PROLOGUE
Ako ang isang tipo na babae na walang pag asa sa pagibig. Oo nga pala hindi ko pa naipapakilala ko ang sarili ko sa inyo, ako nga pala si Carol Mikaela Espanya, ako ay nakatira sa Baylan Corolina. Ang magulang ko ay sina Marellia Espanya, ang ina ko at si Nuan Espanya ang ama ko. Noong naging tatlong taong gulang na ako iniwan na ako ng aking ina, pinabayaan, palakad-lakad sa maduming kalye, walang makain, iyak ng iyak, hindi na alam kung anong gagawin. Buti na lang may kumupkop sa akin, isang ina na walang pagasa nang magkaroon ng anak. Sila ang nag alaga sa akin hanggang lumaki ako at nagdalaga. Sila rin ang nagpaaral sa akin. Itinuring ko sila na tunay kong magulang. Ang saya pala magkaroon ng magulang katulad nyo no? May tanong lang ako, masaya ba kayo sa inyong mga magulang na nagpapakahirap sa trabaho upang maipaaral kayo? Dito niyo matutunghayan ang kwento ko bilang Carol at isang araw mababago ang buhay ko.