Shella
6:40 am
" Erynn! Nasaan ka na?" Tanong ko sa kaniya sa cellphone.
"Eto naa! Malapit na ko!" Sagot niya.
"Okayyy." Sabi ko at pinatay yung cellphone ko.
Hinihintay ko sila France at Erynn ng may biglang kamay na tumakip sa mga mata ko.
"Hulaan mo kung sino 'to." Sabi niya.
"Hoyyyy bakla, ano gimik mo? Alam na alam ko na ikaw yan!" Natatawa kong sabi.
" Ano ba yan!" Sabi niya habang nakasimangot.
" Baklaaa, ngayon ko lang na realise na ang gaspang pala ng kamay mo!" Natatawa kong sinabi.
"Bwiset ka! Mas makinis pa nga 'to kaysa sa balat mo!" Sabi niya habang inirapan ako.
"Bwiset ka rin! Teka nga may sakit ka ba?" Sabi ko habang chinecheck yung temperature niya.
"Luka, bakit naman ako magkakasakit?" Tanong niya
"Hindi ka kasi sumisigaw ng bonggang-bongga!" Biro ko sa kaniya.
"Luka ka!" Sabi niya sabay hampas niya sa'kin.
"Aray! Ano ba! Nagbibiro lang ako!"
"Balakadiyan! Tara na nga! Sa loob na natin hintayin si Erynn." Sabi niya at napatango lang ako.
Naglalakad kami ng biglang may nang gulat samin.
"HOY!" Gulat samin ng isang babae na ikinagulat namin.
"LANGYA KA ERYNN!" Sabi ko habang nakatingin sa kaniya nang masama.
"BUSET KAAA!" Sigaw ni France habang nakahawak sa dibdib niya.
"EHEHEHEHE, SORRYYYY!" Sabi niya habang tumatawa.
"Tara na! Si Ma'am Fajardo yung unang teacher natin!" Sabi ko.
"SHAKSSS TARA NA!" Sabi ni Erynn.
Agad kaming tumakbo papuntang classroom.
"G-grabe nakakahingal." Sabi ni France habang hingal na hingal.
"Luka umupo na tayo bago pa siya dumating." Sabi ni Erynn habang hingal na hingal rin.
"NANDIYAN NA SI MA'AM!" Sigaw ng isa naming kaklase.
"SHAKSS!" Sabi ko at agad-agad kaming umupo.
3....2...1...BAM! Biglang kumalabog ulit yung pinto.
"Magandang umaga Grade 10!" Bati samin ni Ma'am Fajardo.
"Magandang umaga Ma'am Fajardo!" Sabi naming lahat.
"Ngayong araw na ito ay aayusin ko kung saan kayo mauupo hanggang matapos ang taon ng pag-aral 2018-2019 tsaka nakabase 'to sa average niyo nung Grade 9 kayo." Panimula ni Ma'am Fajardo. "Pagkatapos ay uumpisahan na rin natin ang halalan sa taon ng pag-aaral 2018-2019."
WAHHHHHHHHHH! Sana katabi ko sila Erynn.
"Umpisahan natin sa dulo, Nathan Envangelista umupo ka sa pinakadulo, sumunod ka Francisco Morales, ikaw rin Shella Salazar at Erynn Villena." Sabi ni Ma'am Fajardo sabay turo sa mga pwesto namin.
WAHHHHHHHHHH MAGKAKATABI NGA KAMI!
Binitbit namin ang mga dala naming bag at pumunta sa pwesto namin.
Ngumiti lang si Nathan at kumaway sa amin.
"Nangangamoy picnic ah." Natatawang sabi ni Erynn.
"Buti nalang nasa likod tayo!" Masayang sabi ni France.
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Teen FictionA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...