Sabrina's POV
Masakit ang buong katawan niya pero masaya siya nang magising.
Agad niyang hinanap si Gabin ng magising siya. Tumayo siya kipkip ang kumot para i-check sa banyo kung nandoon si Gabin. Pero wala ang binata.
Hanggang sa nakita niya ang perang na sa ibabaw ng kama. Nilapitan niya iyon. Napaupo siya sa tabi ng mga pera.
Bayad. Para sa bayarang katulad niya. Napaiyak siya. Akala niya makakausap niya si Gabin ngayon. Balak niya na sanang magpakilala dahil for sure naman makikilala at makikilala siya nito kapag nawala ang kalasingan nito. Pero mukhang wala itong pakialam sa isang katulad niya. Isang waitress sa bar na nagpapa-table sa mga costumer.
Umiyak siya nang umiyak hanggang sa makontento siya. Saka siya nag-ayos ng sarili. Naligo siya at nagbihis. Bumaba siya sa dressing room nila at kinuha ang mga damit niya at isinuot muli.
"Uy, Sab. Nagpa-take out ka kay pogi ka gabi?" tudyo ni Sasha - isa sa mga katrabaho niya at nakasama niya kagabi sa VIP room.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagbibihis.
"Mukhang malaki ang tip sayo ah," komento nito habang nakatingin sa costume niya kung saan nakapatong ang perang iniwan ni Gab. "Akala ko pa naman di ka nagpapa-take out. Sabi ko na e, may kalandian ka ring taglay."
Napahinto siya sa pagbibihis. Huminga siya ng malalim at tinapos ang pagbibihis saka dinampot ang pera at naglakad papalapit dito.
"Isa lang ang lalaking nilandi ko," mariing aniya dito. "Hindi mo ako katulad puro panganay ang anak." Iniwanan niya itong nakanganga sa dressing room.
Madalas itong magparinig sa kanya pero madalas na baliwalain niya. Ayaw niya ng may kaaway. Kaya lang hindi niya mapigilang mapagsalitaan ito.
Paglabas ng club ay sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa kanto ng iskinitang tinutuluyan nila. Bumili muna siya ng pandesal at peanut saka naglakad papunta sa inuupahan nilang bahay. Isang up and down, bato ang ibaba at gawa naman sa kahoy ang itaas.
"Nanay!" sabay na bati ni Gavin at Gabriel sa kanya. Ang apat na taong gulang na kambal na anak nila ni Gabin. Kamukhang-kamukha ng mga ito ang ama. Kahit sino sigurong kakilala nila ang makakakita sa mga ito ay paniguradong si Gabin ang ituturong ama. Parang may kumurot sa puso niya nang makita ang mga ito. Sa nakalipas na limang taon ang mga ito ang naging dahilan kung bakit kinakaya niya ang buhay na malayo sa pamilya at kay Gabin.
Nag-unahang lumapit ang mga ito sa kanya at nagsipag-mano.
"Nay, si Gavin itinulak si Patricia!" sumbong ni Gabriel na agad na ikinasimangot ni Gavin. Si Gabriel ang panganay sa dalawa at mas matured. Kaugali ito ng ama nito. Samantalang si Gavin ay mukhang sa kanya nagmana. Alaskador at maldito. Ginulo niya ang buhok ng dalawa.
"Totoo ba yon Gavin?" aniya sa anak. Agad namang ngumiti ito sa kanya at niyakap ang baywang niya.
"Sorry, Nanay..." malambing na anito. Naipaikot niya na lang ang mata.
"Kay Patricia ka mag-sorry, Gavin," aniya dito.
"Nag-sorry na po siya, Nanay," ani ni Patricia. Isang buwan lang ang tanda dito ng kambal. Nakangiti ito sa kanya. "Bati na po kami."
Napangiti siya sa anak ni Mickey.
Lumapit ito sa kanya at nag-bless. Kinarga niya ito at inakay ang dalawang anak niya papasok sa komedor. Abalang nagluluto doon si Mickey, si Jude naman ay nakaupo sa mesa at nagkakape.
"Morning," bati niya sa mga ito. Tinanguan naman siya ni Jude. Si Mickey naman ay nilingon siya at ngumiti.
"Morning, inumaga ka ata?" anito.
Ibinababa niya si Patricia sa kandungan ni Jude. "Nag-meeting e," katwiran niya. Inilapag niya ang pinamili sa lamesa saka hinarap ang mga anak. Hindi niya magawang tumingin sa mga ito. Feeling niya malalaman ng mga ito ang kagagahang ginawa niya. "Nag-milk na ba kayo?" tanong niya sa mga anak. Sunod-sunod naman na tumango ang mga ito.
