“Binibini!”, sigaw ni Felimon at tumalong bigla upang masalo ang putikang katawan ng kanyang Binibini. Sa pangalawang pagkakataon ay napunta sa kanyang mga bisig ang walang malay na si Corazon.
“Inyong ipagpaliban ang paghalughog sa mansiong ito. Kailangan nating madala sa pagamutan ni Ginoong Alfredo ang aking Binibini!” gulat na nahinto ang lahat sa nasaksihan.
“Subalit tayo’y malilintikan kay Don Lucio…” nanlisik ang mga mata ni Felimon na handang pumatay sa kung sinumang hindi makikinig sa kanya.
Si Doña Felita naman ay hindi makapaniwala sa histura ng kanyang nag-iisang anak. Gayun na din si Marites kahit alam niyang hindi ito si Corazon. Napatakip siya sa kanyang bibig. Sigurado siyang ito si Zonya.
“Anak, anong nangyari sa iyong Binibini Marites?!” sigaw na tanong ni Doña Felita ng papalabas na sila ng mansion. Buhat pa rin ni Felimon ang Binibining sinabi niya kanina ay kanya.
Subalit nang maisakay nila ito sa kalesa ay nagising si Corazon. Titig na titig ito sa lalaking may hawak ng kanyang balikat ngayon. Hindi makapaniwala si Zonya na nandirito si Felimon matapos ang mahaba niyang pagkakatulog.
“Felimon..” mahina subalit rinig ng lahat na nag-aalala.
“Bakit ngayon ka lang bumalik?” tumulo ang mga luha sa putikang mukha ni Zonya. Agad naman itong pinahid ni Felimon. Hindi niya alam ngunit ramdam niya ang paghihintay ng kanyang Binibini sa kanya ng mahabang panahon. At ngayon lamang ito nabigyang pagkakataon ng tadhana.
Hindi nakasagot si Felimon. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag sa kanyang pagkawala. Tanging ang alam ng mga taong kanyang kilala ay lumuwas na siya ng Maynila at doon na nanirahan subalit lingid sa kaalaman ng lahat ang katotohanan.
Napapikit si Felimon. Naaalala niya ang mukha ni Don Lucio kung ito’y galit. Nakakatakot.
“Ano ang iyong nakita sa Ilog ng Kataksilan? Anong kapangahasan ang ginawa ng aking nag-iisang anak?” kalmadong tanong ni Don Lucio sa nakaluhod na si Felimon. Kanina sa bayan ay kinaladkad siya ng mga tauhan ng Gobernadorcillo sa kadahilanang hindi niya malaman.
“Ang aking mga mata ay may nakita subalit nakalimutan na ito ng aking utak Don Lucio.” nakayukong sagot ni Felimon.
Napalapit ang Don sa kanyang kinaluluhurang lupa. Nasa likuran sila ng hukuman, harapan ng bilangguan kung saan walang masyadong taong napupunta. Mag-aalas tres na ng hapon.
“Subalit hindi iyan ang sasabihin ng iyong Binibini. Marahil ay gagamitin niya ito upang masira ang aking anak.” ipinapahiwatig ni Don Lucio si Corazon.
Napalulon si Felimon. Batid niyang galit ang kanyang Binibini sa kaibigan at sa Señior na kilala.
“Subalit ang aking Binibini ay hindi mangingialam sa kung anong…..” napasubsub si Felimon sa lupa ng apakan ni Don Lucio ang kanyang ulo na dahilan upang hindi siya makapagsalita.
“Ang iyong ina at mga kapatid ay maaaring mamatay sa susunod mong bibitawang salita. Isa ka lamang hamak na kutserong walang kapangyarihang ipagtanggol ang Binibining iyong binabanggit. Kung kaya’t bibigyan kita ng pagkakataong baguhin ang iyong estado sa buhay.” kalmado pa rin si Don Lucio nang alisin ang paa sa ulo ni Felimon.
Nagdugo at nagasgasan ang pisngi nito sa pagkakaapak ni Don Lucio. Agad siya napabalik sa pagkakaluhod.
“Subalit may gagawin ka para sa akin at sa magiging Gobernadorcillo na siyang papalit sa akin.” ngayon naman ay ipinapahiwatig ng Don si Jaoquin.
Hindi makapagsalita si Felimon ngunit ang kanyang mga mata ay matapang na tinitigan si Don Lucio.
“Tulungan mo akong maalis sa buhay ni Jaoquin ang kanyang iniirog na si Laura.”
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historická literaturaDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...