Jan Kemuel Point of View
"Tara kain muna tayo"
Hindi na niya ako inantay makasagot at hinawakan na niya uli ang kamay ko. Hila hila niya ako habang naglalakad kami hanggang sa makarating kami dito sa Kuya J. Paktay na! Wala akong sapat na pera pambayad dito. Kung hindi ako nagkakamali ay 75 pesos lang ang perang napagbilan ko sa yelo.
"Ako muna ngayon, sa susunod ikaw naman" sabi ni Shem sakin. Ibig sabihin may nextime pa. Ibig sabihin mauulit at lalabas pa kaming dalawa. Promise pag-iipunan ko, kahit maglakad nalang ako papasok sa eskwelahan gagawin ko makapag-ipon lang ako at mailibre ko naman si Shem sa susunod.
Hinayaan kong si Shem ang umorder ng pagkain. Gusto ko rin kasi malaman kung ano ang mga uri ng kinakain niyang pagkain. Kare-kare, sinigang at lumpiang shanghai ang inilapag ng waiter samin na may kasamang iced tea.
"Huwag ka ng mahiya sakin ha" sabi niya.
"Wait lang..." pigil ko sa kanya nung aktong magsisimula na siyang kumain. Bahagya akong nagdasal at nagpasalamat sa biyayang nasa harapan namin ni Shem.
"Okay na... kain na tayo" ngiting sabi ko naman sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Napansin kong hindi ginagalaw ni Shem ang gulay na nasa kare kare. Puro yung karne at sabaw lang kinukuha niya doon.
"Kumain ka nito. Masustansya ang mga gulay" sabi ko at nilagyan ko siya ng gulay sa plato niya. Kung si nanay ang kasama naming kumain sigurado papagalitan itong si Shem dahil sa hindi kumakain ng gulay. Saka sayang naman kung hindi kakainin. Ang mahal mahal ng pagkain dito tapos hindi niya kakainin. Kung ako kasama nito sa bahay puro gulay ang ihahain ko para masanay siya.
"Oyy! Ubusin mo to Kemuel oh. Ang sakit na ng tiyan ko" tukoy niya sa inilagay niyang lumpiang shanghai sa plato ko. Pinaubos ko kasi sa kanya yung gulay kaya sigurado akong busog na busog siya. Nagrereklamo nga siya pero hindi ako pumayag na hindi niya ubusin. Tinatawanan ko lang siya habang sinusubo niya yung petsay saka yung okra.
Ou Kuya Ron... Salamat.
Narinig kong sagot niya sa kausap niya sa cellphone niya. Mukhang pinapauwe na siya ng Kuya niya dahil tumawag na si Kuya Ron. Sayang gusto ko pa naman sanang magtagal pa kami ni Shem dito. Gusto ko pa maglakad lakad na kasama siya. Bago kami tuluyang lumabas ng mall ay dumaan muna si Shem sa Krispy Kreme. Hindi na niya hinayaan na ako ang magbitbit nun
Hindi na tinawagan ni Shem si Kuya Ron dahil paglabas namin ng mall ay nag-aabang na samin si Kuya Ron. Sumakay na agad kami at ipinatong ni Shem ang mga dala namin sa gilid ng sasakyan dahilan para lalong magtabi kaming dalawa. Tiningnan ko ang cellphone ko. Potek! 289 messages na yung laman ng group chat namin nila Rj at karamihan dun ay mention ng pangalan ko. Hindi ko na kasi napansin yun dahil sa busy ako kay Shem. O mas tamang sabihin na hindi ko talaga iniintindi ang cellphone ko dahil nakapokus ang lahat ng atensyon ko sa taong kasama ko.
"Bigay mo to kay Kean ha! Lagot ka sakin kapag hindi mo binigay yan" kasunod nun ay ang pag-abot niya sakin ng isang box ng Krispy Kreme.
"Salamat ng marami Shem... Kuya Ron dahan dahan lang po ang paandar, medyo madulas pa po ang daan" sagot ko at medyo umawang na ako ng kaunti mula sa sasakyan.
"Ay! Eto pala..." sabay abot niya sakin ng paperbag.
"Ba-bye. See you!" huling narinig ko sa kanya at kaagad ng umadar ang sasakyan nila.
"Galing kay Kuya Shem to Kuya?" masayang tanong ni Kean nung ibinigay ko sa kanya ang isang box na donut.
"Huwag mong itatapon yung box ha! Ibigay mo sakin pagkaubos ng donut!" bilin ko sa kapatid ko at dumiretso na ako sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang paperbag na hawak ko. Dahan dahan kong binuksan iyon. Dahan dahan talaga kasi ayokong masira yung paperbag. Yung ngang box ng donut balak kong gawing poster at ididikit ko dito sa kwarto ko eh.
BINABASA MO ANG
My No Ordinary Love
RomanceTunghayan natin ang simple at nakakakilig na love story ni Shem Keziah Santos (Habang inaantay ang "Ang Manliligaw Kong Bully Book 6). Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa mga inilalathala kong istorya. :)