: Day 0 : The Start of the Plan

43 1 0
                                    

GUARD:  Good morning Sir. Deposit po or Withdrawal?

Sumulyap ako sa loob ng bangko.

Buti kakaunti lang ang tao. Mukang kakayanin kong mag magperform dito ng hindi masyadong kinakabahan.

MANG CHI: Mag oopen sana ng savings account para sa anak ko.

Umakbay si Mang Chi sa akin. Parang anak niya talaga ako. Halos hindi na nga ako makahinga sa higpit eh.

GUARD: Ah ganoon po ba? This way na lang po Sir. Diretso na lang po kayo sa teller. Wala naman pong pila eh.

AKO: Sige po salamat. 

Nginitian ko na lang yung gwardya para hindi halatang kabado ako.

Napaka kalmado ng ambience dito sa loob. Mas malamig din dito kesa sa sinasakyan naming van kanina. 

Konting hakbang pa. Sinalubong na kme ng teller.

TELLER: Good morning po Sir. Dito po tayo. Upo po kayo.

Umupo kami ni Mang Chi sa magkatapat na silya.

ngumiti 'yung teller sa amin sabay tanong.

TELLER: andyan na ba sila Mang Chi?

MANG CHI: Oo andyan na. Papunta na rin yung iba. (Huminto si Mang Chi sa pagsasalita at tumawa) May fifill upan ako di ba?

Ngumiti uli yung teller. Sabay abot ng apat na piraso ng papel. Sinagutan ni Mang Chi ang mga nakalagay don.

TELLER: May tiwala ako sa inyo Mang Chi.

Sumeryoso bigla 'yung mukha nung teller.

Ibang iba iyon sa mga ngiting pinakita nya kanina.

Nasa ikatlong papel na si Mang Chi.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at gagawin ko na ang part ko sa planong ito. Dinala ko sa kaliwang kamay ang bag ko, Sa kanan naman yung notebook. This is it! It's gametime.

Lumapit ako sa gwardya.

AKO: Saan po ang Cr.

Itinuro sa akin ng gwardya kung saan banda yung CR. 

Habang kinakausap ko yung gwardya. Natatanaw ko sa kalayuan ang dalawang taong papunta sa sa mismong pinto ng bangko. Nakabonnet. Akala mo mga goons sa isang pelikula.

Nagmadali na akong pumunta ng Cr.

Sa paglalakad ko. Napasulyap ako sa digital clock ng bangko.

10:58 na pala.

Bilis. Kaylangan nang magmadali.

Nang malapit na ako sa Cr.

"HOLD UP ITO!"

Bumagsak na lang yung gwardya sa sahig at nawalan ng malay. Sila Mang Jun na yon. Boses niya yun.

KUYA MEL: WALANG KIKILOS NG MASAMA! PERA LANG ANG HABOL NAMIN. HUWAG NA NATING HAYAAN NA MAGKASAKITAN PA TAYO. SUSUNOD LANG KAYO SA MGA SASABIHIN NAMIN. HINDI NAMIN KAYO SASAKTAN. BASTA MAAYOS ANG TRANSAKSYON NATIN.

Umaalingawngaw ang boses ni Kuya Mel. Umaabot hanggang dito sa CR.

Dali dali na akong nagpalit ng damit at isinuot ang bonnet para matakpan ang mukha ko.

Iniwan ko muna sa isang cubicle ng cr ang dala kong bag at ang notebook.

Paglabas ko ng Cr. Nakita kong nakadapa na lahat ng tao. Bumaling ako ng tingin kila Mang Chi. Nakadapa na din silang dalawa ng teller. Lumapit ako kay Kuya Dong.

KUYA DONG: Bata! Kayo na bahala sa kaha. Kuhain ninyo lahat ng kaya niyong kuhain. 

_____________________________________________________________________________

PLEASE DONT FORGET TO LEAVE COMMENTS.

-CHLEI

On The Hands of the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon