“Sana’y iyong nagustuhan ang aking mumunting surprisa Corazon.” wika ni Jaoquin at sunod sunod na pumasok ang mga utusan ng mga de Labrador dala dala ang mga regalong nakakahon. Ano ang ibig sabihin nito?
Natulala si Zonya sa kanyang mga nakita. Mukhang namamanhikan itong si Jaoquin sa kanya dahil sa dami ng regalo nitong dala.
Mula sa pintuan ay naglakad papasok si Jaoquin na may dalang pulang rosas. Ang mga ngiti nito ay napakatamis na tila yata napakasaya niyang makita si Corazon.
“Kay tagal kong ninais na makita kang muli Binibini.” wika niya at nagbigay galang kay Zonya. Inabot din niya ang kanyang dalang rosas.
Ang mga mata ni Zonya ay nakatitig lamang sa Ginoong nasa harapan niya. Agad naman niyang tinanggap ang rosas bagama’t mapapahiya si Jaoquin kung hindi niya iyon gagawin.
“Hindi ko batid na ikaw ay nagbalik na Jaoquin.” ang matitinis na boses ni Zonya ang nag-udyok upang gawin ni Jaoquin ang kanyang nais. Agad niyang kinuha ang mga kamay ni Zonya at ito’y hinalikan kasabay niyon ang pagpasok ni Felimon na siyang may dalang isang kahon na regalo.
Nakatingin si Jaoquin sa mukha nang inaakala niyang si Corazon habang titig na titig ito sa kakapasok na bisita, si Felimon. Sunod sunod ang paglunok ni Felimon at ibinaling na lamang ang kaniyang atensiyon sa ibang mga utusan. Ang mga mata ni Zonya ay nakasunod sa kanya.
Napangiti si Jaoquin sa napansin. Tila totoo nga ang sabi ng pinuno ng mga guwardiya sa kanya. Mahal nito ang Binibining nais ng kanyang ama na maging kanyang asawa.
“Walong taon na ang nakalilipas subalit ang iyong kagandahan ay hindi pa rin nagbago Corazon.” inanyaya niyang umupo si Jaoquin sa mahabang silya.
“Subalit tila hindi mo ata nagustuhan ang aking biglaang pagbisita.” dagdag nito. Ang mga utusan sa mansion ng mga dela Concepcion ay pilit na nagmasid.
“Minamadali na ba ni Don Lucio ang iyong pag-aasawa?” napatawa si Jaoquin sa narinig. Tunay ngang matalino si Corazon at alam na niya iyon kaya hindi na siya magpapakawalang alam.
“Ako’y nasa tamang edad na rin naman kaya nais ko na ring bumuo ng aking sariling pamilya…”
“Subalit paano si Laura? Siya ba ay iyong nakalimutan na?” napahinto si Jaoquin. Nagbuntong hininga.
Ayaw niyang pag-usapan ang kanyang irog na hindi niya malimot-limutan. Mawawala lamang ito sa kanyang isip kung mabibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito.
“Tama na ang walong taong pagluluksa para sa kanya. Ngayo’y gagawa tayo ng panibagong bukas na masaya.”
“Subalit ayoko. Hindi sa hindi kita gusto Jaoquin subalit…”
“Subalit may nilalamang iba ang iyong puso.” pagputol ni Jaoquin at napatingin sa lumabas na si Felimon. Napatingin rin doon si Zonya.
“Subalit hindi mo alam ang mga nangyari sa akin makalipas ang walong taon. Ngayo’y hindi mo na ako kilala.”
Sa likod ng malaking pintuan ay nahinto si Felimon at nakinig sa usupan ng dalawa. Walang nag-utos sa kanya na gawin iyon subalit gustong-gusto niya.
“Nais mo bang ako’y manligaw ulit sa iyo at ikaw ay mas kilalanin pa?” hindi na nagpaligoy ligoy itong si Jaoquin.
“Ngayo’y sinasabi mo lamang na talagang ang sadya mo ay mapangasawa ako.”
“Dahil iyon ang nakatadhana Corazon.”
Natigil si Zonya. Kung si Felimon lamang ito ay kanina pa niya ibinigay ang kanyang matamis na oo.
“Batid mong wala ang aking ama at ina sa aming mansion kaya kakausapin ko muna sila patungkol rito. Sa pagbabalik ni ama ay ibibigay ko sa iyo ang aking kasagutan Jaoquin.” napangiti si Zonya.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...