Chapter 56

339 5 0
                                    

Avie's pov

"Wedding day mo na ...Sana ngayon Makita ko Yung kasiyahan sa mukha mo Avie dream mo ito Hindi ba?"

Nakaharap ako sa salamin habang nakangiti sa akin si Verah at inaayos Ang Veil na suot ko

Hindi ko Alam Ang pakiramdam ko ngayon pero...

Halos kinakabahan ako sa buong oras na nakaupo sa harapan Ng salamin

"Kinakabahan ako Verah... kakaiba pala Ang pakiramdam kapag ikakasal na

Masyadong marami Ang bisita atsaka baka pag usapan ako Ng ibang kaibigan Ni Ariston "

Hinawakan niya Ang balikat ko at iniabot sa akin Yung Mint Candy na nakalagay sa maliit na lalagyan

"Kainin mo iyan naaalala ko pa kapag poetry recital kinakabahan ka pero nawawala Ang kaba mo kapag nginunguya mo iyan

Sure ako na makakatulong sa iyo Ang pagkain Ng mint

Ito Ang araw mo...at ayaw ko na kabahan ka ngayon Hindi mo na Rin kailangan pa na isipin Kung may masasabi man sila sa iyo

Hindi nila pwedeng siraan ka sa mismong kasal mo tandaan mo magiging Mrs.Villafuerte ka na at Hindi mo dapat ikatakot Yun Ng sobra

"Tama ka Ito nga Ang Araw na pinakahihintay ko "Hindi ko na mapigilan Ang umiyak Ng mga oras na Yun

"Ang buong akala ko Verah Hindi na mangyayari pa Ito pero heto ako ...ikakasal na nga talaga ako "

Inabutan niya ako kaagad Ng tissue "Ano ba Avie huwag ka ngang umiyak Diyan kasal mo ngayon masisira make up mo ano ka ba Naman "para kaming mga tanga na nagyayakapan at nag iiyakan dun sa dressing room siguro Dahil sa pareho na namin nakamit Yung kasiyahan ...Lalo na Natupad Rin namin na ikasal sa mga taong mahal namin

"Bwisit na iyan bakit ngayon pa Tayo nag iyakan para tuloy tayong mga tanga"Saad Ni Verah

Biglang bumukas Ang pintuan at bumungad si Monique na akala mo ay rarampa sa runaway tinalo pa Kasi Ng waistline niya na sobrang liit Ang sa Amin Ni Verah

"Ano ba Naman itong nadatnan ko dito? dito pa talaga Kayo nag emote  magkaibigan haaay bakit ba napakadrama niyo?tssss.umayos na Kayo diyan hinihintay na si Avie sa  simbahan"

"Bakit ka Ganyan Monique di ka ba nakakarelate sa pinagdaanan namin dalawang magkaibigan sobrang saya lang Kasi namin"Sabi ko sa kanya pero nagtaray Lang siya at nagmamadali na inayos ulit Yung make up ko Dahil nagulo na daw Yun Ng kadramahan namin Ni Verah

................................................................

"This is it totoo na talaga ito"bulong ko habang naglalakad papuntang altar nakikita ko Mula dito silang lahat

"Nami!!!"napalingon ako Ng marinig Ko si Chance na tinatawag ako nakangiti siya kahit medyo bungi Yung mga ngipin niya nakasuot din siya Ng suit na katulad Ng Kay Ariston

Nilapitan niya ako at niyakap bago pa man ako makaakyat sa itaas Ng altar

"Nami niganda mo"bungad niya sa akin

"Thank you Baby Chance"

"Nami may nisasabi ako sa iyo ha nibubulong ko Lang sa iyo"

Lumebel ako Lalo sa kanya at inilapit Ang tainga ko sa bibig niya

"Nami...nisabi Ni Dada I love you...atsaka nisabi niya na nisagot ka daw mamaya Ng I do" bulong niya bigla siyang ngumiti habang itinatakip Yung dalawang maliit niyang kamay sa bibig niya

"Nami ikiss mo si Dada please?"bulong pa niya

Napakapilyong Bata talaga

"Okay Baby"inakay ko siya pabalik sa upuan niya at ako Naman ay tumuloy sa kinaroroonan Ni Ariston nakangiti Lang siya habang nakatingin sa akin

Till We Meet...Again(Wounded series No 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon