I pray for all your love,
Girl our love is so unreal,
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me.
(I must be dreamin')
This is something like a movie,
And I don't know how it ends girl,
but I fell in love with my best friend.
napapangiti sya sa bawat lyrics ng kanta na kinakanta nya. natutuwa sya sa kantang iyon halos minu-minuto nyang pinauulit ang kantang Best Friend dahil sa nakakarelate sya sa kanta.
mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang mga mukha ng makita nya ang lumipad na litrato ng kanyang kaibigan na nang galing pa sa kanyang wallet. tinitigan nya iyon ng ilang sigundo bago nya inilagay muli sa pinanggalingan nito ngunit bago pa nya maipasok ang litrato ay may napansin syang nakasulat sa likod nito.
'She's always there for me when I need her; She's my best friend; she's just my everything.'
"kamusta ka na ngayon? maayus ka pa din ba tulad ng dati? kamakain ka pa din kaya ng madami kahit na marami kang kasama. umaabot pa rin ba yung mga ngiti mo hanggang tenga? nauutot ka pa rin ba sa harap ng bago mong kabigan matapos mong tuwa ng tumawa? nagagawa mo parin yung mga bagay na ginagawa natin dati?" sunod sunod ang mga tanong nya sa hawak nya larawan."sana pala hindi mo na lang nalaman para hanggangayon nan dito ka pa din sa tabi ko walang nagbago at pagbabago." malungkot ang mga mukhang sinasabi nya iyon sa litrato. " miss na kita. miss na miss na kita. ang lahat sayo.. ang mga ngiti mo, yung pangungulit mo, yung pang aasar mo at higit sa lahat yung pagiging sweet mo."
para syang tangang kinakausap ang litrato habang may mainit na likidong pumapatak na nagmumula sa kanyang mga mata.
"sorry ah? kasi minahal kita.. sorry ah? kasi hindi pinigilan yung nararamdaman para syo. sorry kasi napaka walang kwenta kong Best Friend..." niyakap nya ang litratong hawak nya at nahiga sa kanyang kama.
"sana mapatawad mo ako.. sana maging masaya ka pa rin kahit na wala na ako dyan sa tabi mo. basta lagi mo lang tatandaan nan dito lang ako lagi para sayo.. kahit na pagtabuyan mo ako at kahit na ilang beses mo pa akong ipahiya nan dito lang ako para sayo hindi ako magbabago lagi parin kitang babantayan at ipagtatangol kahit na ayaw mo. mahalaga ka padin sakin hindi na magbabago yun."
ipinikit nya ang kanyang mga matang patuloy pa din sa pagiyak...
BINABASA MO ANG
Dear, Best Friend (iLoveyou)
Short StorySa hinabahaba ng pagsasama bilang matalik na magkaibigan nila Baste at Buchoy. Unti-unting nahulog ang loob ng binatang si Baste kay Buchoy. Inilihim na lang nya ang tunay na nararamdaman para sa kaibigan. Natatakot syang magtapat dahil ayaw nyang m...