Author's note:
Lahat nang nababasa niyo sa istorya ko ay pawang imahinasyon lamang. About kay Dian masalanta at sa gubat fiction lang po yun :) //lablab// try ko po ilagay link dito (try lang..baka kasi di ko malagay sorry in advance kung hindi) enjoyreading //lablab//Pure coincidence po kung may napansin kayong pagkakahawig sa ibang story or incident or k-drama or drama (inspired lang sa k-drama) alam niyo naman ang kaibahan ng 'inspired' at 'copyideaachuchu' at alam kong wala pong bobo na readers 😊 unless kong iisipin mong kinopy ko yung idea sa k-drama..tanga ka kung ganun...//lablab//
Enjoy reading//SA BAR..//
Maingay,Amoy alak at madilim.
Alas-onse ng gabi sa Blue Bar nagtipon-tipon ang mga tao sa isang sikat na Bar. Sumasabay sila sa saliw ng nakaka-aliw na tugtugin. Hawak-hawak nila ang kani-kanilang mga alak at may kani-kaniyang ginagawa. Nakikipag-usap sa mga taong ngayon lang nila nakilala sa bar. Nakikisayaw, may iba pa na makikipag-makeout.Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay naroon ang lalaking si Kian may kagwapuhan,matangkad, napakasuwabeng makipag-usap sa mga babae. Hindi mo nalang namamalayan naka-iskor na sa pinopormahang babae.
"So saan tayo, your place or mine?" tanong ng isang seksing babae. Nakakasilaw sa gabi ang kulay dilaw niyang damit na hapit na hapit sa kanyang katawan.
"My place." ani Kian sabay tungga sa kanyang inorder na imported wine.
Sa di inaasahan ay lumapit siya sa mukha ng babae na ikinapula ng babae dahil sa naaamoy nito ang amoy hiningang alak ng lalaki.
"And yours." mas lalong ikinapula ng babae ang 'husky' voice ng swabeng si Kian.
"What do you mean?"
Ngumisi si Kian sa pamumula ng babae. "Bakit mo naman kasi tatanungin kung saan tayo kung pwede namang gawin natin sa place mo at sa akin. Pero siguro sa place mo nalang, baka mapagod ka sa akin." Napakagat-labi ang babae dahil sa itinatagong kilig.Mariin ang pagtitig ni Kian sa kaharap niyang babae. At tila ba habang tumatagal na tinititigan niya ang babae ay nabubuhayan ang pagkalalaki niya waring may gusto siyang gawin sa babae at hindi na siya makapag-hintay.
Sa sobrang excitement ay mas lalong lumapit si Kian sa kasama niyang babae at gusto niya na nitong halikan.
Ngumisi rin nang pagkalaki-laki ang babae at tila kinakabahan ngunit ginaganahan sa pangyayari at mangyayari.
Sasakupin na sana ni Kian ang labi ng babae ngunit biglang rumehistro bigla ang gulat sa kanyang mukha. Parang may kung anong pumalo sa ulo ng lalaki.
Lumayo bigla si Kian sa babae. "S-Sorry" lumunok laway siya at humingi ng tawad sa kasamang babae.
Naguluhan ang babae. "What? Bakit may problema ba?"
"W-Wala ho."
Tila nalito ang babae sa biglang pag-iba ng kilos ng lalaking nakilala niya na si Kian.
Lumayo ito sa kanya at nakayuko na mukhang nahihiya.
"Is there something wrong?" nalilitong tanong ng babae.
Nanatiling nakayuko si Kian at ilang Segundo bago pa sumagot sa babae. "Oo..pasensya na kailangan ko ng umalis." aniya at biglang umalis.
"Wait! Kian? may problema ba??!!" pagsigaw ng nalilitong babae nung tumakbo palayo si Kian.
Bumuga siya ng hininga sa kanyang palad at inamoy ito. Sa hinuha kasi niya'y kaya ito umalis bigla ay dahil sa hininga niya, baka daw nabahuan.
Sa kabilang dako nama'y nakayuko si Kian na nagtatakbo sa labas ng bar. Ayaw niya sa pangyayari. Sa isip nito'y bakit bigla ay narito siya sa maingay na bar na ito.
BINABASA MO ANG
SWITCH
FantasyNais lamang mg 23 anyos na babaeng si 'Riel' na magbakasyon sa 'Magical Forest' kasama ng kanyang mga kaibigan. Ngunit kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak ng kanyang buhay. Hindi niya inaasahan ang unang pagkikita nila ni 'Kian', ang 25 an...