Tadhana

248 12 4
                                    

Hindi inakalang mundo nati'y magtagpo
May kanya-kanya kasing laman ang ating mga puso
Sa isang kalokohan kwento natin ay nabuo
Sino ba ang mag-aakalang magiging totoo ang isang biro

Noong kaming dalawa ay madalas mag-away
Ikaw ang sandigan at naging karamay
Tila ang gulo ay nagsilbing tulay
Upang humigpit ang ating pagkakahawak-kamay

Pilit kong pinigilan ang sumibol na damdamin
Sapagkat puso mo ay may nagmamay-ari pa rin
Pag-asa ko man ay nakasalang, nakabitin
Ngunit anong tuwa ko ng ika'y maging akin

Ngunit pag-iibigan natin ay 'di rin nagtagal
Kapwa tayo bumalik sa ating dating minahal
Hindi ko maintindihan, tila tayo mga hangal
Nasa paraiso na ngunit lumingon at nagpasakal

Walang balita kong ano sa iyo'y nangyari
Ilang buwan din ang ating nilimi
Sa pagsinta mo'y nangungulila parati
Kailan ba ulit makikita ang iyong mga ngiti?

Lumipas ang taon, tayo ulit ay nagkita
Anong tuwa ko, kapwa na tayo malaya
Tinago na pag-ibig sa puso'y muling kumuwala
At sa buting panahon tayo ulit ay nagsama

Malayo ka man sa akin ngayon sinta
Mahal kitang tunay, huwag mag-aalala
Tatlo nating yaman na sa atin ay biyaya
Bubusugin ko ng pagmamahal at pag-aalaga.

●●●◎●●●

© January 2015
J.Bree

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon