CHAPTER. 1

2 1 0
                                    

May buhay o wala dedma ko sayo kapag di kita kaaano ano. Buhay ng may buhay dedma din ako dyan. Maybuhay naman ako. Mas maganda kasing dedmahin na lang yung mga nasa paligid kaysa pansinin o pakialaman diba?kung hindi ka naman inaano. Stress kana nga sa buhay mo, maiistress kapa ba sa buhay ng iba? Mahhh ghad! Di naman ako sa walang paki alam sa kapwa o ano. I tatama ko lang pagiging ma dedma ko sa paligid ko. Ano bang pwedeng example? Siguro halimbawa na lang nung isang araw na breaktime sa school tapos naka sabay ko mga kaklase ko.

Nasa hapag kainan kami non tapos meron akong ka-klase na todo kwento ng lovelife nya. So tinanong ko ba? Kwento nya pa. Kesyo nahuli nya daw may babae boyfirend nya. Paulit ulit nya pang na ikukwento yan. Ang take note, may pa luha luha pa. Best actress! Di naman namin natanong lahat Kwento ng kwento. Paulit ulit na lang. E kung dispatsyahin nya shota nya. Edi tapos ang problem diba?! Marami pang chika yan wala namang katuturan. Kulang na lang ipaalam kung anong suot na panty at bra. Minsan pa kapag nag kukwentuhan kami isisingit nya buhay nya wala namang konek don sa topic para mag mayabang lang. Ayan, yang ganyan. Isa na yan sa mga denededma ko.

Pero kapag naman may katuturan kahit papaano inilulugar ko pang dededma ko. Halimbawa ng sa mabibigat na problema ganon. Pwera na lang kung hihingan ako ng tulong. Katulad na lang nito.

Klase ko non sa The life and works of Rizal. Nang ma ihi ako, kaya nag may I got out muna ako. Nung makarating ako sa Cr. Pumasok ako sa walang taong cubicle. Syempre napapa pikit ako sa sarap na lumalabas saaking likido. Opsss! Ano ba! Ihi ang ibig sabihin ko. Ano akala nyo? Syempre diba pag ihing ihi kana tapos biglang sirit ang sarap sa pakiramdam? May pa kilig epek pa.

O ito na nga. Syempre habang umiihi ako, may narinig akong hikbi sa kasunod na cubicle na pinasukan ko. Akala ko minumulto lang ako kaya dedma. Tapos palakas ng palakas yung hikbi hanggang sa maging ngawa. Kaya na pag disiyunan kong yumuko para makita kung may tao nga. Hindi ako nag kamali may paa akong nakita. Pero hindi sya naka upo sa inidoro na nasa cubicle. Naka tayo lang sya. Tapos dinedma ko na ulit. Kasi tao naman yung imiiyak. Malay ko ba kung bakit umiiyak yon?

Tapos na ako umihi at na ibaba na yung palda ko kaya lumabas na ako at nag hilamos ng muka. Tapos yung kaninang babaeng umiiyak sa katabing cubicle na pinasukan ko lumabas na din. At kaklase ko pala sya. Nanlaki yung mata nya ng nakita nya yung repleksyon ko sa salamin na nag pupunas ng basang muka. Saglit ko lang syang tinignan kasi nga dedma nga ako diba? Pero nakita ko agad kung gaano ka pungay mata nya. Parang sabog lang.

Lumapit sya sa lababo at nag hugas ng kamay. "Dana..." Hindi ako umiimik. Patuloy lang ako sa pag sasalamin. "Ano gagawin mo kapag..." Alam kong may problema sya. Pero hindi ko naman alam sulusyunan yan kung hihingi sya ng payo ko. Dahil hindi ko alam kung ano ang pinag ugatan ng problema nya.

"Bianca hindi ko alam kung ano gagawin." Paalis na ako ng bigla syang mag salita.

"Kapag nabuntis ka ngayon?" Kaya napahinto ako ng di oras. Naka talikod na ako sa kanya. Pero kahit na naka hinto ako ngayon hindi ko magawang layasan sya dahil sa sinabi nya. Wala dapat akong pake alam pero dahil sa boses nya na depress na depress na hindi ko magawang umalis.

"Tapos iniwan ka ng naka buntis sayo?Dana ano gagawin mo kung ganon? Anong gagawin ko?" Hindi parin ako lumingon sa kanya pero alam ko sa boses nya na ngumangawa na sya.

"Tu-tulungan moko. Alam kong ikaw lang yung makakapag tago nito kaya sayo ko sinabi. Hindi ko na din kayang sarilinin. Hindi tayo ganon kaclose pero alam kong matataguan ka ng sekreto."

Ayan yung pangit sa iba e. Mabilis mag tiwala sa tao? Yung tipong magaan lang loob mo o naka gaanan mo lang ng loob may tiwala na agad? Lumingon na ako. Ngayon ko tinignan ang kabuuan nya.

Gusto kong sabihin sa kanya na: bakit kasi nag paputok ka sa loob?!

Ang landi mo kasi nag pa tira ka ng sagad!

Gagawa gawa ka ng bata hindi mo naman pala alam gagawin mo.

Pero hindi ko na kayanan dahil sa itsura nya. Napansin kong malaki yung pinayat nya. Depress na depresse ang babaita. At malay ko ba nag mahal lang naman sya. Kaso ang tanga nya parin. Napaupo na sya sa sahig ng Cr at napatakip na sa muka habang umaatungal sa kakaiyak.

"Di ko alam na iiwan nya ko pag katapos ng lahat Da-dana. Hindi ko alam." Hayop talaga yang mga lalaking ganyan! Dapat pinuputulan ng eggplant yan e! Jusko kung ako dapat kay bianca pinutalan nya e.

Naawa ako sa kanya pero hindi ko pinapakita. Ayoko kasi, alam kong lalo syang pang hihinaan ng loob kapag ganon. Lumapit ako tapos umupo din sa tabi nya. "Girl? Kailangan mo ng tulong ko sabi mo diba?" Sinugurado ko muna syempre bago ako tumulong. Mahirap na baka sabihan kapang paki alamera ka sa may buhay na may buhay no?

"Tulungan moko."

"Putulan mo ng eggplant." Bigla naman syang napa hinto sa kakangawa tapos na ngunot yung noo. "Charot lang. Ano kaba. Pero kaya mo ba yon? Try natin."
Tapos non napa ngisi sya ng kaunti.

Atlis! Ayokong sabayan yung kadramahan nya. Jusko! Kaya nga nang hihingi sayo ng tulong yung tao e. Para damayan mo. Damayan mo hindi yung ka dramahan nya. Kundi sa problema. Tulungan mong mag ka sulusyon. Hindi yung umiiyak na nga papa iyakin mo pa dahil sa mga advice mo. Dehydrate labas nyan gurl. Kung gusto mo tulungan mo na ding mag patiwakal.

"Kita mo. Ngumisi ka ibig sabihin nyan may sulusyon dyan sa problema mo. Kaya wag kang iyak ng iyak dyan. Siguro ilang araw kan umiiyak no?" Napa yuko sya dahil sa sinabi ko.

"Kaya. Kaya wala kang naiisip na sulusyon. Wag kasi puro ngawa. Alam kong wala ko sa sitawasyon mo pero try mong wag puro ngumawa gurl. Tama na yung isa dalawa hanggang tatlong iyak lang."

Kapag may nang hihingi saakin ng tulong ayokong ma touch sila dahil sa payo ko. Iiyak lang ulit yan alam ko kapag ganon. Gusto kong i angat sila.

"Tapos non isip kana ng sulusyon sa problema mo. Iiyak ka? Bakit kasi iniwan ka? Pakita mo sa kanya na hindi ka naging loser sa pag iwan nya sayo. Ipakita mo na nag papasalamat kapa."

"Masisikmura mo ba na may tatay ang anak mo na Gago? Kaya tumayo ka dyan." Tumayo ako at nung makita kong hindi pa sya tumatayo dahil naka tunga- nga lang sya sakin. Napairap ako tapos  kumuha ako ng manipis na hibla ng buhok nya at hinila ko yon pa angat pero di ganon kalakas. Kaya ayon napa tayo sya.

Ayan na, ipinaliwanag kona kung paano ko inilulugar yung pang dedma ko. Gusto mo nang tulong ko? Sige tara. Basta siguraduhin mo lang na yung problema mo o yung sasabihin mo may ka tuturan. At kilala kita.

Pero bakit sa isang iglap may hindi ako dinedmang tao na wala namang katuturan yung mga pinag sasabi O yung ginagawa? At ito pa.Wala namang papel sa buhay ko? Ano na nang yari sa pagiging ma dedma ko? Pilit ko mang dedmahin yon wala paring saysay.

A/N: HOPE YOU LIKE IT! We

DEDMA NGA BA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon