Hintay

11 1 0
                                    

Sinubukan kong madaliin ang pag-ibig.
Binigkas ang mahal kita ng mismong mga bibig.
Nagmahal ng taong di nilaan ng daigdig.
Katigasan ng ulo, sa huli'y di nakinig.

Ngayon ay nakakulong sa mga alaala.
Parang presong, walang pag-asang lumaya.
Pagdadalamhati ang makikita sa mga mata.
Ang tanong kaya mo pa ba?

Kasabay ng ulan ang pagpatak ng luha.
Kabilugan ng buwan ako'y nagiisa.
Sa kadiliman nakatago iniisip ka.
Nagbabadyang ikay bumalik pa.

Isang pagkakamali ako'y nasira.
Maling tao and dahilan ng pagkatumba.
Akala ko sa huli ika'y magiging asawa.
Yun pala asawa ng iba.

Isang kataga ang nagpamulat saakin sa tama.
Sa tamang paghihintay kung kailan magiging handa.
Minsan ng nag kamali, hindi na maibabalik pa.
Sa susunod maghintay sa nakalan ng sa huliy di masaktan ng sobra.

Tula ng Pagibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon