I:Marpl High School

8 0 0
                                    

Lye

It's the first day of school. Hmm. Grade 11 na rin sa wakas. Habang papasok ako, ramdam ko pa rin yung init na dala nung El Niño. Magtatag-ulan na eh, bakit ngayon pa! Wala kasi akong dalang panyo! Nakakainis naman -_-.

"Ano ba Lye? It's the first day of school oh? Wag naman mainit yang ulo mo", sabi ni Rian. Yeah, narinig nyo siya. He's Rian Hapix. He's my friend since Grade 9. Even though he's chubby, it's not obvious because of his nature skill slash talent kuno, yung pagtatago ng tyan. Hindi naman siya masyadong mataba pero kapag wala syang damit, masasabi mong mataba siya.

Papunta na kami sa kaniya kaniya naming room. Katabi ko lang room niya eh. Ang room ko ay nasa 2nd floor 1st room katabi ng hagdan, siya naman yung nasa 2nd room katabi lang ng room ko.

Pumasok na siya, ako nasa labas pa rin, magoobserve na muna ako ng mga dumadaan hehe.

4'7" height, bagong rebond, liptint, kulang sa aruga hehe

Tsk tsk tsk, kala niya malelate siya kaya nagmadali. Hindi kasi masyado maayos yung pagkakaliptint niya, may sobra pa sa gilid. Hindi pa maayos yung tie, hindi pa inayos nung nasa biyahe. Buti at hindi to nasubsob nung natapilok, may gasgas kasi yung sapatos nya sa bandang harapan, mahahalata mo agad yung gasgas kasi bago, saka wala naman syang sugat sa braso o sa kamay.

"Miss Tamson, sa susunod wag ka masyadong magmamadali papasok, muntik ka tuloy masubsob", seryosong sabi ko. Napatigil siya sa paglalakad

"Te-t-teka? Paano mo nalaman na muntik na akong masubsob?", gulat na sabi niya.

"It's a secret", pangiti-ngiti pang sabi ko. Sinimangutan niya naman ako at umalis na. Makapasok na nga. Pagkapasok ko, lima pa lang ang estudyanteng nakikita ko. Pumwesto ako sa likod at nagbasa ng 'Sherlock Holmes Volume 2'.

After 20 minutes na pagbabasa, hindi ko namalayan na halos andito na pala lahat ng kaklase ko. Masyado kasi akong focus sa pagbabasa eh, di ko tuloy napansin.

Kabadtrip! Nakaramdam pa ako ng antok. Bakit ngayon pa T_T?

Pumasok na yung prof namin. Hindi gaano katangkaran pero hindi rin naman siya maliit, sakto lang yung height niya para sa isang guro. May kinuha siyang parang folder, siguradong attendance yun.

"Pangilinan", nagumpisa na siyang magbanggit ng pangalan.

"Present!", sabi ng nasa likod ko.

...

...

...

...

...

...

After magattendance ng prof namin, may napansin ako.

...

...

B-ba-bakit hindi ako nabanggit?!!!!!

"Uh, sir? Bakit po hindi nabanggit yung name ko?", nagaalalang tanong ko.

"Anong name mo?"

"Lye Eros Axel po", sabi ko.

"Lye Eros Axel, Lye Eros Axel, Lye Eros Axel", banggit niya habang hinahanap yung name ko sa list.

"Uh, wala ka dito sa lis-", putol ko.

"HUMSS po ba to?", nagtatakang tanong ko.

"Ay nako, ABM to. Magtanong ka sa Guidance Office, nasa baba katabi nung Library."

"A-aah-ah ABM pala to hehe, salamat po sir", nahihiyang sagot ko. Badtrip naman oh! First day of school tapos sa maling room pa ako pumasok! Eto kasi yung room na ginamit nung nagentrance exam kami ni Rian. Badtrip talaga. Naiinis akong lumabas ng classroom tapos dumiretso sa Guidance Office.

Hindi naman ako nahirapan mahanap yung Guidance Office kasi madali lang din naman mahanap yung Library eh. Pagpasok ko, nagtanong agad ako.

"Excuse po, saan po yung room ng HUMSS SXXC-Nick?", tanong ko dun sa matanda na parang hindi naman nagtuturo dahil sa suot niya. Nakaputi siya tapos nakablack na pants.

"Hanapin mo dun sa 3rd floor, magtanong-tanong ka nalang dun", sagot niya.

"Ahh sige po, maraming salamat.", umalis na ako at nagtungo sa pupuntahan ko.

Nakarating na ako sa 3rd floor at ramdam ko agad yung pagod, ikaw ba naman hindi magworkout o magexercise man lang noong summer hehe. Doon ako dumaan sa dulong hagdan sa kabilang side ng building. Yung school kasi namin, isang building lang siya. Eto lang kasi yung pinakamalapit na alam naming school ni Rian kaya dito kami pumasok. Magaling din naman daw magturo yung mga prof dito kaya wala kaming problema as long as natututo kami.

Unang room, naknang, nakita ko agad si Rian. Nginitian pa ako, tibay. Yari ka sakin mamaya.

Noong dumaan ako sa room nila, halos nakayuko na ako, kasi naman, magmumukha akong late neto! Pangalawang room, tinanong ko yung prof na babae.

"Uhm, maam? Excuse po. Eto po ba yung HUMSS SXXC-Nick?", takang tanong ko.

"Ay hindi, STEM to", halata namang biro yon pero siyempre, sakyan na natin.

"Ah ganun po ba maam, sige po", halos pasarkastikong sabi ko pero hindi naman halata haha, mamaya masampolan ako eh.

"HAHAHA joke lang naman, sige na pasok ka na. Ay teka, bakit ka nga pala late?", sabi na eh. Hindi nga ako late.

"Ah maam hindi po ako late, nagkamali po ako ng room na pinasukan", sabi ko.

"Ahh ganun ba? Swerte mo naman", sige pagbibigyan kita maam, maganda ka naman eh hehe.

Pumasok na ako, sa likod na pinto ako dumaan. Ramdam na ramdam ko na yung init sh*t! Stupid handkerchief! Sinisi yung panyo eh noh? Wala eh, kanino ko ibubuntong yung galit ko? Dito sa katabi ko? Oo, sa likod ako umupo kasi wala nang pwesto sa harap at gitna.

"Hello, Lye Eros Axel", sabi ko sa katabi ko. Oh HAHAHA siya pala yung muntik na masubsob kanina.

Napansin kong nakatitig lang siya at parang mangangagat. "Lye Axel pala ha? Utot mo!", pagsisimangot niya. Ang galing naman, paiyakin ko kaya to? Wag na nga, first day of school eh ayoko ng gulo.

"Tss", singhal ko.

...

...

...

...

Break

Wala naman masyadong nangyari, introduce yourself lang naman saka may ginawang isang activity. Pinuntahan ko agad si Rian sa room nila kaso-

"Aray! Ano ba? Tss. Mag-ingat ka naman", sabi nung babae. 4'5", may itsura, maayos yung uniform, okay naman yung preparation niya ngayong first day of school.

"Ikaw na nga tong nakabangga, ikaw pa tong galit, tss. Ang liit mo pero napakataas ng dugo mo", pangaasar ko.

"Ano bang problema mo sa height k-"

"YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!", isang malakas na tili ang umalingawngaw sa hallway.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This story and characters are fictitious.

Author's nn.
-ieyeced

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cross DetectiveWhere stories live. Discover now