Naupo siya sa tabi ng kinauupuan ni Jude. Ramdam niya ang paninitig nito sa kanya. Nagpatay malisya siya. Kaya nagulat pa siya ng hinawi into ang buhok niya.
"Love bite," anito na nakangisi sa kanya.
"Ano?!" biglang napalingon sa kanya si Mickey. "Anong sabi mo?" anito kay Jude.
Nangalumbaba naman si Jude at nakangising inginuso siya. Sarap tampalin!
"Kako may love bite yang kapatid mo," ani pa nito.
Nagmamadali namang lumapit sa kanya si Mickey at hinawi ang buhok niya.
"Gaga ka no!" Dinuro pa nito ang sentido niya. "Sa'n galing yan?" galit na ani ng kapatid niya at namaywang pa sa harapan niya.
Napangiwi naman siya sa nakikitang galit nito. Sa nakalipas na taon, ito ang tumayong ate sa kanilang dalawa kahit na mas mukhang malusog siya dito.
"Kagat lang yan ng lamok," palusot niya saka inipon ang buhok sa parte ng leeg niya kung nasaan ang love bite niya.
"Ang laking lamok naman niyan... " nanunudyong sabat ni Jude.
Pinandilatan niya ito. Binalingan naman niya si Mickey. Matiim itong nakatingin sa kanya.
"Nagkita kayo no?" seryosong tanong nito.
Napalunok siya.
"Nino?" pagpapatay-malisya niya. Nakipag-unahan siyang dumampot ng tasa ng kape kay Jude at mabilis na tinungga iyon.
"Ni Gabin, Gabino Melchor."
Muntik na niyang naibuga ang iniinom. Napaka-galing naman nitong manghula.
"Sinasabi ko na nga ba e, O paano? Susunduin niya na ba kayong mag-iina?"
"Susunduin ka dyan... " mahinang bulong niya.
"So, hindi pa?"
Hindi siya naka-imik. Ang lakas talaga ng radar ng babaeng to. Daig pa detective kung magtanong sa kanya.
"Kailan daw?" tanong pa uli nito.
Nagkibit-balikat siya. Ano ba naman kasi ang isasagot niya dito? Na nakipag-sex siya sa tatay ng mga anak niya kahit hindi nito alam na siya talaga ang ka-sex nito at ni hindi niya din alam kung babalik pa ito?
Pero kung gugustuhin niya madali namang hanapin ito. Umuwi lang siya ng San Ignacio paniguradong makikita niya na ito.
Kaya lang anong mukhang ihaharap niya dito. Sa nakikita niya mukhang malapit na nitong matupad ang pangarap nito. Siguro'y nakapagtapos na ito ng college sa New York. E, siya? Serbedora sa isang bar.
Bigla siyang nanliit. Ni hindi siya nakatuntong ng kolehiyo. Ni wala siyang matinong trabaho. Paano kung sumbatan siya nito? Saka handa na ba siyang aminin na may anak na sila?
"Hoy kailan daw?" untag sa kanya ni Mickey.
"Hindi... Hindi ko alam... "
"Ay tanga!" inis na palatak ni Mickey sa kanya saka ipinagpatuloy ang pagluluto.
Napayuko siya at napakagat-labi para pigilin ang mapaiyak.
"Nay... " tawag sa kanya ni Gavin.
"Bakit anak?"
"Sino si Gabino Melchor? Bakit pareho kami ng name? Tatay ko ba siya," sunod-sunod na tanong ni Gavin sa kanya. Sa kambal ito ang madalas na maghanap ng ama.
"Naka!" palatak ni Jude saka kinarga si Gavin kahit karga karga pa nito si Patricia. "Tayong maglaro sa taas?" aya nito sa anak niya.
Nakahinga siya ng maluwag dahil sumingit ito. Alam kasi ng mga ito na nahihirapan siyang sagutin ang mga tanong ni Gavin. Pag kasi naumpisahan na ang bata derederetso na ang pagtatanong hanggang sa maubusan ka na ng isasagot.
Lumapit naman sa kanya si Gabriel at hinawakan ang kamay niya. "Tulog ka na po, Nay," nakangiting anito sa kanya.
Hindi katulad ni Gavin, kahit kailan hindi pa siya tinanong nito tungkol sa ama. Parang kontento na ito na siya ang ama at ina ng mga ito, at si Jude. Si Jude na ang tumayong ama sa mga anak nila ni Mickey. Malaki ang utang na loob niya kina Mickey at Jude dahil ang mga ito ang tumulong sa kanya noon kahit na napilitan lang ang dalawa na isama siya.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
Любовные романыLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...