"Sekretong pinaimbestigahan nila ang kinakapatid mo sa Italy. Lahat ng lalaking lumalapit dito at nakarelasyon nito. My God! That child is so naive and innocent. Kaya napakadaling maloko ng mga lalaking may masamang motibo."
Tumaas ang isang kilay niya. Naive and Innocent? I doubt it...
Grade four pa lang ito ay nakikipag-date na ito. Sa kanyang memorya ang Faye na natatandaan niya ay ang batang bratinela at kontrabida sa isang pelikula. Mataas ang tingin nito sa sarili. Mapang-insulto at masakit magsalita. Halos ilan sa mga niligawan niya noong kolehiyo siya ay sinukuan sa pagiging maldita nito.
Noong nagbakasyon ito sa kanila ay lagi itong nakabuntot sa kanya. Dahil sa batang 'yon, hindi naging makulay ang lovelife niya. At ngayong lumaki na ito, mukhang sakit ng ulo pa rin ang idudulot nito sa kanya. Kumusta na kaya ito?
Nine years old ito nang lumipat ang buong pamilya nito sa Sydney. Di niya na ito nakita pa buhat noon. Wala na rin siyang inintindi noon kundi ang Masterals niya sa Amerika kaya hindi na siya gaanong nakikibalita sa pamilya ng Ninang Carrie niya. Their family lost in touch with them. Ngayon na lang ulit nabanggit ng Mommy niya ang pamilya ng Buenaventura.
"Your Ninang Carrie and Tito Roel can't personally take care of her. Masyado silang busy sa ipapatayong resort sa Sydney. Kaya ikaw lang ang puwedeng gumawa nito anak. Alam mong ngayon na lang ulit kami nagka-usap ni Carrie matapos ang mahabang panahon. And I miss them so much. Lalo na si Rie Faye."
"Why is she taking a vacation here anyway? Bakit di na lang siya dumiretso sa Australia?"
"It's her choice. Ayaw ng parents niya na i-pressure siya. Kung magrerebelde ang batang 'yon bago man lang makaharap ang fiancée niya. Alam mong malaking gulo 'yon sa pamilya nila. Iyon ang iniiwasan ng Ninang Carrie mo."
Gigil na napahilamos na lang siya sa mukha matapos ang tawag. "Arggh!!! What a pain!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ah! I've had enough!" Patamad na isinuksok ni Camille ang folder sa trash net sa harap niya. Ilang oras niya na ring binabasa ang mga impormasyong ibinigay sa kanya ni Faye. She was on her flight right now way back to her homeland. Pitong oras na rin ang nakalipas mula nang lumulan siya sa eroplanong 'yon.
"Bakit ba ako pumayag?" bulong niya sa sarili.
Hindi ba't para sa replica ni Venus de Milo?
Abot langit ang tuwa niya nang mapasakamay niya ang sinasambang obra. Pero nang nasa himpapawid na siya ay saka naman tila siya naduwag. The whole thing that she's going to do was certainly not a joke. Nang sumang-ayon siya ay saka pa lang inamin ni Rie Faye ang dahilan kung bakit nais nitong siya ang pumalit sa puwesto nito sa pagbabakasyon sa Pilipinas.
It was so simple yet it irritated her that much. Pupunta lang naman ito sa Spain kasama si Mick para magliwaliw. Nakuha nitong magsinungaling sa parents nito para lamang sa sariling kapritso. At siya namang tanga na pumayag ay hindi na pinagtutuunan pa ang konsikuwensiya kung saka-sakaling mabuko sila.
But at the back of her mind, she was willing to help her when it concerns the relationship of her friend with Mick.
Of course not just because the statue of Venus. Well... maybe part of it.
Alam niya ang istorya ng pag-iibigan ng dalawa. Maging ang estado ng lalaki sa mga mata ng pamilya ni Faye. Kahit sino naman sigurong magulang ay tutulan ang taong nagkaroon ng record sa kulungan dahil sa pagnanakaw. But Mick was different. Marahil ay tinubuan siya ng simpatya para dito dahil sa pagiging kalahating Filipino nito. At nagawa lamang nito ang bagay na 'yon dahil nangangailangan ito ng pera para sa operasyon ng nakababatang kapatid.
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomansaHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...