Kabanata 19

2.4K 82 3
                                    

Kabanata 19

Buhay



Nanginginig ang katawan ko habang pinagmamasdan si Ruslan. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko magawang lumapit dala sa panginginig ng tuhod ko. I feel so lost while staring at him.

Hindi pa naman ako sigurado ngunit may parte sa puso ko na maaaring nahawaan siya ng sakit. Oh Jesus, malapit silang dalawa ng lalaking namatay at may posibilidad na nagka-usap sila. Ayokong isipin iyon ngunit pilit pumapasok sa isip ko ang mga maraming posibilidad.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Kitang-kita ko ang panginginig ng katawan niya, hindi ko alam kung nilalamig ba siya. Nakapikit ang mga mata at natatabunan ng kumot ang kanyang leeg pababa sa kanyang katawan. He looked so peaceful while sleeping but my heart trembling horribly.

Lumapit pa ako kahit nanginginig ng husto ang tuhod ko. Kabang-kaba at hindi mawari ang gagawin. Namamawis na din ako at unti-unti nang namuo ang luha sa mata ko. Nang makalapit ako ng tuluyan, bumilis ang paghinga ko. Pinagmasdan ko pa siya ng mabuti, nananalangin sa maykapal na sana hindi siya nahawaan ng sakit.

Pumikit ako ng mariin at tumulo ang luha ko. Nanginginig kong inabot ang kumot sa leeg niya, dahan-dahang binaba at halos matumba ng bumungad sa akin ang kanyang leeg na may rushes na. Umiling iling ako habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Hindi! Hindi maaari! Oh God! Hindi p-pwede ito!

Binaba ko pa ang kumot hanggang sa baywang niya at napatakip nalang ako sa bibig ng makita ang braso niyang may rushes na din. Umiling iling ako, hirap na hirap na sa paghinga at nagsabay-sabay pumasok sa utak ko ang mga posibilidad na mangyari. No way! No! No! H-he can't be! This can't be!

Nanghihina akong napaupo sa sahig habang takip-takip pa ang bibig. Umiling iling ako, nahihirapang huminga. Patuloy sa pagluha ang mata ko habang pinagmamasdan ang pinakamamahal kong lalaki na tinamaan ng virus. Kinagat ko ang labi para hindi ako humagulgol. Hindi ko na din siya halos makita dahil punong-puno ng luha ang mata ko.

Lord, p-parang a-awa mo na! Iligtas mo ang pinakamamahal kong lalaki! Panginoon, naging mabuti ako sa inyo! Wag mong kunin sa akin ang lalaking mahal ko! Panginoon, dinggin mo ang panalangin ko! Wag ang mahal ko, wag si R-ruslan please?

Napahinto ako sa pag-iyak ng makitang nagmulat ang mata niya. Mabilis kong pinahid ang luha sa mata ko at inayos ang sarili. Nakatitig siya sa akin habang nakakunot ang noo. Halatang-halata na ang rushes sa kanyang leeg, maging sa braso. Pinilit kong ngumiti sa harap niya.

"Bakit ka nakaupo sa sahig? Baka lamigin ang anak ko!" He said sternly.

Ngumiti ako kahit namumuo na naman ang luha sa mata ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya para hindi niya mahalata ang luha ko. Suminghot ako at nahirapang harapin siya. Nang mawala ang luha ko, bumaling ulit ako sa kanya.

"H-hindi naman siguro." Nauutal kong sabi.

He sighed. Nagkatitigan pa kami ng matagal kaya hindi ko nakayanang tumulo ang luha. Kitang-kita niya ang paglandas ng luha ko. Kumunot ang noo niya, nagtataka bakit ako umiiyak. Huminga ako ng malalim.

"Bakit ka umiiyak?" Takang tanong niya.

Suminghot ako, ngumiti ng pilit.

"Ahh n-napuwing lang ako! Wala to!" Pinasigla ko ang boses.

Lumunok ako. Huminga siya ng malalim. Ilang sandali pa, iminuwestra niya sa akin ang higaan. Nag-aalinlangan pa ako ngunit tumayo nalang at umupo sa tabi niya. Sinapo ko ang mukha niya, pinagmasdan siya ng mabuti. Oh Jesus! Wag ang mahal kong lalaki!

"Gusto mo kantahan kita?" Namamalat niyang sabi.

Napakagat labi ako. Ngumiti ako at pinagmasdan pa siya. Hindi pa naabot ng rushes ang mukha niya, sigurado akong nasa ikalawang araw palang siya bilang nagpositibo.

Costiño Series 5: The Painful Battle (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon