A Gangster's Promise

176 5 5
                                    

A Gangster’s Promise.

-------------------------------------------------------

Ang mahalin ko sya ay lubhang hindi ko inaasahan ngunit ang mawala sya ng ganung biglaan ay hindi ko makalimutan..

Nang dahil lang sa isang pangako….

-----------------------------------------------------

Naglalakad ako pauwi nun ng may dalawang lalaki ang biglang humarang saken.

“miss, nag-iisa ka yata? Baka gusto mong magpalamig muna?”-1

“kaya nga miss. Halika.. dadalhin ka namin sa paraiso”-2

Pagkatapos hinawakan nya ko sa braso ko. Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malalakas sila. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit nagkataon pa yatang walang katao-tao ngayon.

Nararamdaman ko na pumapatak na ang mga luha ko.. natatakot ako.. kinakabahan.. para lang akong isang kuneho sa harap ng dalawang mababangis na leon, walang magawa.

“oh? Bakit umiiyak ka miss? Saglit lang naman tayo eh.”

“kaya nga miss.. isang session lang tapos uuwi ka na”

“w-w-wag p-po.. p-parang a-a-awa nyo na.. u-u-uwi na p-po a-ako” saad ko sa gitna ng paghikbi ko.

“wag ng makulet miss. Saglit lang talaga tayo”

“a-ayoko po.. pa-parang awa nyo na.”

“Mga tarantado ba kayo??!!! potangina! Ayaw naman pala sumama eh. Wag nyo ng pilitin.” Sigaw ng isang lalaki. Napatingin yung dalawang lalaki sa kanya.

“eh sino ka ba?! Ang yabang mo ah?!!” at sumugod yung isang lalaki sa kanya habang yung isa ay hawak-hawak pa rin ako..

*BOOOG! PAKKK! PINGGG!*

Napataob nya yung isang lalaki na hindi man lang sya pinagpawisan o nahirapan man lang.

Unti-unti namang binitawan nung isang lalaki yung braso ko at kumaripas ng takbo.

Napatulala ako sa lalaking kaharap ko.. may tatlong hikaw sya sa kaliwa, itim ang kanyang suot mula ulo hanggang paa, may eyeliner yung dalawang makapanagos-tingin nyang mata at may highlights ang buhok nya..

Gangster.

Tamang salita para i-describe sya.

“ayos ka lang ba miss?” tanong nya saken. Malamig ang boses nya at nakakatakot.

“o-o-opo.. s-salamat”

“ingat ka sa pag-uwi.” At tumalikod na sya saken..

Pinagmasdan ko lang ang likod nya habang palayo na sya saken..

Lumipas ang isang linggo.

Naglalakad akong muli galing sa eskwela. Dumaan ako sa isang bookstore upang bumili ng libro. Masaya kong inaamoy-amoy ang libro na nabili ko. Gawain ko na kasi ang amuyin ang mga bago kong libro dahil ang bango-bango nila lalo na pag bago lang. abala ako sa pagbubuklat-buklat ng bawat pahina ng may nakabunggo ako at di sinasadyang napaupo sya sa lakas ng impact ng pagkakabunggo naming dalawa.

“pota!” rinig kong pagkakasabi nung nakabunggo ko.

“naku.. pasensya na po” tiningnan ko yung nakabunggo ko upang tulungan syang tumayo ngunit nagulat ako sa nakita ko..

“ikaw?!” napatakip ako sa boses ko dahil sa malakas kong pagkakasigaw.

Sinamaan nya ako ng tingin. Napalunok ako. Inabot ko yung kamay ko upang tulungan sya ngunit pinalis nya naman ito.. tumayo syang mag-isa at pinagpag ang damit nya.

A Gangster's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon