“Ano ang iyong ginagawa sa aking asawa!” ang malalaking kamay ni Miguel ang bumungad sa balikat ni Constantina na siyang agad niyang ikinaluhod din. Ang kanyang mga mata na gustong pumatay ay nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan.
Ang mga mamamayan ay nagkagulo sa nakitang pangyayari. Agad pumalibot ang pitong guwardiya civil sabay tutok ng kanilang mahahabang baril sa nakatayong galit na si Miguel.
“Magdahan dahan ka Señior!” sigaw ni Felimon na ngayon ay may dalang fistula. Ang mga tauhan ng mga de San Antonio ay nagsilabasan kung kaya’t ang mga mamamayan ay nagsitakbuhan papasok ng simbahan. Napangiti si Constantina na siyang mas ikinagalit ni Miguel. Noon paman ay alam niyang mapangahas ang dela Concepcion na ito.
Hindi niya pa rin binibitawan ang balikat ni Constantina. Ngayo’y nakatayo na si Jaoquin na hindi maipinta ang mukhang nakatingin sa kamay ni Miguel na nakahawak sa balikat ni Corazon.
“SA ISANG UTOS KO AY SASABOG ANG IYONG BUNGO SA KALAPASTANGAN NA IYONG GINAGAWA SA MAGIGING ASAWA KO!” umalingawgaw sa plaza ang sigaw ni Jaoquin na siyang ikinatahimik ng lahat na naroroon.
Napangiti si Constantina na para bang nasisiyahan siya sa nangyayari. Idiniin niya ang kanyang tuhod sa magaspang na semento. Maging ang kanyang palad ay mas idiniin rin niya. Napakagat labi siyang tinitiis ang masakit na pagbuo ng mga galos sa palad at tuhod niya.
“ISA!” ngayo’y si Jaoquin ay nagbibilang na.
“DALAWA!” naghanda ang mga guwardiya sa akmang pagbaril kay Miguel. Ngayo’y nakatutok na ang mga baril sa ulo nito. Nanginginig sa galit si Jaoquin lalo na’t nakikita niya ang dahan dahang pagdurugo sa mga palad ni Corazon.Biglang tumayo si Cuerva sa harapan ni Miguel upang mabitawan niya ang balikat ni Corazon na agad natumba. Huli niyang binitawan ni Constantina ang kanyang ngiti bago tuluyang nawalan ng malay. Akmang lalapitan ni Jaoquin si Corazon subalit naunahan na siya ng kutsero nitong naghihintay nang pagkakataon. Agad inilayo ni Mang Catalino at Marites ang kanilang Binibini. Bago paman makalayo ay nakita ni Jaoquin ang mga galos nitong dumudugo.
“Ibaba ang inyong mga baril.” utos ni Jaoquin na siyang ginawa naman ng mga guwardiya.
Napahalakhak si Miguel. Ang misa ay hindi natuloy dahil sa pangyayari. Napahiya man si Miguel subalit ginawa lamang niya iyon dahil masakit sa kanyang nakikita na lumuluhod ang kanyang asawa sa harapan ng isang dela Concepcion.
“Sa susunod ay hindi na kita pagbibigyan pa, Miguel.” huling salita ni Jaoquin bago tuluyang nilisan ang plaza at sumunod sa kung saan tinungo ang walang malay na si Corazon.
********
Sunod sunod ang pagsampal ni Miguel kay Cuerva. Ang tahimik na mansion ng mga de San Antonio ay nabahiran ng mga hagulhol ng isang babaeng nasasaktan. Si Juan ay walang magawa na nakikinig lamang sa kanyang silid pati na rin si Doña Caridad na nasa salas. Si Don Ignacio ay wala sa kanilang tahanan.
Batid nilang napahiya si Miguel kung kaya’t binubuntong nito ang sama ng loob sa kanyang asawa.
“Ikaw ay walang kwenta! Ang pagluhod ay senyales ng pagkatalo! Dala-dala mo na ang pagiging de San Antonio kung kaya’t maging malakas ka!” sigaw ni Miguel sa nakahandusay na si Cuerva. Wala na itong lakas at bugbog sarado. Nang iwan ito ni Miguel ay agad ipinadampot ni Doña Caridad at ipagagamot.
*******
Pilit na iniwasan ng mga mamamayan na pag-usapan ang naganap sa harap ng simbahan. Ayaw nilang madalit sa gulo ng tatlong pamilya.
“Nawa’y naiintindihan mo na ngayon ang aking nais sabihin, Marites.” wika ni Rasilita. Nang mawalan ng malay si Constantina ay ito ang gumising.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...