RAPHAEL'S POV
Nakatitig lang ako sa pagkain na nasa harap ko at hindi binibigyang-pansin ang usapan at tawanan ng mga kaibigan ko.
Anong gagawin ko mamaya? Saan ko dadalhin si Jamaica para makilala namin ang isa't isa? Paano kaya kung hanapan ko na lang siya ng iba tutal marami naman akong kaibigang lalaki? Napailing ako. Kaso baka malaman ni Mama at Tita Helen 'yon, nakakahiya 'yon sakale.
Imbes na atupagin ko ang pag-review dahil sa isang araw na ang examination namin ay iba ang iniisip ko. Gusto ko sanang hayaan na lang siyang mag-isa kaso hindi dapat gano'n ang ugali ng isang lalaki kahit hindi niya gusto ang isang babae. Naipiling na naman ako.
Bakit ba nahantong ako sa ganitong sitwasyon? Bakit ipapakasal ako sa taong kakakita ko pa lang kahapon? Ang dami ko pang pangarap at gustong gawin sa buhay ko at hindi ko alam kung magagawa ko pa ba 'yon. Nasa Modern Generation na tayo pero bakit hanggang ngayon ay meron pa rin ang arrange marriage?
Ang dami ng problema sa Pilipinas gaya ng bakit mababa ang sistema ng edukasyon dito, bakit ang daming taong mahihirap at walang trabaho, bakit corrupt ang gobyerno at bakit pakitang-tao sila tuwing malapit na ang eleksyon kaya dapat 'yon na lang ang isipin ko imbes na 'yong pagpapakasal ko kay Jamaica. Napailing na naman ako.
"15 times na pag-iling niya na 'yan"
"Hindi ba magugutay ang leeg niya diyan?"
"Bakit naman magugutay? Gulay ba siya?!"
"Anong problema ng isang 'yan?"
"Aba, malay ko"
"Tanungin niyo dali"
"Hoy! Ayos ka lang?"
"Lah hindi siya nagsasalita at gumagalaw, na-parasite na ba siya?"
"Anong parasite?"
"Iyong hindi na gumagalaw at nagsasalita"
"Paralyzed 'yon tanga!"
"Hoy Raphaeeeeeel!" Bigla akong napa-ayos ng upo at gulat na luminga-linga para hanapin kung sino ang sumigaw
"A-ano 'yon? Anong nangyari?" Takang tanong ko kaya sabay-sabay silang umiling at binigyan ako ng nawe-weirduhan na tingin
"Anong nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Pat kaya napatitig ako sa kanya saglit, siya ang gusto kong pakasalan pero bakit ganito?
"Ayos lang ako" umayos ako ng upo at tinignan ang pagkain sa harapan ko na hindi ko pa nagalaw dahil sa kung ano-ano ang iniisip ko
"Naka-drugs ka, noh?" Ngising tanong ni Chen pero hindi ko na lang siya pinansin at sumubo ng lasagna
"Snobber si Kuya, peymus ka?" Natatawang sabi naman ni Jam kaya ngumiti na lang ako
"Paano siya magiging snobber eh hindi siya candy? Tanga mo naman Jam!" Asik ni Leo kaya napataas ang kilay ni Jam
"A-ako? Ako pa ang tanga?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo sa sarili
"Oo Jam, ikaw ang tanga" pagsang-ayon ni Cassy "Kasi hindi naman siya candy kaya bakit siya naging snobber?" Dagdag nito
Napairap si Jam at dinuro silang dalawa ng tinidor "ewan ko sa inyong dalawa! Huwag niyo 'ko kausapen!" Gigil na sabi nito at tinusok-tusok ang kinakain niya
Tinapik ako sa balikat ni Brenda kaya napatingin ako sa kanya "Ayos ka lang tol?"
"Oo naman"
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Novela Juvenil"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!