong iyon ay ang bunsong anak ng mga de San Antonio. Akin lamang siyang nabisto kung kaya’t nakipagkita siya sa akin dito noon sa hacienda na siyang nakita ni Binibining Zonya.” ngayong napapanatag na ang kalooban ni Corazon bagama’t unti-unting nasasagot ang kanyang mga katanungan.
“Hindi na ako magtataka kung bakit nabunggo niya ako noong araw na iyon.” ang ibig sabihin ni Corazon ay sa kaarawan niya noong ilang taon na ang nakalilipas. Pinoprotektahan nila ang mga dela Concepcion. Subalit mula kanino? Nagsasalita si Corazon na tila yata walang taong lumipas.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Ficción históricaDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...