Del's POV
Isang putok ng baril ang nakapagpatigil sakin sa pagtakbo. Ayokong lingunin ang taong nagpaputok dahil alam kong magiging katapusan ko na pag lumingon pa ako.
Napalunok ako nang maramdaman ang paghakbang nya papunta sakin. Maingat ang hakbang nya na parang kalmado lang sa kung ano mang gagawin.
Hahakbang na sana ako nang maramdaman ang dulo ng baril sa may bandang leeg ko. Ang lamig na hatid nito ay gumapang papunta sa mga kamay ko at syang nakapagpanginig sa akin.
"Please...please d-don't." Nanginginig na sambit ko.
Nanginginig na rin pati ang mga tuhod ko at kulang nalang ay mapaluhod na ako nang tuluyan.
Di ko inaasahan to. Akala ko tapos na ang lahat. Akala ko nadakip na ang nagtatangka sa buhay ko pero bakit siya nandito ngayon at tinututukan ako ng baril na para bang ang laki ng kasalanan ko?
Gusto kong humingi ng tulong pero ayaw kong may madamay pa sa problema kong to. Ayaw kong may inosenteng tao ang mamatay dahil sakin.
Zion.
Si Zion. Sana hanapin nya ako. Sana magtaka siya kung bakit di ko masasagot ang mga tawag niya.
Di ko na alam kung sino ang mahihingian ko ng tulong sa ngayon. Sobrang tahimik ng paligid na para bang sinadyang umalis ng mga tao para magkaroon ng tiyempo ang killer para mapatay na ako nang tuluyan.
"Ano? Ano bang ka...salanan ko sayo? Please? Sabihin mo?" Nagmamakaawa kong tanong at napaluhod na sa sobrang takot.
Di ko na napigilan at tuluyan na akong napaiyak. Ganito pala sa feeling pag sobrang takot mong mamatay. Ilang taon ko ring hindi naramdaman to simula nang mamatay sina mama at papa.
Napatigil ako sa pag-iyak nang maalala ang nangyari noon. Ganitong eksena rin nang makita ko si mama na nakaluhod at nagmamakaawa sa naka itim na lalaki na huwag siyang patayin.
Napakuyom ako ng kamao at di makapaniwalang nangyayari ito sa akin. Pero ilang taon na ang nakalipas. Imposibleng babalikan pa ako ng lalaking iyon. Di ko nakita ang pagmumukha niya at di niya rin ako nakita nang nagtatago ako sa ilalim ng kama.
"Ikaw ba? Ikaw ba ang lalaking pumatay sa mga magulang ko? Ikaw ba?!" Galit na tanong ko at inangat ang tingin.
Napaatras ako nang makita syang nasa harap ko na at ang baril ay nakatutok mismo sa sentido ko na nakapagpayuko sa akin ulit.
"Tss."
Gusto kong putulin ang dila ko dahil sa matapang kong pagtanong sa kanya nang ganun. Baliw na ata ako para ibalik pa ang nakaraan pero wala akong maalalang may ginawan ng kasalanan at pagbayaran ko nang ganito.
Sinilip ko ang paligid at talagang dito pa ako napunta sa madilim na bahagi ng kalye. Wala na ata akong kawala kay kamatayan.
"Sino ka ba ha? Bakit di mo ipakita ang mukha mo at harapin ako nang maalala ko kung nagawan ba kita ng kasalanan o wala?" Mahinang sambit ko habang habol ang hininga.
Nakita ko naman ang dahan-dahan nyang pag-upo habang hindi pa rin inaalis ang baril sa sentido ko. Kinilabutan ako at kinabahan ng sobra nang maramdaman ang kanyang paghinga sa malapit sa tenga ko.
"You wanna know me?" Bulong nya at dahan-dahang idinampi ang tuktok ng baril sa pisngi ko pababa sa aking leeg.
Halo-halo na ang nararamdaman ko at parang sasabog na sa sobrang kaba.
"I might kill you if you'll know my name." Mahina ngunit may diin na bulong nya habang ibinababa pa rin ang baril papunta sa tagiliran ko.
"Parang..awa mo na. Pakawalan mo na a..ako."
Parang kakapusin na ako sa paghinga at di ko na alam kung maitatago ko pa ba ang panginginig ng mga kamay ko.
"DEEEELLLLL!"
Tila nabuhayan ako nang marinig ang boses na iyon.
Zion. Zion ikaw ba yan?
Napatigil sa pagdampi ang lalaki ng baril at idiniin sa tagiliran ko. Shet. Katapusan ko na talaga.
"DEL! Del nasan ka?!"
Zion bilisan mo.
Nawalan na ata ako ng boses dahil sa kaba at di ko na magawang sumagot kay Zion.
"That man is really saving you from death. I wonder what he will react to see your lifeless body here, bathing from your own blood, hmm?"
"Del! Sumagot ka please! Del!"
"I want you to sleep baby."
Sunod-sunod na ang paglunok ko nang unti-unti nyang kinakalabit ang gatilyo at muling itinutok sa sentido ko.
'Zion please. Save me.'
Bago ko pa ma-i-angat ang tingin ko sa lalaking tatapos sa buhay ko ay siyang pag-alingawngaw ng putok ng baril at ang pagmanhid ng buo kong katawan.
Napahandusay ako sa malamig na sahig at nakita ang pagyuko ng lalaki at tiningnan ako sa mga mata.
Hindi maaari.
Ang kulay berdeng mga mata ng lalaking to.
Bakit parang nakita ko na?
"Forever baby. I want you to rest forever." Huling katagang sinambit nya at unti-unti ko nang nararamdaman ang bigat ng mga talukap ko.
Ang boses na iyon. Ang pamilyar na boses na iyon.
(Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.)
sweetmoncheri
Hi honeys. Thank you for reading my story! If you find this story amazing and is worth to read, drop a comment below or tap the vote button. Para mabigyan ko rin kayo ng kunting pasasalamat dahil sa oras na nilaan niyo sa pagbasa ng mga gawa ko at maidedecate ko rin sa inyo ang susunod na chapters na ma-iuupdate ko. Keep safe honeys and God Bless♡
Hany, 18
BINABASA MO ANG
Against Inside
Mystery / Thriller"I might kill you if you'll know my name." (On-going)