1. Piolo Pascual and Judy Ann Santos in “Kahit Isang Saglit”
Piolo: Hindi ako magre-resign dahil sa iniisip mo …
Judy Ann: Iniisip ko? Bakit, ano bang iniisip ko ha? Ano bang gusto mong isipin ko? Na bumalik ka na naman diyan sa pagiging iresponsable mong pagkatao ha? Na wala ka nang inumpisahan na tinapos mo? Yun ba ang gusto mong isipin ko??
Piolo: Annie …
Judy Ann: Na ngayong lumalaki na yung kumpanya natin, natatakot ka na naman sa laki ng trabahong kakaharapin mo? Yun ba ang gusto mong intindihin ko??
Piolo: Annie …
Judy Ann: Yun ba ang gusto mong isipin namin kung bakit basta basta mo na lang kaming iiwan??
Piolo: Hindi!
Judy Ann: Eh ano??
Piolo then kisses Judy Ann.
Piolo: Yan … Yan ang dahilan kung bakit ako aalis … Kung bakit kailangan kong umalis … Ito mismo ang iniiwasan kong magyari … Dahil higit pa rito ang gusto ko mangyari! Ayokong umalis … Dahil pinaghirap ko ring itayo ang kumpanya natin … Ayokong umalis dahil hindi ko alam kung magigising pa rin ang pinakamatalik kung kaibigan … Pero kailangan kong umalis … Dahil mahal na mahal kita Annie …
---
2. Kristine Hermosa and Jericho Rosales in “Ngayong nandito ka”
Jericho: Alam mo namang nasasaktan ako pag umiiyak ka eh …
Kristine: Hindi lang kasi ako makapaniwala eh … Na ngayong narito ka …
Jericho: Hinding hindi na tayo magkakahiwalay ulit …
---
3. Claudine Barretto and Piolo Pascual in “Milan”
Claudine: Hindi pala naibibigay ang kaligayan, hindi ito nahahanap sa ibang tao oh sa isang lugar, nasa sa iyo yun. Ikaw mismo ang makakahanap at makakapagbigay nun sa sarili mo …
Piolo: Pero Jenny …
Claudine: Hindi ko kayang punuan lahat ng pagkukulang mo Leo, dahil meron din akong sariling pagkukulang na kailangan kong punuan …
Piolo: Jenny mahal kita …
Claudine: Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? … Oh kailangan mo ako kaya mahal mo ako? … Kasi yun din ang ramdam ko sa sarili ko Leo eh … Hangga’t di mo alam ang sagot, siguro nga mas mabuting ganito muna tayo …
Months later, they end up bumping into each other again …
Piolo: Uuwi ka daw? … Mahal kita at kailangan kita Jenny, yun ang kaya kong isagot.
---
4. Jolina Magdangal and Marvin Agustin in “Labs kita, Okey ka lang?”
Marvin: Ano bang nangyayari sa iyo??
Jolina: Wala kang pakialam!
Marvin: Hindi na kita maintindihan eh!
Jolina: Kailan mo ba ko inintindi!
Marvin: Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh …
BINABASA MO ANG
the most romantic pinoy movie dialogue
FanfictionLet’s face it; we Filipino’s are die-hard romantic fools.