KABANATA 29

14 1 0
                                    


“Nais kong maging asawa mo sa lalong madaling panahon at sa kahit na anong paraan.” walang paligoy ligoy na wika ni Constantina na ikinagulat ni Jaoquin at ng Ginoong nakikinig sa may damuhan.

Ang mga mata ni Jaoquin ay hindi mabasa. Ang kanyang mga tingin kay Corazon ay naaawa. Ano na lang ngayon ang pinanghahawakan ng Binibining kaharap? Ang mga dela Concepcion ay babagsak na nang tuluyan sa pagkawala ni Don Hernan. Napabuntong hininga si Jaoquin.

“Nais ko man Corazon subalit si ama ang magdedesisyon ng aking kasal. Kung kaya…”

“Kay Don Lucio ko dapat binanggit ang aking mga binigkas kanina. Kung gayun ay maaari mo ba akong samahan sa iyong ama?” pagputol ni Constantina kay Jaoquin na ngayon ay napailing-iling.

“Hindi papayag si ama lalo na kung makita ka niyang ganyan.” napakamot si Constantina sa kanyang ulo na siyang hindi kaaya-aya. Pinahid niya rin ang malalaking butil ng pawis sa kanyang mukha na siyang kinaawaang masyado ni Jaoquin. Alam nitong sobrang naguguluhan ngayon ang Binibini dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama.

“Tutulungan mo ako… dahil pinangakuan mo akong maging asawa mo. Hindi ba?” napahawak ang mga kamay ni Constantina sa baro ni Jaoquin. Ang mga kamay nitong maalikabok na may mga galos ang tumambad sa Ginoo.
Ang Corazon na siyang kaaya-ayang dilag noon ay nawala na, isa itong Binibining nasa binggit ng kabaliwan.

“Kung ako lamang ay papakasalan kita Corazon.” nahinto sa pag-alis si Juan mula sa damuhan ng marinig ang mga salitang ito.

“Kung kaya sumama ka sa akin upang ika’y aking mabihisan at haharapin natin si ama mamayang gabi.” gustuhin man ni Juan na pigilan ang alam niyang hindi si Corazon ay huli na siya. Tuluyan ng nakasakay ng kalesa si Constantina. Ang mukha nito ay talagang nagtitiwala at desidido sa kanyang mga balak.

“Ano na ang ating gagawin ngayon Rasilita?” mahinang tanong ni Juan sa kanyang sarili at tuluyang tinalikuran ang kalsada at nagmadaling pumunta sa mansion ng mga dela Concepcion kung saan naghihintay ang mas karumaldumal na balitang hindi niya inaasahan.




*******


Dalawang araw na ang nakalilipas. Ngayon ang libing nang mag-asawang dela Concepcion subalit ang kanilang anak ay hindi pa rin nagpapakita. Tanging ang kapatid ni Don Hernan, ama ni Anita ang nag-aasikaso sa burol. Ngayo’y naroroon ang halos lahat ng mga mamamayan sa bayan upang makiramay. Alam nilang mabuting tao si Don Hernan subalit mahina ito kung kaya’t ganito ang sinapit niya.

“Paanong natiis ni Corazong paghintayin ang kanyang mga magulang?” tanong ng isang nakiburol. Ngayo’y inihahatid na nilang magkasunod ang dalawang kabaong sa sementeryo.

“Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya ay mababaliw ka Ineng. Kaya naiintidihan ko ang kanilang anak.”

“Sa bagay, ang lahat ng iyong utusan ay nakulong at ang iba ay napaslang ganun na rin ang iyong ama at ang masama pa ay nagpakamatay ang iyong ina. Sino ang hindi mababaliw?” napangiti ng patago si Don Lucio sa kanyang naaalala.

“Nais ko pong ikasal kay Ginoong Jaoquin, Don Lucio.” bungad ni Constantina habang sila’y nasa hapag-kainan sa mansion ng mga de Labrador. Natigil si Doña Cristita sa narinig. Alam nitong hindi na papayag ang kanyang asawa sa nais nitong mangyari lalo na’t ang kanilang pamilya ay babagsak na.

“Ano ang aming makukuha mula sa iyo sa kasalang ito? Ang inyong kapangyarihan ay tila apoy na nasa ulan, hija.” napangiti si Constantina. Kanya na itong naisip.

“Sino ba ang magmamana ng boung kayamanan ni ama? Hindi niyo ata batid na ako at ako lamang ang naiwang dela Concepcion…”

“Naroroon ang pamilya ng kapatid ng iyong ama, hija. Tila sila ay iyong nakalimutan na.” pagputol ni Don Lucio kaya nanlaki ang mga mata ni Constantina. Iyon ang hindi niya napaghandaan. Paano kung ang pamilya ni Anita ang magmamana sa kanilang ari-arian at kayamanan?

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon