Chapter 46: Everyone Turned to Stone

1.3K 83 16
                                    

Chapter 46: Everyone Turned to Stone

Freya's Point of View

Lumabas ako ng cafeteria habang dala-dala ang nahanap kong I.D. ng estudyanteng si Luke Castillion. Nagpalinga-linga ako sa paligid at pilit na inalala ang itsura ng lalaking si Luke.

Hindi ako sigurado kung gaano karami ang estudyante rito sa Peritia na may pangalang Luke, ang alam ko lang ay isa siya sa mga Luke na hinahanap ko at kailangan kong makausap.

Hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko kay Luke, ang importante ay ang hanapin siya ngayon at sundin ang sinabi ni Aling Nemesis.

Ilang minuto kong tinakbo at nilakad ang paligid ng campus ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya makita.

Isa rin ito sa ipinagtataka ko, pamilyar si Luke sa akin at pakiramdam ko ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ito pero paniniwalaan at pagkakatiwalaan ko na muna ang instincts ko sa ngayon.

Ilang minuto pa akong naghanap hanggang sa sobra akong napagod. Hindi ko parin siya nakita.

Late na ako sa first subject ko sa hapon kaya hindi na muna ako pumasok. Sakto naman na malapit lang ako sa Peritia Park kaya pumasok muna ako rito at umupo sa stone bench.

Sa paligid ay may mga estudyante. Sobrang peaceful. Masaya sila habang nakukuwentuhan. Ang iba ay nagbabasa ng libro. May ibang grupo naman na kumakanta habang nagpapatugtog ng gitara ang isa nilang kasama. Tila mga normal lang kung titignan ang mga estudyanteng ito.

Tinitigan ko ang I.D. na hawak ko dahil hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa ito. Nakasuot ng makapal na salamin si Luke, medyo curly ang kanyang buhok. Medyo dilat ang singkit niyang mata sa litrato na tila nagulat pa ito sa pagkuha sa kanya ng I.D. picture.

Tumingin ulit ako sa paligid at hinanap si Luke pero pati rito ay wala siya.

Tinamad na akong pumasok kaya nakapagdesisyon na akong hindi na pumasok sa lahat ng subects ko sa buong hapon at tumambay muna rito sa park.

***

Three days passed. And up until now I still wasn't able to find that Luke. It was wearying.

Iginugol ko ang tatlong araw na iyon sa paghahanap kay Luke. 8:00AM ang first subject ko kaya bago mag-alas otso ng umaga ay pumupunta ako sa cafeteria at doon na nagbebreakfast. Para mahanap siya. Nawi-weirduhan na nga si Mitchie sa'kin dahil sa mga pinag-gagawa ko.

Sinasabayan niya naman ako sa cafeteria para naman daw may kasama ako. Tinatanong niya kung bakit ko ito ginagawa pero hindi ko siya sinasagot.

Kahit tuwing lunch at dinner ay sa cafeteria na rin ako mismo kumakain. Nagbabakasakaling makita ko ulit si Luke. Pero kahit hanggang ngayon, ika-apat na araw na paghahanap ko sa kanya, hindi ko parin siya nakita.

"Ang saya talaga ngayon, wala na namang pasok," nakangiting saad ni Mitchie at sumubo ng ulam. Walang pasok whole week sa school dahil simula na ng mga minor events ng Festives. Kaya medyo maingay at crowded din ngayon dito sa cafeteria.

Nakita ko ang isang babae na dala ang kanyang tray ng pagkain. Tinitigan ko ang plastic cup na may lamang softdrink. Saka natumba ang cup ng sofdrink na tila may tumulak rito. Napanganga pa ang babae.

"Sorry," bulong ko sa sarili at napasmirk pa.

"Nahanap mo na ba hinahanap mo Freya?" nangunot ang ko noo sa tanong ni Mitchie na ngayon ay may nginunguya. Wala akong sinabi sa kanya na hinahanap ko si Luke. "Hindi ko binasa utak mo, 'wag kang mag-alala. As if naman kaya kong basahin 'yang utak mo. Napapansin ko kasi na kapag nandito tayo sa cafeteria hindi mapakali 'yang mata mo. I mean, hindi ka naman ganyan dati."

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon