Chapter 23: Warren's Play

212 14 0
                                    

Amaranthe's POV




AFTER FIVE DAYS.





Ako ang unang tumawag kay Rowss kaya sobrang obvious ang pagkakagulat niya nang marinig ang boses ko.





"Huwag mong kalimutan ang play ng pinsan ko ngayon," ani ko.





"Ah? Ngayon ba 'yon? Sige baby, sunduin nalang kita diyan mamaya," tugon niya.




Ngayon kasi ang play ni Warren at napagkasunduan namin ito ni Rowss six days ago. And this time I am acting as his girlfriend because of our stupid deal. Sa totoo lang, naranasan ko na namang magkaboyfriend noon pero hindi ko pa rin talaga alam kung paano magiging typical na girlfriend. Bahala na nga, hintayin ko nalang ang araw na makikipag-break sa akin 'to.





Kinalaunan, nasa labas na si Rowss ng bahay kaya pinatuloy ko muna siya habang inaayos ko ang camera na inutos sa akin ni lola. Sabi kasi ni lola na kukuhanan ko ng video ang play ni Warren para makapanood din siya, sinunod ko naman.





"Nasaan si lola?" Tanong ni Rowss.





"Ewan, pangalawang araw na itong maaga silang umalis ng tito ko, hindi rin sila nagpaalam kung saan," tugon ko.





"Ah ganun? Magmamano pa naman sana ako," tugon din niya.






"Tara na nga, traffic ngayon baka ma-late tayo sa play," ako.






Lumabas na kami at sumakay ng sasakyan. Nakasuot ng white T-shirt, black leather jacket, black fitted jeans at white shoes ngayon si Rowss, samantalang ako ay nakasuot lang ng white T-shirt, pink jagger pants at pink shoes, tapos nakapony tail pa ang buhok na medyo buhaghag.




Nang makarating na kami sa paaralan ni Warren, doon na kami dumaan sa likurang gate ng school para walang makakahalata, magiging magulo kasi kapag nalaman ng mga estudyante na nandito ang isang artista. Pshh.





"I'll just park here, ikaw na maglead sa daan babe," wika niya paghinto ng sasakyan.





"F.Y.I., hindi ko nga alam kung saan ang theatre room ng paaralang ito," inis ko namang react.





"Okay. Let's just ask the guards," Rowss.





At nakarating na kami sa theatre room, nagsimula na ang unang play kaya umupo na kami ni Rowss nang palihim, mabuti naman walang nakakahalata sa kaniya dahil dim ang lights ng room.





I've never been to a theatre play before, so this would be my first time. Ang dami ko ng nagawa sa South na hindi ko pa nagagawa sa North.





"Ladies and gentlemen, next play will be from section 10C, the title is WHEN THE WORLD LET ME MET YOU," announce ng boses batang babae. Sobrang cute. Nakahanda naman ngayon ang camera ko na nakatuon kina Warren.





"Ah wait, is this my movie?" React ni Rowss.





"Yeah, I forgot to tell you," tugon ko.





Rowss suddenly held my hand as the theatre play starts. I took a glimpse of him for a short time pero parang wala lang siyang reaction while seriously watching Warren's play. If he's my boyfriend, I guess it's fine.





I smiled. Hindi ko maintindihan ang tingling feeling na ito.





"Isang mahirap na babae lang si Miyu na nakatira sa isang maliit na tahanan," unang narrate ng play.





"What's the story all about?" Tanong ko kay Rowss dahil movie naman niya ito.




Sobrang daming props ng entablado, nalilito na ako kung saan ako titingin.




"It's all about a boy named Kant who fell in love with a girl named Miyu," malumanay na sagot ni Rowss sa akin.





"It sounds cliche, normal naman yata yung iibig ang lalaki sa babae ah," ako.





"The boy came from a famous family and was meant to marry a girl whom his family chose, but then he met this poor girl, he fell in love at first sight. It was sad for the boy though, dahil anak nga siya ng mayamang pamilya pero wala siyang kalayaan na gawin ang gusto niya," dagdag ni Rowss.





Anak nga siya ng mayamang pamilya pero wala siyang kalayaan na gawin ang gusto niya. Sounds familiar.





"And then?" bulong ko habang nakatingin sa entablado.





"Until the girl feels the same way, unang-una hindi alam ng babae na mayaman ang pamilya ng lalaki at noong naisipan nilang ipakilala nila ang isa't-isa sa pamilya nila, naging mas komplikado ang kanilang relasyon," Rowss.




"Why?"





"Dahil hindi gusto ng both families na magkakatuluyan sila. Sa pamilya ng babae, hindi nila nagustuhan ang lalaki dahil hindi ito marunong sa gawaing pang-mahirap like magtanim ng palay sa ilalim ng mainit na araw o kaya'y sumakay ng kalabaw, tapos sa pamilya naman ng lalaki, ayaw din ng mga magulang nito sa babae dahil hindi siya marunong ng sosyal na pamumuhay," paliwanag pa niya.





"Ang pangit ng istorya," react ko.





"Huy, hindi mo ba alam na isinulat iyon ng isang sikat na awtor, at basi ito sa makatotohanang buhay," Rowss.





"Ano yung ending?" Ako.




"Are you asking kung nagkatuluyan ba sila o hindi? HAHA panoorin mo nalang, ang ganda rin ng acting ni Warren oh," Rowss.





Tss. Ayaw pa magsabi, pero alam ko na ang ending, sigurado akong magkakatuluyan nga sila.





Pagkatapos ng play.




Halos basa na ang buong mukha ko dahil sa kakaiyak. At si Rowss naman ay todo comfort sa akin.





"Akala ko ba hindi mo nagustuhan ang story?" Patawang tanong ni Rowss.






"Bullshit. Hindi ba tinanong ko sa'yo kung anong ending? Gago ka! Hindi mo sinabi na hindi pala sila nagkatuluyan at namatay pa ang babae!" Tugon ko at ngpatuloy sa pag-iyak.






"O sige tahan na," tugon niya habang tinatapik-tapik ang likod ko.





"Bakit kailangan pang mamatay ang babae? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang sila sa isa't-isa?" Ako.





"Ate Ame, Kuya Rowss!" Tawag ng papalapit na si Warren.





"Ang galing mo boy!" Rowss. Tapos naghigh five silang dalawa.





"Anong nangyari kay Ate?"




"Umi---." Hindi na natapos si Rowss dahil tinakpan ko ang bibig niya.






"Okay lang naman ako, nakakuha ako ng magandang recording," ako.





"Halika kuya Rowss ipapakilala ko ang mga kaklase ko sa'yo, sinabi ko kasi sa kanila na darating ka," ani ni Warren sabay hila ni Rowss.





"Sa sasakyan nalang ako mag-hihintay," sabi ko naman.





Lumabas ako ng theatre room at dumiretso sa kung saan nakaparada ang sasakyan ni Rowss. Takte, bakit ba ako umiiyak para akong baliw sa harap ni Rowss kanina ah.






Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang mukha ko.





END OF CHAPTER 23.
ITUTULOY...

The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon