"Faye, huwag mo akong kulitin ha? Sinabi nang ayoko...ayoko! Mahirap bang intindihin 'yon?" Asar na pinunasan ni Camille ang pawis sa noo. Muling tumutok ang konsentrasyon sa granite na pinupukpok ng hand hammer.
"Please naman friend! Isang linggo lang naman ang hinihingi ko. Pagkatapos no'n, okay na! Balik sa dati ang lahat." Lumapit ito at niyugyog siya sa balikat kaya naman nabibitin at naaantala siya sa ginagawa. "Sige na..." ungot pa nito. Di matuloy-tuloy ang paghataw niya sa dulo ng cape chisel dahil sa pag-alog nito.
Pumiksi siya nang magsimulang makaramdam ng yamot. "Ikaw ang pupukpukin ko diyan. Magtigil ka!"
Sumibi ito na tila paslit. Isang manerismo na madalas nitong gawin kapag hindi napagbibigyan. Sa apat na taong pinagsamahan nila bilang magkaibigan at magkaklase sa unibersidad na 'yon sa Italya, isang konklusyon lang ang nabuo sa isip niya sa pagkatao nito. Dakilang bratinela at primadona. Taliwas sa pagiging cowboy at pagiging independent niya. Pero di iyon naging daan para kainisan nila ang isa't-isa. Siguro 'yon ay dahil sa pareho silang purong Filipino sa dayuhang bansang 'yon.
"You are my one and only best friend in the whole wide world. Out of all the seven billion people on the planet, I chose you Camille Salonga," pagdadrama pa nito.
Nagkibit siya ng balikat. "O e problema ba 'yon? E di sa pitong bilyong taong 'yon, maghanap ka ng tutulong sayo. Spare me. I'm a busy person." Muli niyang itinuon ang pansin sa kaharap na bloke.
"Di ko naman sinabing pumatay ka ng tao para sa akin e! Tulungan mo lang ako. Kahit ngayon lang! Last na talaga 'to!" Suminghot ito. Isinubsob ang mukha sa kanyang likuran.
Hindi siya kumibo. Kapag ginawa niya, alam niyang matatalo siya. Di naman sa ayaw niya itong tulungan. Kaya lang ay napaka-komplikado ng bagay na gusto nitong ipagawa. Sising-sisi tuloy siya na nabanggit niya dito ang napipintong pagbabakasyon niya sa Pilipinas sa darating na buwan. Siya tuloy ang napag-initan nito.
Well, simple lang naman ang gusto nitong mangyari ayon na rin sa utak nitong hindi niya masakyan. Dahil sa totoo lang, walang simple sa pagpapanggap bilang ito at pagtayo sa lugar nito sa loob ng isang linggo. Di niya ugaling magsinungaling at lalong hindi niya kayang manloko ng ibang tao para lang sa kapritso nito.
"Promise! We are not going to be found out. Apollo—I mean my godbrother... we didn't saw each other for twelve years. Malabong natatandaan pa niya ang itsura ko."
"Malamang. Pero walang basta-basta makakalimot sa nakakaimbiyernang ugali mo. Duda akong hindi ka niya naging sakit ng ulo."
"Malaki ang iniunlad ng teknolohiya kasabay ng pagbabago ng mga tao. Ang train station, naging LRT. Si Rustom naging si Bibi. Ang apple, di na lang prutas at ang tablet, hindi na lang gamot," pagpapatuloy pa rin nito na tila di siya narinig.
Hinarap niya ito. "Anong tinutumbok mo?"
"Na si Camille Salonga ay puwede ring maging si Rie Faye Buenaventura!"
"Imposible. Kalokohan. Kabaliwan." Dinuro niya ang noo nito ng martilyo.
"Wala kang tutuluyan sa Pilipinas di ba? Kapos ka sa budget. Kapag nagpanggap kang ako, wala ka nang poproblemahin sa mga gastos mo. Don't worry about our relatives. They are all on Switzerland. Ang parents ko busy sa pag-aasikaso ng family business sa Sydney. Ang Mommy ni Kuya Apollo nasa isang fashion event sa Las Vegas. Sumatotal, siya lang ang makakaharap mo. Di kita ipapahamak. Isa pa ang tagal ko nang huling umapak sa bahay nila. Panahon pa yata ng Renaissance," pagbibiro pa nito.
