31

32 0 0
                                    

-YEAR 2012-

Mabilis na lumipas ang pasko at bagong taon. At ngayon nga ay unang araw na ng balik klase. May hangover pa ako sa nagdaang holiday kaya tinatamad akong pumasok, pero dahil gusto ko ngang makita si Neo, pinilit kong bumangon. Tanginang monday sickness to.

Wala naman masyado nangyari netong mga nakaraan, yung handa namin nung new year mas kaunti di katulad nung pasko, pero mas okay na yun sa akin para hindi maraming tira. Nung new year nga eh andaming nagpaputok dito sa amin, ang ending dun na sila sa ospital nagmedia noche. Delikado talaga magpaputok, madaming nabubuo, nabubuong sugat. Kami nga eh naglusis lang at nagtorotot. Mas safe pa.

Unfortunately, hindi na nasundan ang pagbisita ko kay Neo. Nagstay kasi kami ni Santino sa tita ko pagtapos nang pasko at bago mag-new year. Tinext ko naman sya, nalungkot nga eh. Kaya naman babawi ako sa kanya ngayon. Pagkatapos ko maligo at mag-ayos ay bumaba na ako. Sumabay na ako kela mama kumain, pagtapos ay nagtoothbrush pa muna bago magpaalam. Inabot pa sa akin ni mama ang baon ko bago umalis. Pagkalabas ay naisipan ko namang daanan si Neo sa bahay nila para sabay kami pumasok, tutal eh maaga aga pa naman. Para pa akong mental na nakangiti habang naglalakad.

Pagkatanaw ko sa gate nila ay palabas na si tita at mukhang papasok na nang trabaho. Agad naman akong lumapit, natuwa naman ito nang makita ako.

"Iha! Naku masaya akong makita ka ulit! Sasabayan mo si Neo pagpasok? Anjan pa sya sa loob. Mauuna kasi ako at baka matraffic. Pasok ka lang jan sa loob ng bahay." nakangiti pang sabi ni tita sa akin.

"Sige po tita! It's nice to see you again din po!" masayang tugon ko.

"Ako rin iha! O sya, mauuna na ako at baka malate pa."

"Ingat po!" kinawayan ko pa ito. Hindi nakasara ang gate kaya dumiretso naman na ako sa bahay nila at dire diretsong pumunta sa pintuan. Pagkarating sa pintuan ay naabutan ko pa si Neo na nagpapatugtog ng malakas habang nasa salamin at nag-aayos ng sarili. Sinasabayan nya ang kanta at sumasayaw pa!

"Siiiiistar! Aha! So cool! We cool! Uno dos tres quatro!" sya yan kumakanta. Gusto kong humagalpak ng tawa sa nakikita ko pero pinigilan ko para hindi nya malamang pinapanood ko sya. Sayaw lang sya ng sayaw don. Nilabas ko pa ang cellphone at vinideohan sya. Mukhang hindi nya ramdam na andito ako.

Nagstay lang ako sa pintuan. Kinuha nya pa ang bag at sinukbit iyon, at ng mapaharap ay napatalon sya sa gulat ng makita ako. Natawa ako ng malakas sa itsura nya.

"Andito ka pala! Hindi kita napansin!" gulat na sabi nya.

"Galing sumayaw ah! Siiiiistar!" pang-aasar ko pa sa kanya habang ginagaya yung sayaw nya kanina.

"N-nakita mo?!" biglang sya namula.

"Oo hahahahaha! Kala ko take it to the head lang kaya mo sayawin!"

Napakamot pa sya sa ulo, namumula pa rin ang tenga nya. "Halika na nga! Baka malate pa tayo!" minake sure nya muna na nakapatay ang gasul nila at nakasara lahat ng kwarto at bintana, nilock nya pa ang pinto, sabay naman na kaming lumabas ng gate nila at kinandado nya iyon. Nung nagsimula na kaming maglakad ay inasar ko ulit sya.

"May video ako! Tignan mo." pinakita ko pa ang video nya na sumasayaw sa cellphone ko.

"Idelete mo yan!" pilit nyang inaagaw sa akin ang cellphone.

"Eh ayoko ngaaa! Remembrance to nang kacute-an mo hahaha!" inilalayo ko naman ang cellphone.

"Delete mo na kasi! Ipapakita mo pa kung kani kanino yan!"

"Ayoko nga! Ang cute mo kaya dito!"

"Dali na kasi Sab!"

"Ayoko nga!"

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon