Chapter 25

5.8K 273 30
                                    

Gabino's POV


He did not know why the woman next to him was familiar to him. Or is he just delusional again? Ilang beses na ba siyang nalasing sa isang bar at nauuwi sa kandungan ng ibang babae, thinking that it's Sabrina he's with.

Sabrina... Nasaan na kaya ito? Limang taon na ng basta na lang itong nawala.

Dapat galit siya dito. Pero hindi niya magawa, gusto niyang magalit pero mas lamang ang kagustuhang makita niya ito. He needs closure. He deserves it.

Nag-init ang sulok ng mata niya. At para itago iyon, isinubsob niya ang mukha sa leeg ng babaeng katabi niya. Even her scent smell like Sabrina. The warmth of her body... Mas lalo niya itong hinila papalapit sa kanya. Hinayaan niya ang sarili na isiping si Sabrina ang yakap-yakap niya.

Natigilan siya ng maramdaman ang palad ng babae na humahaplos sa buhok niya.

"Sab..."

"Hmmm?"

"Can I... can I call you Sab?" aniya dito. 'Wag sana itong magalit dahil ayaw niya pa itong malayo sa kanya. Gusto niya ang familiarity na hatid nito. Somehow, It eases the grief of his heart. Matagal na hindi ito umimik, tumigil din ang kamay nito sa paghaplos sa buhok niya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, paano kung nainis pala ito sa kanya. Lumayo siya dito at tinitigan ito.

Bahagyang nakaawang ang mga labi nito, at may kislap ng luha sa mga mata nito. May sari-saring emosyon na nagdadaan sa mga mata nito.

"I'm sorry, if--"

"O-Okay lang... I... loved to be the one which you desired me to be..." anito.

Tinitigan niya ang mga mata nito. The same eyes of a girl who broke his heart. Bahagya siyang napangiti, lasing na ata talaga siya kasi unti-unti niyang nakikita si Sabrina sa babaeng kaharap.

"Thanks... " Hinaplos niya ang mukha nito. Napalunok siya habang nakatingin sa mga mata nito. "I missed you, Sab... "

Okay lang namang magpakabaliw 'di ba? Kahit ngayon lang. Tutal payag naman ang babaeng ito na maging si Sabrina kahit ngayon lang.

"M-miss... na miss din kita..."

There's a tugged in his heart, the familiar ache he was dealing with for the past five years.

Without even thinking, he kissed her.

Sab... - sigaw ng puso niya. Ganito siya ka-miserable. Na kahit isang estranghero ginagamit niya para mapunan ang pagka-miss niya kay Sabrina.

Lumalim ang halik. Hanggang sa nakalimutan na nila ang mga na sa paligid. Kahit na may bahagi ng isip niya na sinasabing maling gamitin niya ang babaeng ito para lang maranasang makasama uli si Sabrina. Napaka-unfair no'n sa babae... Pero...

Kahit ngayon lang... I just want to be with her again kahit na ilusyon lang... - Pagtatanggol ng puso niya sa isip niyang tumututol sa nangyayari.

Parehong habol ang paghinga na naghiwalay ang mga labi nila. Bahagya pa itong nakapikit.

"Come with me..." aniya dito.

"Ha?" parang wala sa sariling anito. Namumula pa ang pisngi nito at parang disoriented pa.

Inilapit niya ang bibig sa pisngi tainga nito. "I want you..." he huskily whispers to her. "Ituloy natin ito sa ibang lugar," aniya.

Matagal na tumitig muna ito sa kanya saka marahang tumango. Tumingin siya sa mga kasama. Wala na ang iba at dalawa na lang sa mga kasama niya ang naiwan pero busy na ang mga ito sa, kani-kanilang kapareha.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon