Kabanata 7

5 0 0
                                    

Announcement

Sivan POV

Hindi ko maiwasan hindi ma-mangha sa nakikita ko. Hindi ito ang unang pag-kakataon na makakita ng fireworks. Pero ito yung unang pag-kakataon na may naramdaman akong kakaiba.

Napasulyap lang naman ako sa kanya ng isang beses kanina. Hindi ko alam na natulala na ako. Habang pinagmamasdan ko siya kanina nakikita ko sa mata nya na masaya siya. Naalala ko sinabi ko sa kanya kanina! Nagsasalita ba mag isa bibig ko. Nabigla lang naman ako.

Halos trenta minuto den inabot ng fireworks display. Hindi nako bumaling sa kanya bigyan kaba naman ng masamang titig. Di manlang kinilig aysus. Siya lang yung babaeng ganun kusa lang naman yung compliment nayun tsk.

"Thankyou boys! Hindi ba talaga kayo sasabay we have our van you know. We can drop you off hanggang sainyo." Marahan sabi nung stella

Pagtapos ng fireworks kanina unti-unti na nabawasan ng tao siguro gabi naden. At napagpasyahan naden namen magsi-uwe dahil may klase pa bukas. Ngayon nandito na kame entrance nag aabang ng jeep. Samantalang sila inaabangan yung service. Mga ritsked wow wow.

Hindi na kame nagpansinan ni Vanilla. Tulad ng dati puro matatalim na tingin nanaman binibigay nya saken may irap pa.

"Hindi na kame sasabay baka dumiretso pa kame hospital! Thankyou." Patama ko.

"Tsk. Lets go stella." Ani ni Vanilla.

"Alright then. mag-iingat kayo!" Sabi ni stella bago pumasok sa van.

Pinagmamasdan namen lumayo yung van. Hindi man-lang nagpaalam yung dalawang amazona pag-tapos kame abusuhin at kawawain. Nakakatrauma yun ah dinako uulit!

"Puta tagal naman ng jeep. Dapat pala sumabay nalang tayo dun e libreng sakay pa." Sabi ni Jerax habang humihikab.

Oo nga bat antagal ng jeep! Alas otso trenta palang naman.

"Gusto mo pa ata madagdag yan sakit ng katawan mo erp. Ikaw nalang!" Balik ko.

"Gagi erp dimo nanaman papainitin ulo nila e. Patagong pilosopo kahit dun manlang makabawi. Sayang redhorse ko kaya!" Sabi nya sabay akbay sa balikat ko.

"Oo nga no erp! Pero ayoko mabalian ng buto."

Alas dyes naden kame nakauwe sa bahay namen. Dumiretso agad si Troy sa taas para makapag pahinga na. Dumiretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig. Daig ko pa nagtraining sa bigat ng katawan ko pag salampak ko sa higaan. Nakakapagod na araw!

Nilagay ko braso ko sa muka at napapangiti sa naalala. Nakakapagod na masaya pala. Putek ano ba tong naiisip ko! Tulog na gwapong Sivan!

Nagising akong maganda ang komposisyon. Ready na ready na mag-aral! Pero major pala namen ngayon. Ang masama pa dun tatlong oras lang naman yun.

Ganun talaga yun para sa ikabubuti ko at ng bansa. Maagang lumisan si Troy at ang mabait ko kapatid nag tira pa ng niluto nya nilagang itlog at dalawang breadtoast.

Simula na ng pag-uuniform namen ngayon. Putting longsleeve panloob, necktie na red at navy blue na coat na may ternong pants na semi fit. Brown leather shoes ang pinares ko. Napakainit sa pinas tas ganto uniform! Pero napaka-lamig naman sa school kaya pede na to.

Dun nalang kame mag-kikita ng mga tropa sa first subject.

Naglalakad nako sa hallway. Earphone in mga tao out. Halos lahat ng makasalubong kong babae napapatitig o kaya nagbubulungan. Yung iba halos gusto na makipag kilala saken. Hindi naman sa pag mamayabang dugong Imperial to ehem!

Papanik ng hagdan may nakabungguan akong lalaki. Maliit na kumosyon ang nangyare natigil ang mga estudyante.

"Dude tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Mariin nyang sabi.

Colliding WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon