Sana Tayo Nalang

139 1 0
                                    

Nakita kita kanina, hindi ko lang alam kung nakita mo ako. Hindi ka naman tumingin sakin pero hindi lang natin alam na mas nauna mo pa pala akong nakita at nagpretend ka lang na hindi mo ako nakita. Nag-assume ka na naman, Sheena. Ilang buwan na din yung nakakalipas, hindi ka pa din nagbabago. Ikaw pa din yung lalaking nakilala ko noon. Nung una kitang nakita, kasama mo yung isang kaibigan mo, nagkwekwentuhan kayo ng bigla kang napatingin sa direksyon ko. Nakangiti ka pa nga noon e pero alam kong hindi ako yung dahilan. Kanina, kasama mo ulit yung kaibigan mo, nagkwekwentuhan din ulit kayo, nakangiti ka din pero ang pagkakaiba, hindi ka tumingin sakin. Ang pagkakaiba, may iba ng feelings. Hindi na yung simpleng "strangers" kasi may past memories na. 

First boyfriend kasi kita tapos nagkataon pang madami akong load nung semester na yun. Kaya ganun, naging busy sa studies at nabalewala kita. Isa siguro yung sa mga pinakamaling nagawa ko sa buhay ko. Yun yung hindi kita naalagaan kasi lahat na sila, sinasabi na wag na kitang pakawalan kasi iba ka daw. Iba ka nga. Ibang iba ka. Isa ka sa mga pinagpalang lalaki na alam pahalagahan ang isang babae, alam respetuhin, alam pasayahin. Iilan na nga lang kayo dito sa mundo, pinakawalan pa kita. 

Kasi hindi ako naniwala. 

Ako yung nakipag-break kasi naguilty ako. Kasi ikaw, kaya mong maglaan sa akin ng oras pero ako, ni text nga minsan, wala pa. Lagi mo akong pinagpapasensiyahan na dumating na sa puntong ako pa yung may ganang kumwestiyon kung mahal mo pa din ba ako. Nakakaunawa ka. 

Ako ang tanga. Naprove ko na ang dati ko pang pinapaniwalaan: Hindi laging kasalanan ng lalake, minsan, yung babae ang nagkasala. 

Kung pwede ko lang ibalik ang mga panahon na iyon, gagawin ko. Kung ang kapalit nun ay ang pagkabawas ng isang araw sa buhay ko, gagawin ko pa din kasi ano ba naman yang isang araw kumpera sa buong buhay na kasama ka? Nahihiya lang kasi akong kumausap sayo. Ang totoo, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo, hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Natatakot din ako na baka may iba na na nagmamay-ari ng puso mo. Yung isang babaeng kayang alagaan, di tulad ko na pinabayaan ko lang. 

Nag-ring na yung bell. First bell palang, may 5 minutes pa akong maglakad papunta sa last period ko. Natapos ang klase na hindi ko man lang namamalayan. Iba kasi yung iniisip ko, ikaw. Okay na ako e, ilang buwan na din kitang hindi nakikita pero nung nakita kita, bumalik lahat ng nararamdaman ko para sayo. 

Naglalakad ako palabas ng biglang may nabangga ako. 

"Ala kuya, sorry po." Sabi ko habang pinupulot yung mga papel na nabitawan niya. 

"Sheena?" Napatingin ako bigla kasi pamilyar yung boses niya. Yung boses na ilang buwan ko na ding namimiss na marinig. 

Ngumiti ako kahit sobrang kinakabahan ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. "Uy, ikaw pala. Sorry, ha? May iniisip lang kasi ako kaya hindi ko tinitignan yung dinadaanan ko."

"Okay lang. Wala ka ng klase?"

"Wala na, uuwi na sana ako e. Sige, una na ako. Bye"

"Bye"

Ngumiti ako tapos naglakad ng paalis. 

"Sheena! Sandali lang!" Tawag niya. Napalingon ako. "Pwede ba kitang makausap?" Alam mo? Kahit ilang beses na akong nasasabihan ng ganyan, hindi pa din ako sanay. Lahat naman ata tayo laging kinakabahan kapag ganyan ang naririnig, diba? "Saglit lang." Tumango ako at umupo ako sa may hallway. Iilan nalang ang mga tao doon kaya hindi naman na kami masisita. 

"Sorry, ha? Kelangan ko lang kasi sabihin to, baka hindi na kita makikita ulit. Ganito kasi yun--"

"Aalis ka ba?" Hala! Aalis na siya, hindi pa ako nakakahingi ng tawad. Ano ba yan. 

"Ah? Hindi. Bakit? Mamimiss mo ba ako?" Oo, sobra! 

"Ano na yung sinasabi mo?" 

Natawa siya. "Makinig ka a. Hindi ako magaling sa mga ganito e kaya please wag mo akong tawanan. Tanda mo nung nakipag-break ka sa akin?"

"Oo, ba--"

"Makinig ka at wag magsalita. Tumango ka nalang. Nung nakipag-break ka sa akin, sabi ko sayo na mamahalin padin kita kahit anong mangyari. Sabi mo na wag akong magbitiw ng mga ganyang salita kasi sigurado naman na makakahanap ako ng mas deserving kesa sayo. Mahal pa din kita, yun yung totoo. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing makakakilala ako ng isang babae, lagi ko silang ikinocompare sayo. Kaya siguro hindi ako makatagal sakanila, hindi kasi sila ikaw."

Okay, hindi naman ako bingi no? Tama ba tong mga naririnig ko? Prank ba to? Hindi naman April Fool's Day a. Parang gusto kong magtatatalun sa tuwa pero naalala ko may gusto din pala akong sabihin. 

"Nakita kita kanina, magisa mo lang. Alam mo ba kung gaano kita gustong kausapin kanina at sabihing sobrang miss na kita? Sana tayo nalang ulit, Sheen. Nung naging tayo, alam ko ng ikaw na talaga kaya ---"

"S--"

"Shh! Sabi kong wag kang magsalita e. Haha"

"Sorry. Sorry sa lahat ng mga nagawa kong mali sayo. Ang tanga tanga ko kasi pinakawalaan pa kita. Sorry kasi hindi ako nagtiwala. Sorry kung hindi ko nakaya. Sorry kung hindi kita nabigyan ng pansin at oras. Sorry kung nasaktan---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na niya akong hinalikan sa labi. 

"Wag kang ng magsorry. Kung ano man yung mga maling nagawa mo noon, napatawad na kita kasi siguro sobrang mahal kita. Sa sobrang pagmamahal ko sayo, nagawa kitang tiisin at hintayin."

"Mahal na mahal kita at hindi mo lang alam kung gano kita kamiss." 

Sana Tayo NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon