Si Genoveva ay limang taong gulang at ang kanyang dalawang kapatid na babae ay edad dalawa at isa ng sila ay naulila sa ina. At dahil sa ang kanyang ama ay isang marino ay lumaki sila sa kandili ng kanilang mga Abuelo at Abuela pati na ng kanyang mga tiyahin at tiyuhin. Sa kabila ng kanilang pagiging ulila sa ina ay binusog sila ng mga ito ng pagmamahal at pagaaruga. Lumaki si Genoveva na sunod sa lahat ng layaw ngunit kahit minsan na sya ay may taglay na kakulitan ay lumaki sya na masayahin, mabait, palasimba at palakaibigan. Napakarami nyang mga kaibigan at mga kababata na naging saksi kung paano siya makisama sa kanilang lahat. Sya ay lumaki sa isang lugar na kung tawagin ay Ilaya na kung saan ang kanyang abuelo at abuela ang may pinakamalaking tindahan sa kanilang lugar ng mga panahong iyon.
"Genoveva, tara na pupunta na tayo sa falls, dalian mo na." Ang tawag ng kanyang kaibigan na si Ligaya. "Teka lamang, ako ay pinatatao sa tindahan ng Tatay, (ito ang tawag nya sa kanyang abuelo) natutulog kase sya kaya ako daw muna ang magbantay." Ito ang kaagad na sagot ng batang si Genoveva. "Isara mo na lamang ang isang pinto ng tindahan at iwan mo na lang bukas ang kabila." Ang suhestiyon ng batang si Ligaya. Matamang nagisip si Genoveva. "Baka ako mapagalitan ng Tatay Inong", ang pagkukuli ng bata. "Hindi, wala namang bibili ngayon at halos lahat ng tao ay natutulog." Ang sagot ni Ligaya. Tumingin si Genoveva sa itaas at sinabi, "sabagay nga maaliwalas ang langit at sobrang init ngayon, masarap nga maligo sa falls." "Dalian mo na at naghihintay na sila sa atin sa niyugan"' ang tugon ni Ligaya.
Bagamat nagdadalawang isip si Genoveva na umalis ay nanaig ang kanyang kagustuhan na mapagbigyan ang paunlak ng kanyang mga kababata. Dali dali nyang isinara ang pintuan at sinilip ang kanyang Tatay upang magpaalam ngunit tulog na tulog ang matanda. "Hindi naman siguro ako papagalitan ng Tatay kung sasama ako kila Ligaya na maligo sa falls", ang bulong nya sa sarili. "Makaalis na nga"' dagdag pa nito. Dali dali syang umakyat sa me barandilya ng kanilang tindahan at umalis kasama ng kanyang kaibigan.
"Dalian natin at baka nila tayo maiwan", ang yaya ni Ligaya. Lakad takbo ang kanilang ginawa hanggang makarating sila sa niyugan. Binaybay nila ang daan papunta sa falls at mahaba din ang kanilang dinaanan na mga bangin kung kayat hindi nila magawa na maging mabilis sa paglakad. Ng marating nila ang falls ay dali daling silang naglanguyan at naging masaya sila kasama ang tatlo sa kanilang mga kaibigan na sila Marse, Flor at Judie.
Mga bandang alas kuwatro na ng hapon ng siya ay bumalik at dali dali uling umakyat sa barandilya ng kanilang tindahan sabay lundag pababa.
"Genoveva, saan ka nanggaling?, ang dagliang tanong ng kanyang abuelo. "Ih, Tatay kase po inaya ako nila Ligaya na maligo sa falls." ang madaling sagot ng bata. "Di ba sinabi ko magbantay ka muna sa tindahan at ako ay matutulog muna", ang sagot ng matanda. "Ih Tatay, wala naman po nabili eh tinawag ako ni Ligaya at inaya po ako na maligo sa falls. Magpapaalam sana po ako sa inyo eh kaso tulog na tulog kayo kaya umalis na lamang po ako hihihihi," sabay bungisngis. Wala ng nagawa ang matanda kundi sabihin sa kanya na "hala sige magpalit ka na ng damit mo at kapag nakita ka ng Nanay Ness ay baka mapagalitan ka." Opo", ang sagot naman ni Genoveva, sabay takbo sa banyo.
BINABASA MO ANG
GENOVEVA
Non-FictionPaanong ang isang ulila sa ina ay lumaban sa lahat ng pagsubok sa kanyang buhay. Abangan po ninyo ang kanyang kasaysayan.