Chapter IV- Terror at the Party
~Lah.nah.nah.nah.naaah… Lah.nah.nah.nah.naaaah… Lah.naaah… Lah.naaah.. dah.daaah…”
“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
“Jeanne! Jeanne! Anong nangyayari sa’yo?” ang maagap na tanong ni Kevin habang kino-comfort ng yakap niya ang dalaga.
“Nakakatakot ang mga tingin niya… Hindi niyo ba siya nakita?! Hindi niyo ba nakita ang batang iyun?! Nandoon siya sa likod ng pintuan! Maniwala kayo sa akin.”
“Jeanne, wala ngang bata dito!” ang sagot ni Claire.
“Ako na ang titingin…” ang pagbuluntaryo ni Martin.
Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa pintuan ng kusina na nakasandig sa dingding. Lumunok muna siya ng kanyang laway, batid niya ang kaba na nararamdaman dahil sa takot. Wala namang kurap-kurap sina Claire, Nadia at Kevin na nakatutok ang mga mata sa pintuan.
Hinawakan na ni Martin ang pintuan nang biglang may nagpakita sa harapan ni Martin na isang babaeng nakasuot ng lumang puting pangkasal at maputlang-maputla ang mukha. Isang… Isang… Isang white lady!
“AAAAHHHHHHH!!!!!!” mabilis na napasigaw si Martin at sa takot ay napaatras siya at natumba. Maging ang iba ay nagsisigaw sa takot, “…aaaahhhh!!!!!”
“Hey! Hey! HAHAHAHA!!! Hindi ko alam na magugulat ko kayo ng ganito! Hahahaha!!!”
“Sandali… ma?!” ang gulat ni Claire nang marealize niyang ang kanyang ina na naka-costume lang ang nagpakita sa kanila.
“HAHAHA! Look at your faces…”
“Ma…! Hindi nakakatawa.” Ang galit ni Claire at lapit niya kay Martin na natumba sa sahig.
“Okay na ako, Claire… Ikaw lang po pala yan, tita.” Sabay tayo agad ni Martin.
“Para namang nakalimutan niyo na ang party bukas ng gabi? Ano na nga bang nangyayari sa mundo ngayon? Ang mga kabataan na ang nakakalimot sa Halloween Party…? Ah! Claire, nahanda ko na pala ang susuutin mo.”
“Thanks, ma.”
At umakyat na ng stairs ang mama ni Claire.
“Sa tingin ko, we totally forgot about the party dahil sa mga nangyayari sa atin. So irony, holloween pa pala ngayon.” Ang sabi ni Martin.
“Jeanne, okay ka na ba?” ang tanong ni Claire tapos ay sabay sabay silang nagtinginan sa pintuan at ngayon ay naka-widely open na ang likod nito at mula doon ay wala silang nakita ni isang bakas man lang ng batang babae na sinasabi ni Jeanne. Patuloy lang sa paghikbi si Jeanne.
----------
Dumating ang gabi ng Halloween Party. Nagtipon ang lahat at kanya-kanya silang may suot ng nakakatakot na costume. Dinaos ang kasayahan sa bahay nila Kevin. Kevin’s dad is one of the richest man sa kanila and owns a big house na pwedeng maka-occupy ng maraming tao, kaya naman taon-taon dito dinaraos ang Halloween Party and some of the biggest events. Dumating na sina Claire at Martin. Claire wears a nursing uniform na may mga dugo all over her body samantalang si Martin is a vampire on his suit. Sinalubong sila ni Nadia who was a typical witch in her black robe and big black hat.
“Kamusta na si Jeanne?” ang kaagad naitanong ni Claire nang makalapit sila kay Nadia.
“Papunta na siya dito, kakagaling lang ni Kevin sa kanila para sunduin siya.” Ang sagot ni Nadia sabay ayos niya ng suot na salamin.

BINABASA MO ANG
Three Steps To HELL
TerrorHindi natin gusto ang mapunta sa impyerno, pero sarili nating galaw ang magsasabi kung pupunta ba tayo dito o hindi.