Amaranthe's POV
SOBRANG LATE na akong nagising ngayong araw na ito pero dahil tapos na ang midterm exams namin, inaasahan ko na hindi kami ganoon ka busy sa lectures ng klase ngayon.
Pero wala si lola sa bahay kaya papasok akong gutom, never pa rin kasi akong nagluto para sa sarili ko, but anyway nasaan kaya siya ngayon? Kaya pala walang gumigising sa akin, na dead batt kasi ang phone ko kagabi dahil tawag nang tawag sa akin si Rowss, ayun nakatulog ako nakalimutan ko tuloy i-charge.
Bigla namang sumalubong sa akin paglabas ko ang pagmumukha ng pinsan kong si Stephanie. May dala siyang malaking lunchbag kaya napangiti ako.
"Para sa akin ba 'yan?" Ako.
"Ah ito ba? Para kay Lenz ito, baka sakaling makikita ko siya sa library ngayong umaga, bakit? hindi ka pa ba nakapag-almusal?" Tugon niya.
Nasira ang ngiti ko kaya nilagpasan ko nalang siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero agad naman siyang sumunod sa akin.
"Tara na, mag-almusal tayo sa Mini-Store." Ibig sabihin niya ay sa isang sikat na tindahan at istambayan ng mga tao. Malapit ito sa subdivision namin pero wala ako sa mood pumunta sa kahit saan maliban sa school.
"Teyka? Ihahatid ka ba ng papa mo ngayon? Ba't wala ang sasakyan niya?" Ako. Umaasa pa naman ako na sasabay sa kaniya. Bad morning talaga.
"Ah, maagang umalis sina papa at lola kanina, kaya sasabay ako sa'yo ngayon," Stephanie. Dapat sana ako ang sasabay sa'yo eh.
"Saan daw sila pumunta?" Ako.
"I dunno, kakagising ko lang din nang malaman kong umalis sila," tugon niya.
Paglabas namin sa Gate, may isang pamilyar na naman na sasakyan ang nakaparada sa harap namin, kotse ni Rowss. Kanina pa ba siya naghihintay? Late kaya ako.
"Hi girls!" Bati ni Rowss.
Wala ng sinasabi si Stephanie at agad akong hinila papasok ng kotse, ang laki naman ng ngiti ngayon ni Rowss habang nagmamaneho, samantalang ako naman ay nakakunot ang noo.
"Mag three months na kayong magjowa--," open-up ni Stephanie kaya nantaas ang kilay ko sa kaniya.
Tumawa naman si Rowss.
"A-aah, magugustuhan kaya ni Lenz ang inihanda ko sa kaniya?" Ang dali niyang naka-change ng topic.
"Ang swerte naman ni Lenz, may nagluluto sa kaniya ng pagkain, kailan kaya ako gawan ng ganyan?" Nilakasan ni Rowss ang boses niya habang nakatingin sa salamin tungo sa direksyon ko. Sinadya talaga niyang magparinig.
Tumawa din si Stephanie. "Baka kinabukasan niyan Rowss hindi ka na makakalabas ng CR."
Aba, nanunukso talaga 'tong pinsan ko. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako marunong magluto dahil may personal kaming tagaluto sa bahay no. At isa pa, nagsimula na akong magpractice ng simpleng pagluluto, flip hair ka talaga sa akin 'pag natuto na ako.
"Bakit Steph? Hindi ba marunong magluto pinsan mo? Naku! Kailangan niyang matuto dahil ako ang aalagaan niya pagdating ng panahon," react din ni Rowss.
BINABASA MO ANG
The President's Girl
RomanceAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...