"I'm not going to freeload on someone else's home! Plane ticket lang ang kailangan ko. Nagkalat ang trabaho sa siyudad."
Pumalatak ito habang napapailing. "It looks like I need to settle this on my last resort."
Pinamaywangan niya ito. "Kahit ano pang gawin at sabihin mo. Hinding-hindi ako papayag. Magpakatino ka Rie Faye—"
"Ibibigay ko sayo 'yung replica ng ivory statue ni Venus de Milo na napanalunan ko sa auction sa Milan!"
Napahinto siya sa litanya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ito. Sinisiguradong seryoso ang tono. Pamaya-maya pa ay kinuha niya ang kamay nito. "Deal!" mabilis pa sa alas-singkong pagpayag niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"She's allergic on peanuts. Her favorite color is pink. Kailangan ang kulay ng kurtina, kobrekama at unan niya ay pink. Iyon ang pinasasabi ng Ninang Carrie mo."
Apollo rolled his eyes as he lazily listened to his Mom's instruction on the phone. Nasa opisina siya ng mga oras na 'yon nang maputol ang konsentrasyon niya sa pagpirma ng mga dokumento dahil sa long distance call mula sa kanyang ina. "Really! Why in our house?"
"Who else? Ikaw lang ang kaisa-isa niyang puwedeng matuluyan diyan sa Pilipinas. Saan mo gustong tumuloy si Faye? I won't allow her to check-in on a hotel gayong napakalaki ng mansiyon."
"I can't take care of a brat Mom!" Sumasakit ang ulong napahilot siya sa sentido. Napakarami niyang problema na mas kailangan niyang intindihin at unahin. Ang pagiging guardian ng isang kinakapatid na nalimutan niya na ngang nag-e-exist ang huling bagay na gugustuhin niyang gawin.
"Phoebus Apollo!"
He sighed. Kapag ginagamitan na siya nito ng ganoong tono, alam niyang galit na ito. "Okay! Okay! Bukas ang bahay para sa kanya. Pero huwag niyong asahang mababantayan ko siya ng twenty-four hours."
"I won't ask you to do that. W-well... at least not for twenty-four hours. Kahit twelve hours lang hijo sa loob ng isang araw."
Anak ng patis! Tama ang namumuong ideya sa kanyang isip. "I'm not going to be a buddy nagger on her Mommy. Hindi ako baby-sitter. Isa pa may trabaho ako. Paano naman ang buhay ko?"
"After a week, she's going to Switzerland to meet her fiancée. Two weeks lang ang semester break niya sa school sa Italy. Naninigurado lang ang Ninang Carrie mo na walang mababakanteng oras para...p-para..." hindi na nito maituloy-tuloy ang gustong sabihin.
"Para ano?" Alam niyang may itinatago ito sa kanya. At hindi siya tanga para hindi magduda.
"Faye seems to have a boyfriend. Tinutulan 'yon ng Ninang Carrie mo dahil naipagkasundo na siya sa anak ng business partner ni Roel," tukoy nito sa asawa ng Ninang niya.
Kumunot ang noo niya sa inamin ng ina. "Bakit hindi sila ang personal na magbantay sa anak nila? And if Faye likes someone else, don't you think it's unfair for her to get married just for the sake of family business?"
Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Naikuwento sa akin ni Carrie na padalus-dalos sa relasyon ang batang 'yon. And I was so terrified to know that she got linked to an ex-convict and gold diggers. Alam mo naman kung anong estado ng pamilya nila sa lipunan. Kaya hindi mo masisisi ang Ninang mo sa pagiging overprotective kay Faye lalo pa't kaisa-isa siyang anak."
Gimbal siya sa narinig. "Si Faye?"Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng Mommy niya. "Hindi kaya OA lang ang parents niya? Ex-convict?"
****
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomanceHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...