Huling Pahina

40.2K 899 214
                                    

HULING PAHINA

Nanghihinang napaluhod ang kambal sa nakita. They saw a woman lying on the bed, lifeless.

"Ay kinginers! Ibang kwarto 'yung pinasukan niyo, gago!" Hatak ni Roleen kina Tyron at Tyler.

Nakahinga sila ng maluwag dahil sa narinig. Binalikan nila ang Doctor.

Agad itong kinwelyuhan ni Tyron. "Why didn't you tell us that it's not Chienne?"

Pinagpawisan at namumutla ang Doctor. "I was about to tell you that the patient name is Sunshine Mercado, Mr. Monteverde. But you cut me off and run to the emergency room.."

Mabilis silang pinitik ni Roleen sa tainga. "Pwede ba mag-chill lang kayo diyan! Mas lalo niyo lang pinapalala ang lahat!"

Napabuntong hininga na lang sina Tyron at Tyler sa sinabi ni Roleen but they followed her.

Umupo sila at nanalangin. They rarely do this pero ngayon ay hindi na nila alam kung sinong kakapitan.

Tumagal ng halos apat na oras ang operasyon bago lumabas ang Doctor. Mabilis na tumayo ang lahat.

"Who is the relative of Mrs. Chienne?"

"We are the husbands.." Magkapanabay na wika ng kambal.

Nagulantang ang Doctor. Ngayon pa lang siya nakakilala na dalawa ang asawa.. at kambal pa.

"Ehem, Doc, uso ang move on. Ano ng balita sa kaibigan ko?" Roleen interrupted.

Agad na inayos ng Doctor ang sarili. "Kailangan ng ilabas ang baby sa sinapupunan ni Mrs. Chienne dahil mas magkakaroon ng komplikasyon ang bata kung hindi. Nasa NICU na siya ngayon dahil premature si baby." Napabuntong hininga ang Doctor. "We remove the bullet, too. But we need to observe her if the gunshot wound have an effect in her other organs. Mrs. Chienne is lucky dahil walang natamaang kahit na anong vital organs or veins. We just need to patiently wait for her. Both of them are fighters, don't worry." Nakangiting wika nito.

Agad na nagpaalam ang Doctor. Sinabihan na rin niya ang mga ito na ililipat na si Chienne sa private room nito.

Walang nag-react sa sinabi ng Doctor. Lahat sila ay nabato balani.

Maya-maya ay sumigaw si Roleen. "Kyaah! Sabi ko na nga ba at shunga 'yung kinuha ng baliw na babaeng 'yun! Malakas ang kaibigan ko 'no! Kahit na sampong bala ay hinding hindi matutumba 'yun." Masayang wika niya. Maya-maya ay napa-iyak na siya sa sobrang saya.

Nagkatinginan ang kambal at nagyakapan. Pareho silang emosyonal dahil akala nila.. akala nila mawawala na ang babaeng pinakamamahal nila.

"Fuck, Kuya! I thought we would lose her again for the second time!" Umiiyak na ani Tyron.

"She promised to us, Ty. We need to believe her. We also need to believe in Him." Masayang wika ni Tyler habang umiiyak.

Ilang sandali pa ay nagyakapan ang limang magkakaibigan. Finally, it's over. It's fucking over!

Agad na sinabi ni Black na tinawagan na niya ang ina ni Kyla. Sinabihan din niya ito na kailangan na nilang lumipad kinabukasan dahil kung hindi ay mapapatay ang dalaga ng kambal. Lalo na sa sinapit ni Chienne ngayon.

Sinabi rin ni Black na nahuli na ang bumaril kay Chienne at nasa headquarters ito ni Black.

"Ako ng bahala sa kaibigan ko. Tatawagin ko kayo kapag nagising na siya." Nakangiting wika ni Roleen.

Kilalang-kilala na kasi niya ang mga limang lalaki. Paniguradong nangangati na ang mga kamao nila, lalo na ang kambal.

Mabilis na sumunod ang apat kay Black. Nasa sasakyan pa lang ay nakakuyom na ang mga kamao nila Tyron at Tyler.

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon