" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FOURTEEN
"Anong ibig mong sabihin Mr Ramos? Your father was about to acknowledge me as one of your investor but why you interrupted? Do you have any grudges against me personally?" Maang na tanong ni Arturo dahil hindi niya inaasahang sasabad ito samantalang bigla itong nawala sa kumpulan ng mga bisita.
"Well, actually wala Mr Natividad but you can look about your reputation. You're the director of the Business Department all over North Luzon kaya naman nakapagtataka naman yatang pati ang Dagupan trading ay nais mo pang galawin, ibalik ko ang tanong mo sa akin may iba ka bang balak bukod sa pakikipagsusyo sa amin? Marahil nga ay madalas akong wala dito pero well aware ako sa mag nangyayari sa paligid ko. Again, let me tell you and rest of you here kahit kailan ay hindi maaring makipagsusyo sa anumang branch natin ang Business Director. That's all and thank you." Pahayag ng binata saka akmang tatalikod muli pero pumagitna ang director.
"Iyan ang hindi makatarungan Mr Ramos kung ayaw mong makipagsusyo ang pamilya mo sa akin ay bakit pati ang kapwa n'yo negosyante'y hinihikayat mo pa?" Ani 'to na kulang na lang ay lamuning buhay.
Kaya naman hinarap niya ito ng husto saka ngumiti, ngiting may nais sabihin.
"It's not my decisions by the way Mr Natividad, you can ask them by yourself dahil kung ako at ang pamilya nami'y hindi ko isasapalaran ang aming kabuhayan sa taong mamatay tao." Bulong niya na halos hindi na marinig ang huling bahagi nito.
Tuloy, natigilan ito. Sa pananahimik na lamang nito'y bistado na. Tama nga ang kapre the man in front of him is so bold!
"I'm sorry guys for this mess pero hindi ko kayo pipiliting papanig sa amin, all of us has a right to choose the path you want to go on. Gano'n pa man ang ihinanda ng mga magulang party ay para sa lahat. By the way maiwan ko na muna kayo at babalikan ko ang mahal kong "asawa" na masama pa daw ang pakiramdam." Muli ay sabi niya saka palihim na sumenyas sa mga securities. Hindi naman kasi nila alam kung kailan aatake ang mga tauhan ng kalaban nila kaya't may mga securities.
Samantala, nang makahuma na siya(Rennie Grace) sa shocked ay binalingan niya ang tagapagsilbi ng binata.
"Kuya Valdez may paraan ba para makalapit tayo doon sa party?" Tanong niya dito.
"Mayroon miss Rennie kaso magiging kingkong na rin tayo." Tugon naman nito kaya't napangiti siya dahil sa pagkakarinig sa tawag niya sa amo nito.
"You mean kuya maglalambitin tayo?" Paniniguro niya.
"Hindi lang maglalambitin miss Rennie aakyat tayo sa puno doon upang makasampa tayo sa bubong at doon tayo mauupo. Ang maganda lang doon ay makikita mo na ang lahat at maliwag pa ang pagkakarinig mo sa daloy ng party." Tugon ni Valdez.
"Tara kuya kahit maging kapre na ako 'dibale may kingkong naman." Mula sa paghihinagpis kamakailan ay naging bungisngis na naman lalo at naalala ang binatang kagaya niyang may tupak.
Hindi na rin nakaangal si Valdez, instead he lead her to the place where they'll climb the tree.
"Hmmmm aba'y marunong din ang kapre na 'to ah. I just told him to stop the negotiation but I guess he did very well to let that demon vanish." Hindi matukoy kung sarili ba ang kausap o ang katabi.
"Negosyante si bossing kaya't hindi na nakapagtataka kung agad siyang nakaisip ng rason sa pagpapatigil sa demonyo." Kaya naman ay sagot ni Valdez.
"Kuya gaano ka katagal kay Kingkong? Don't get me wrong pero mukhang baliktad ang mundo ngayon bakit pala lalaki ang servant niya?" Muli ay tanong niya dito, she preferred to ask it in English term dahil nasaksihan niya na hindi katulong ang turing ni Kingkong dito.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Genel KurguDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions