Dara's POV
2 weeks later....
Naging maganda naman ang takbo nang pagpaplano namin para sa darating na Christmas Party. Napapadalas din ang pagbisita nang Big Bang dito saamin dahil na din sa pagoorganize namin. Kaya, more chances na nakikita ko sya.
Okay fine, hindi ko alam ang dahilan pero gusto ko na syang laging makita. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko sya nakikita or nakakatext. Siguro, crush ko na sya! Wag exaggerated CRUSH muna bago MAHAL! OKAY?
Sinabi na namin sa staff nang YG ang plano namin and they agreed. Sila na ang bahala sa pagaayos nang venue at iba pang materials na kailangan. Gumawa na din kami nang mga invitations. Sinigurado naming dapat lahat ay mabigyan.
Color blue ang theme kaya dapat lahat nang aattend ay naka blue. Napili naming si Minzy and Seungri ang maghost tutal parehas naman silang talkative. 2 days na lang ay christmas party na kaya busy kaming lahat sama po ang upcoming concert namin dito sa Seoul.
"Tara na!" tawag sakin ni Chae dahil aalis na kami para pumunta sa isang Mall Tour.
"A-ah! S-sige, susunod na ako!" lumabas na sila at pumasok ulit ako sa kwarto para kunin ang sweater ko. Lumabas na uli ako at dumeretso na sa parking lot.
COEX MALL
Matapos naming kumanta nang isang song ay pinromote na namin ang upcoming concert namin dito sa Seoul. Nakakatuwa naman dahil ang init nang pagtanggap nang BlackJacks samin. Love ko sila super!
Natapos ang mall tour namin at dumeretso na kami sa Busan para naman sa isang Fan Signing Event. Natapos ang lahat nang schedule namin at pagod na pagod kaming umuwi. Tiningnan ko ang phone ko pero wala man lang message o tawag galing kay GD. Teka? Bakit nga ba ako nagaalala kung wala syang text or call? Haysss.
---
---
Nagising ako at nakita kong 10am na nang umaga. Tiningnan ko ulit ang phone ko pero no response pa din from him. Hays Dara! Bakit ka naman nya itetext palagi. As if na girlfriend ka nya. Naalala ko tuloy nung nasa dance studio kami. Sinabi nyang napapagod na syang magmahal. Siguro nagkabalikan na sila nang girlfriend nya! Hayss.
Buti na lang at wala kaming schedule ngayon. Kailangan kasi naming maghanda para sa event mamaya. 8PM ito magsastart pero kailangan naming mauna dun para masigurado na ayos ang lahat.
Lumabas na ako at nakita kong nasa Living Room sila at nanunuod nang TV.
"Goodmorning Bru!" Bati sakin ni Bommie.
"Bru ka dyan!" Sabay siksik ko sa kanila. Nanunuod kami ngayon nang isang Fashion Show! Naagaw ang atensyon namin nang banggitin ang isang babaeng from Korea. Kababayan!
"Here is our next model. One of the most prestige model in our modern era! Ms. Kiko Mizuhara. She's half korean and half American. She's wearing White Elegant dress." sabi nung Host sa TV.
Mas lalo kaming nagulat nang biglang itapat ang camera sa mga viewers! At unti unti itong zinoom at nagulat kami sa nakita namin.
"Oh, si Jiyong Oppa yan diba?" Gulat na sabi ni Minzy.
"O-o nga!? Anung ginagawa nya dyan?" tanong ni Chae.
Maski ako ay in state of schock din. Anung ginagawa nya dyan? Hindi ito LIVE at Replay lang ito. Sa pagkakaalam ko ay kahapon ito inaired. Hindi nga ako nagkakamali. Si Jiyong nga yung nasa screen namin ngayon at pumapalakpak.
Matapos ang runway ay ininterview ang mga models. Unang ininterview ay yung si Kiko! Tsk.
"You look pretty today Ms. Kiko Mizuhara!" Host.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)
FanfictionHanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the world. Would they dare sacrifice while its still early or just let it be hidden. And when she rea...