Chapter 2

179 8 0
                                    

"Where are you, darling?" Dad asked on the phone, katatapos lang ng last subject ko ngayon and I texted him na pauwi na ako kaya naman tinawagan ako ni Dad.

"Palabas na po ako ng gate, dad." I answered while walking through the hallway marami naring estudyante ang pauwi na rin.

"Okay, Im just outside waiting." He said.

"Puntahan nalang po kita, dad. I love you."

"I love you too, darling." Tapos ay binaba ko na ang tawag at inilagay na sa bag ko ang phone.

Pagkalabas ko ay inilingat lingat ko pa ang tingin ko para hanapin ang sasakyan ni Daddy. Nang maaninag ko sya ay napangiti ako, nakasandal si daddy sa sasakyan at parang hinahanap din ako.

Kaya naman nag lakad na ako papunta sakanya, sa sobrang pagmamadali ko ay may nakabangga ako at nalaglag ang lahat ng dala nyang libro.

"Oh my God! Im sorry..." Natataranta kong saad at yumuko din para tulungan din sya sa pag pulot ng mga libro.

"A-ayos lang..." Nag angat ako ng tingin para makitang isang babae pala ang nakabangga ko. I look at her, she's wearing a thick eye glasses, at ramdam ko ang pagkakataranta nya sa kilos. Patayo na sana ako nang tumayo din sya, muntikan uli malaglag ang mga libro nya. She looks so scared, na parang may humahabol sakanya.

"S-sorry ulit." She said then nodding her head.

"Are you okay, miss?" I worriedly asked. Tumingin naman sya saken kaya nakita ko ang takot sa mga mata nya.

"O-opo s-salamat." Hindi na ako nakasagot dahil bigla na syang tumakbo ng mabilis. Tiningnan ko pa ang papalayo nyang bulto.

I shrugged then walk again.

"Habulin nyo dali! Hindi pa nakakalayo ang magnanakaw na bruha'ng yon!!" Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang ale na may kasamang tatlong lalaki na tumatakbo din.

Nagkaroon ako ng ideya kung sino ang hinahabol nila. That girl.

Should I help her? Pero anong gagawin ko?!

But they said she's a thief.

Hays bahala na nga ayoko na lang makialam.

Naglakad na ako, nakita kong nakita na ako ng Daddy kinawayan nya ako at ganun din ang ginawa ko. Ngumiti ako ng malapad, kaya naman sa palagay ko ay lumalabas na ngayon ang mag kabila kong dimples.

Agad kong niyakap si dad nang nasa harapan ko na sya, natawa naman sya sa ginawa ko.

"Mukhang namiss ako ng paborito kong anak ah?" Napasimangot naman ako sa sinabi nya.

"Dad im your only daughter." Natawa ulit sya sa naging hitsura ng mukha ko.

"I was just kidding, smile ka na uli darling. Daddy wants to see your beautiful smile and your cute dimples." Ginawa ko ang sinabi nya, tinusok pa ni dad ang magkabila kong dimples.

Nang nasa byahe na pauwi ay panay lamang kaming naguusap ni Daddy.

"Wag ka muna mag boyfriend anak ah? Daddy's not yet ready." Dad said, natawa naman ako.

"I know dad, wala pa po sa plano ko yung ganyan. May promise pa po ako sainyo diba?"

"Good to know that, darling. Love can wait, but you can tell to Daddy naman if there's someone planning to court you okay?" Napasinghap naman ako.

"Daddy wala naman po!"

"Its impossible Ysla, ang ganda ganda ng anak ko. Blue eyes at may dimple pa!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Dad. That's the reason why I love the both of them, they always feel me special. Walang kulang sa pagmamahal nila para sa akin. Kung tutuusin nga ay sobra na at wala na akong mahihiling pa.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon